Tania
"You..." tinuro ko ang gilid ng pinto ng aking kuwarto kay Chase para sabihing doon siya tumayo at maghintay sa akin. "Wait me here. Kill entrance," banta ko ulit sa kaniya at hinawa ang gilit sa leeg.
Nagkibit balikat lang siya.
Alangan naman kasing papasukin ko siya sa kuwarto ko? Duh? Privacy Policy!
Niluwagan ko lang ang pagkakabukas ng pinto dahil pausukan na naman niya ako rito sa loob.
Paglabas ko ay wala namang nangyari. Buo parin naman ang katawan ko.
"You said jogging father ha? Jogging, prank no more. I will court you if me you prank again," sabi ko sa kaniya na ngumigiwi na naman habang nagsasalita ako.
Tila ba hirap na hirap siyang intindihan ang mga sinasabi ko.
"Get it?"
Lukot ang mukha niya habang tumatango. "I...guess so," aniya.
"Naku...kunyari ka pa, kinain mo rin naman tae mo nung baby ka pa." Bulong bulong ko pa habang pababa na kami sa hagdan.
Sinabi kasi ni Tanda na magjojogging daw ulit kami kahit kajojogging ko lang.
Baka matalbugan ko na nga sina Catriona Gray, sina Pia Wurtzback, eh. Sobra sobrang kasexy-han na 'to para sa'kin. Kaya easy-han lang ngayon. Baka magkagulo pa ang buong bayan!
Habang hinihintay namin ang sa isang taon pa yata darating na Tatay niya ay naboring yata siya kaya kung ano ano na ang tinanong sa akin.
"How does it feels like to have a mother, Nanny?" Tanong niya bigla.
"Head hurts." Sagot ko dahil talaga namang sakit sa ulo si Mama. Wala nang ibang ginawa kung hindi ang magdala ng mga bata sa mga bahay, e sarili ngang anak halos hindi niya na maalagaan tapos magdadala pa ng bata ng kung sino sino sa bahay?
Madalas pa, may mga kasama rin siyang mga chismosang hilaw. Kung sino na lang talaga ang mahugot ni mama sa daan pabalik sa bahay, yun na yon!
"What?" Tanong niya, hindi yata nakuha ang gusto kong sabihin. Nakasimangot ko siyang nilingon.
"When head is like,"Ikinumpas ko pa ang mga kamay ko. "you..." pa'no ko ba 'to ieexplain sa batang ito? Napakaarte naman kasi! "Like awts! Like that," sabi ko sabay sapo sa aking noo at mariing pumikit.
Siguro naman nagets niya na yun, 'no?
"You mean headache?" tinaasan niya ako ng isang kilay. Lito ang ekspresyong ipinapakita niya sa akin.
Inirapan ko siya at humalukipkip na lang. "Edi, headache, pareho lang naman iyon sa head hurts. Magkaiba lang ng punctuation at yung spelling." Muli ko siyang inirapan.
"You know what, Nanny? If I were your English Teacher, I will give you sixty as your grade. Your English sucks. It's pronounciation by the way, not punctuation," aniya at inilabas pa ang kaniyang dila na animoy nasusuka at nandidiri.
"Hoy! Ang bastos ng tabas ng dila mo ha?" Untag ko. Nakakaoffend naman kasi iyong sinabi niya. Pero... sa isang banda, kahit naman mabalaw ang dila ng sutil na bulinggit na ito, may natututunan naman ako.
Gan'on siguro talaga 'no? Saka ka lang matututo sa mga bagay bagay kung isasampal sayo ang katotohanan. Na kung gusto mo, kailangang dumaan ka sa ilang beses na pagkasawi at pagpapahiya. Bago mo makuha ang bunga, kailangan mo munang sungkitin iyon mula sa puno.
"Hey, kiddo. What's happening here again?" Si Mr. Merell na palaging sumisingit kapag nagaaway na kami ng anak niya eh pareho lang naman silang sutil. Palagi niyang pinagtatanggol kahit di naman siya sure kung ba't kami nagboborlogan ng anak niya.
"I was just asking but I can't understand her because her English is terrible. Should we enroll her to Grade 1 again, so she'd learn?" Patanong na sinabi ng anak sa kaniyang ama.
"Anong sinabi mo?" susugod na dapat ako nang harangan ako ni Mr. Merell kaya naman sa dibdib niya ako dumapo. Naamoy ko kaagad ang mahal niyanh pabango. Ano ba naman 'to? Magjojogging na lang kailangan pang mabangong mabango talaga?
"Ikaw ha? First day ko pa lang dito noon tapos hanggang ngayon pinepersonal mo na ako. You hurting myself!" Sigaw ko sa kaniya na halos maiyak na. Dinuro ko pa siya habanh nakalabi.
Halos itulak ko pa si Tanda na namamagitan sa aming dalawa para lang malapitan siya pero sobrang tibay ni Tanda kaya hindi man lang ako makaabante.
Narinig ko naman ang muling pagtawa ni Mr. Merell na sinabayan pa ng sutil niyang anak.
"See?" Gatong pa nito habang nakatingin sa ama na para bang sinasabi na tamang tama nga iyong sinabi niya kanina.
"Ano bang mali sa English ko at palagi niyo akong pinagtatawanan? Napapanood ko yon sa mga movies na pinapanood ko kaya alam kong tama 'yon!" Pagtatanggol ko sa sarili ko. Konti na lang talaga maiiyak na ako dahil sa pambubully ng mag-amang ang sasama ng ugali na 'to!
Edi kayo na magaling!
"Really? Baka pirated naman kasi iyong nabibili mo kaya hindi tama ang subtitle?" Muli siyang tumawa, nakitawa na naman si Chase sa kaniya.
"Heh! Nakikitawa ka naman diyan, naintindihan mo ba ang sinabi ng Tatay mo?"
"What?" Anito. Oh? Diba? Tatawa tawa ka riyan hindi ka naman nakakaintindi ng tagalog!
"Alam kong mahirap lang kami pero sa panonood ng mga Hollywood movies ako natututong mag-English," may pagmamayabang kong sinabi.
"Mabuti naiintindihan mo," bulong ni Mr. Merell sabay hagis sa akin ng kaniyang water bottle.
"Let's go. Carry that and my son's water bottle," utos niya saka ako tinalikuran.
Gan'on na lang 'yon? Akala ba niya hindi ko narinig iyong panlalait niya sa akin?
"Wow ha? Lagyan ko kaya ng lason itong mga inumin niyo?" Angal ko pero nakatakbo na sila.
Sige lang. Tumakbo kayong walang streching. Tignan ko lang kung hindi manakit mga katawan ninyo!
"Mga walanghiya 'tong mga 'to. Niyaya niyo pa akong magjogging kung pagbibitbitin niyo lang din naman pala ako ng inumin niyo!" Sigaw ko sa kaniya habang hinahabol sila.
Tumigil pa nga si Chase saka nagaasar na inilabas ang dila para asarin ako.
"Talaga lang, ah? Iwan ko kaya itong tubigan mo rito? You get thirty don't have water, bleh!" dumila rin ako sa kaniya at iniwan doon ang water bottle niya. Iyong kay Mr. Merell lang ang dinala ko.
"Bahala ka sa buhay mo. Mauhaw ka. It's the fault of yourself! Akala mo ha?"sabi ko habang pagod na humahabol sa kanila.