Tania
Habang nagjojogging ay panay ang tigil ko, ewan ko na lang kung bakit ako hinihintay nitong mag ama na ito e wala naman akong pakialam sa kanila kahit iwan nila ako. Basta ba bigyan nila akong pamasahe pauwi, okay na yun!
"You're so slow, Nanny. I'm thirsty," reklamo ng Presidente ng mga sutil. Inirapan ko siya at itinago ang water bottle sa likod ko habang hingal na hingal pa.
"Hakdog ka! Your water not here. Your father is the water only here," sabi ko at mas itinago ang bote sa likod ko.
Akala niya naman bibitbitin ko iyong sa kaniya? Neknek niya! Siyempre, nandoon pa rin yun sa kung saan ko iniwan kanina.
"Let him drink, kung hindi ka ba naman kasi tanga para iwan ang water bottle niya sa kung saan." Mando pa sa akin ng CEO ng mga sutil. Isa pa 'to, e. Pasalamat pa nga siya at hindi ko iniwan yung inuminan niya.
"No. Pets not allowed," sabi ko sabay simangot sa kaniya.
"Hey! Let me drink. I'm thirsty!" Napapadyak pa siya sa sobrang inis sa akin. Niyugyoy niya ang kamay ng kaniyang ama na para bang nagsusumbong ito.
Humalakhak ako sa loob loob ko. Bahala ka sa buhay mo ano! Manlalait ka, paninidigan mo. Walang amo amo rito!
"Hindi puwede. Ako muna ang iinom bago ikaw. Ladies first!" Sabi at walang pasubaling iniangat ang takip ng water bottle at uminom doon.
"No!" Sigaw nila pareho pero hindi ko na iyon pinakinggan.
Nasa bewang ko ang aking kamay at ang mga mata ay nakapikit. Yung tipong nasa commercial ako ng isang drinking water sa tv.
"Ahh...ang sarap! Gusto niyo?" Alok ko sa kanila pagkatapos kong uminom.
Parehong nanlilisik na mga mata lang ang ibinaling nila sa akin. Parang toro yung mukha ni Chase at mukhang kahit anong oras ay manunuwag na siya. Si Tanda naman ay napailing na lang kalaunan.
Ilang sandali silang nakasimanhot sa akin bago ngumuso at tumango na lang.
"Nah. I think it already has rabbies."
Luh? Anong rabbies? Mukha ba akong aso?
" Papa?" Lingon ni Chase sa kaniyang ama na kaagad naman siyang binalingan. "Is there any 7/11, Ministop or any near convenient store here? I can't just drink on that bottle anymore. Eww..." ngumiwi pa ito. Tila ba diring diri sa ginawa ko.
"You're maarte. Che! Bulatehin ka sana!" sabi ko sa kanila sabay irap ulit.
Kapag kasama ko talaga tong dalawang to. Parang natural na sa akin ang pagiging maldita. Ang titigas ng mga ulo!
Nakakasama talaga ng loob itong magama na ito eh.
Lalo pa noong kumakain sila ng ice cream samantalang ako ay nakayakap lang at nagtitiyaga sa water bottle nila na ininuman ko kanina. Hindi man lang ako binilhan. Panay ang lunok ko habang si Chase na sutil ay iniinggit pa ako.
Akala ko ba nagpapahealthy kayo? Bakit kayo kumakain ng ganiyan? Tapos hindi pa kayo nagbibigay?!
"Damot." Inilabas ko ang aking dila para kay Chase.
Kaya naman noong isang araw na nasa kusina ako at nagluluto, hindi ko sila pinaglutuan. Akin lang ang niluto ko. Bahala silang magutom. Kaya na nila sarili nila. Hindi pa rin ako nakaka move on doon sa ice cream nilang mag-ama.
"Nanny?" Si Chase na biglang pumasok za kitchen habang hinihimad ang tiyan. "I'm hungry. I want to eat soup," request ni Chase na inirapan ko lang.
"Che! You not gave me ice cream yesterday. You cold there!" sabi ko sa kaniya habang pinapainggitan siya sa noodles na niluto ko.
Siyempre, hindi naman ako maalam sa pagluluto kaya panoodles noodles muna ako. Nagaaral pa ako ng mga madadaling lutuin. Muntik pa ngang masunog kasi ang konti ng nilagay kong tubig.
"Cook for me, please?" aniya at lumabi pa.
"Aba... marunong ka rin palang magplease?" Pinagtaasan ko siya ng isang kilay.
"Please?" Mas nagpacute pa siya.
Tss. Kapag nahimatay pa ito dahil sa gutom baka ako pa ang sisihin. Kaya sige na nga!
Gaganti nalang ako sa ibang bagay at paraan.
"Sure. I will cook you. Just wait for my cooking okay?" Bilin ko sa kaniya. "Just soup? No more no less?" paninigurado ko pa. Aba kung may more edi bahala na siya.
Hindi nga ako marunong magluto eh. Mabuti at soup lang naman ang gusto at kaagad naman akong nakahanap ng nakarepack sa cabinet na nandoon.
Mushroom soup ang pinili niya. Pareho pala kami eh, mahilig sa mushroom.
Enjoy na enjoy ako sa pagluluto nang pumasok doon si Manang Belen. Naamoy niya siguro ang mabango kong niluluto kaya lumapit siya sa akin.
"Ayusin mo 'yan ha? Pihikan iyan sa pagkain," paalala ni Manang Belen.
Tango lang ako ng tango. Kahit may sinasabi pa siya ay hindi ko na gaanong narinig dahil aligaga na ako sa ginagawa ko dahil umapaw na ang tubig nang lagyan ko iyon ng isang binating itlog.
"There. My cooking is done." Proud kong sinabi nang mailapag ko ang soup sa harapan niya.
Tinitigan niya iyon bago niya inilapit sa kaniya at nagsimulang humigop doon.
Hinayaan ko siya habang sinasabayan siyang kumain. Soup ang kaniya, noodles naman ang sa akin.
Habang tumatagal ay napapansin kong namumula siya at tila ba nangangati.
"What's happened to yourself?" medyo nataranta kong tanong sa kaniya nang makitang hirap na hirap siya habang kinakamot ang likod niya.
"Allergies, Nanny..." aniya at halos maiyak na. Panay ang kamot niya sa kamay at leeg niya.
"Ha? Bakit ka nagka-allergy?" Tanong kong hindi na niya nasagot. Aligaga na ako at hindi na alam ang gagawin.
Kaya naman laking pasasalamat ko nang pumasok sina Manang Belen sa kusina kasama ni Angelina ay kaagad nila kaming dinaluhan.
"Anong nangyari dito?" Si Angelina.
"Malay ko? Sabi niya allergy daw." Sabi ko habang inaalu si Chase na umiiyak na talaga ngayon.
"Sinunod mo ba iyong sinabi ko kanina?" Si Manang Belen naman.
Kumunot ang noo ko dahil sinabi lang naman niya na pihikan si Chase sa pagkain. "Na ano po?"
"Nilagyan mo ng paminta itong soup?"
Nanlaki ang mga mata ko at saka ngumiwi. Iyon na pa naman ang pinakamarami kong nilagay!
Ngumiwi ako at kinagat ang kuko ng aking daliri.
Patay!