Chapter 8

671 Words
Tania "Hindi ko naman po alam!" Natataranta kong sinabi habang pinapanood si Chase na pinapakalma sa loob ng clinic sa kanilang mansion. Napakagat labi nalang ako at namaywang. Oo, gusto kong makaganti pero hindi sa ganitong paraan. Baka nga ngayon nagiisip na iyan ng paraan kung paano ako i-assassinate! "Sinabi ko sa'yo 'yon eh, naku! Kapag naabutan ni Mr. Merell na ganito ang lagay ng anak niya, ewan ko nalang." Iling pa ni Manang Belen. Ha? Kailangan ko na bang iligpit ang mga gamit ko? Kailangan ko na bang magbalot-balot dahil papalayasin na ako? Marahas akong napalunok. Grabe naman kasi eh. Hindi ko naman sinasadya. Lumabi ako at nagpaalam kay Manang Belen na pupunta lang ako sa kuwarto ko. Magiimpake na nga ako dahil paniguradong palalayasin at sisipain na ako ng CEO ng mga sutil dito sa pamamahay niya. Saktong patapos na ako sa pagiimpake ay saka naman may kumatok sa pinto ng aking kuwarto. "Tania...nariyan na si Mr. Merell. Pinapatawag ka," si Angelina. Mariin akong pumikit at napalunok muli. Ano na sisipain niya na ba ako? Sasampalin? Sasakalin? Ngunit nagtaka naman ako noong sa opisina ako dinala ni Angelina. Anong gagawin ko rito? Nang makatapat na sa pinto ng kaniyang opisina ay nginitian muna ako ni Angelina bago siya tatlong beses na kumatok sa pinto. "Okay lang 'yan. Mukhang hindi naman galit." Aniya pa na nakapagpabawas sa kaba ko. At saka, bakit kailangan kong kabahan? Hindi ko naman sinasadya. Nang tuluyan nang makapasok ay naabutan ko siyang abala sa pagpipirma ng tambak na mga papel sa kaniyang malaking lamesa. Hindi niya pa ako tinapatunan ng tingin ay nagsalita na siya. "I called you here because —" "Kasi pagagalitan niyo muna ako saka tatanggalin sa trabaho. Sisipain, mumurahin, palalayasin, at sasaktan muna. Maghihiganti ka dahil sa ginawa ko kay Chase tapos ipapapatay mo ako at ang pamilya ko, tama ba ako?" Walang preno kong sinabi pero doon naman niya ako binalingan na laglag ang panga. "What the f**k are you talking about?" Aniyang nakapagpalaglag sa panga ko. "H-hindi mo ako sesermunan dahil sa n-nangyari kay Chase?" Tumayo siya habang magkasalubong ang kaniyang kilay. "Why would I? He said that it's his fault." Aniya. Pumikit ako at nagpasalamat sa lahat ng santong tinawag ko kanina. Kahit papaano ay malakas parin pala ang kapit ko. Pero bakit iyon sasabihin ni Chase? Bakit niya sasabihing kasalanan niya? "So hindi ko na kailangang umalis? Sayang...nakapagimpake pa naman na ako," sabi ko. Tunog nanghihinayang pero ang totoo ay para akong nabunutan ng tinik sa ngalangala. "Bakit? Sinabi ko ba?" Pinagtaasan niya ako ng kilay. Nagkibit balikat ako. "Sabi ko nga...hindi." Nang pinakawalan niya na ako pagkatapos niyang sabihin ang dapat na sasabihin niya na bilin lang din naman pala ay dumiretso na ako sa clinic, kung nasaan si Chase. "Psst. Yourself awake?" Agaw ko sa atensiyon niya na nakatuon sa malaking flat screen TV na nasa harapan niya. Kahapon naman kasi wala iyon doon, tapos ngayon nandito na. "Yes." Simple niyang sagot nang hindi ako tinatapunan ng tingin. "Why lied to father? You say that's the fault of yourself? Why?" gulong tanong ko habang umuupo sa gilid ng bed kung saan siya nakahiga. "Because I don't want you to leave us here," sagot niya sabay baling sa akin.  Ano? Ayaw niya akonf tumira rito sa bahay nila? Bakit pala Sinabi niyang kasalanan niya? "Oh you don't want myself live inside the house pala why said to father that it's the fault of yourself?" "What? I said leave. L-e-a-v-e not l-i-v-e, Nanny!" Napatango naman ako sa sinabi niya. "Ahh...I think you want myself to don't live the house," hilaw akonf natawa na ikinailing niya. "You're giving me head hurts ah?" dagdag ko pa. "How many times do I have to tell you that it's headache nit head hurts, Nanny?" nag-tsk pa siya at umiling. "I should ask Papa to enroll you at school again, you should learn for me to understand you better. I find it hard to understand what you're talking about every time, Nanny." Aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD