WHP(PLAY#9)

1790 Words
CHAPTER NINE: - "Jake?" "Marie, Uy! Uy! Gising! Gising!" napamulat ako sa pagkalabit sakin ng isang pamilyar na boses. Si King. So, nanaginip lang pala ko? Hindi totoo na nandito si Jake? Kinabahan talaga ko dun, akala ko totoo yung pangyayaring yun. Buti nalang panaginip lang pala. Teka----Bakit nga pala ko natulog?! "Hoy King! Bakit ba ko natutulog? Diba kanina niyaya mo na ko kumain? Bakit ako nakahiga dito? Sa beywang mo?" MAtaray na tanong ko sa kanya, agad naman syang umatras at tumawa. "Teka lang ah! Baka saktan moko bigla! May bigla kasing nakasipa ng bato tapos tumama sa ulo mo shunga! Maninisi ka kaagad dyan! Hahahha." mabilis naman nyang sagot. Bigla akong humawak sa ulo ko at may nakapa akong isang malaking bukol sa bunbunan ko! Ay shets! Natamaan nga ko ng bato. "Shets nemen oh!" reklamo ko pero tinawanan lang ako ni King. Baliw talaga 'to! Hahaha. "Kain natayo dali! Gutom nako eh! Baka mamaya magutom ka, at aksidenteng ma-inlove na rin sakin," seryoso nyang sagot. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko at kinabahan. Nanahimik sya at natahimik din ako. Anong sasagot ko? "JOKE! HAHAHAHAHA!" DAGDAG NYA! Ay shets talaga 'tong si King! Sarap sapakin pota! Pero buti nalang nakahinga ako ng maluwag at hindi masyadong naging awkward yung atmosphere samin. "Sobrang nakakatawa shets! Sakit sa tyan," sarkastiko kong sabi. Letche talaga 'to! Muntik na tuloy akong maging kamatis sa sinabi nyang yun' Hindi naman maiiwasan diba na gumaan ang loob mo saisang tao na lagi mong kasama at kabiruan sa lahat ng oras, Oo, may nararamdaman ako kay King pero Slight lang. Hinahangaan ko lang sya, I mean just crush. Crush lang talaga. Hindi naman nya mapapantayan yung pagmamahal ko kay Jake, si Jake pa rin yung mahal na mahal ko hanggang ngayon kahit na hindi nya ko kinakausap. Kaasar! Iniisip ko na naman sya, Nakka-stress pa naman! Hahha. Gwapo si King, Actually heartrob sya dito sa campus kaya minsan maraming hate ako kasi akala nila ako ang girlfriend ni King. Oo, nanligaw sakin si King but i refuse and decline at sinabing Intindihin nya sana ako na hanggang magkaibigan lang talaga. KAIBIGAN. Haha. Naintindihan naman nya pero hindi pa rin nawawala yung mga jokes na inlove sya sakin ng sobra, yung mga Jokes na nagpapakilig at nagpapapula sa isang tao. At yung nagiging dahilan ng atmosphere. Diba?! Tumayo nako sa kinauupuan ko at niyaya na si King na kumain sa Cafetria, Gutom na rin kase ako. Hindi naman kasi ako nag umagahan samin kaya araw araw akong gutom! Hahha. Una akong naglalakad sa kanya at nasa likod ko lang si King na hawak hawak ang bag ko, sabi ko naman sa kanya wag na nyang dalhin ang bag ko at kaya ko naman buhatin kaso nagpupumilit edi hinayaan ko kase. Mapilit eh! Minsan naman sya lagi ang naghahtid pauwi sa bahay. Kaya nga inaakala ng mga parents ko na Boyfriend ko si king. Napaptawa nalang si King pag naririnig nya yung mga sinasabi ng mga parents ko. Ideal boyfriend naman talaga si King eh! Nasa kanya na lahat ng hinahanap ng mga babae kaso hindi talaga kami pwede eh! Mahal na mahal ko si Jake. Hndi ko sya ipagpapalapit kahit anong mangyare, Nangako sya sakin nababalik sya, babalik sya. Sandali lang. "ARAY!" SIGAW KO. May nabunggo ako. Ay shets. "Sarreh sareeh," sagot naman neto. Ang arte ng pagkakasabi nya, habang ako pinupulot yung libro ko, abah! Ayaw man lang tumulong! Buti pa si King aagd na tumulong. Hihihi. Joke. Pati anong fegg netong si Ate? Si Steffi Cheon. Lul sya. "K. Next time pag may nabunggo ka Te;' tulungan mo naman sana," sabi ko ng mapulot ko na lahat ng libro, tumayo nako sa pagkakaluhod at nakita ang nakabunggo sakin, WAIT!----- "Marie?!!!!!" gulantang nyang tanong. Bakit sya andito? Letche abaah! Kontrabida na naman ho! "Minzy?" tanong ko rin. Hindi lang ako makapaniwala na nandito sya, kasi 2nd sem na pero ngayon ko lang sya nakita dito sa campus, nung 1st sem naman hindi ko sya nakikita eh, anong ginagawa nya dito? Ay, tanga, malamang. Nag aaral. Shungang lang? Haha/ "Andito ka pala, at dito kapa nag-aaral. Ang liit talaga ng mundo Marie, at nagkita na naman tayo. Natakot tuloy ako dahil nakakita na naman ako ng AHas, Mang-aagaw at isang b***h!" sabi nya. Naginit agad ang dugo ko sa narinig kong sinabi ni minzy, letche tong babaneg 'to! "I wonder na kung hindi ka matatakot sakin kasi matagal ka na naman takot skin diba Minzy? Hahahha. Ikaw lagi yung loser," pang-aasar ko sa kanya. Napatingin naman sakin si king pero iniwas ko agad yung tingin ko baka kung ano pa isipin nya. "Dati 'yun Marie, Nung nandito pa si Jake. At ngayon na nandito na ulit si Jake, hindi nalang ako ang magiging loser, kasama kana, magugulat ka nalang," sabi ni Minzy at binigyan ako ng isang malapad na ngiti at umalis na harap ko. Naging palaisipan skain ang sinabng yun ni minzy. Anong sinasabi nyang nandito na si jake? Kung nandito na sya dapat ako ang una nyang sasabihan hindi ang iba, at anong magugulat? Ano bang meron? Kinakabahan tuloy ako. Nakaramdam bigla ako ng takot at kaba. Parang may mangyayari mamaya na hindi ko magugustuhan. Shets! Pag si Jake talaga ang usapan, laging ganito ang pakiramdAm ko. TAKOT. Kasi naman, twing maririnig ko yung pangalan nya parang may bagay na hindi ako magugustuhan pag narinig ko yung pangalan nya. Parang may bagay na hahadlang, basta. EWAN! Nkakaasar, binigyan bigla ako ng spoiler! Pero san naman hindi ako magugulkat sa malalaman ko kung sakali nga na nandito si Jake, pero Imposible talaga eh! Hindi manyayare yun. Hindi dahil dapat nalaman ko na agad ito dahil ako ang Girlfriend ni Jake, ang una nyang pagsasabihan hindi ang iba. At kng sino lang. Yun yun! "Taray ni Ate no? Kontrabida sa story. Haha! Sana naman ako ka loveteam mo sa story na 'to Marie," sab ni King. Muli na naman akong natahimik. Shets. Kasasabi ko lang kanina diba, ayoko ng mga ganun na biro na galing sa kanya, I feel the awkwardness, Shits. "Hahaha." i laughed sound of sarcastic. Napangiti nalang si King. "Tara na nga ah! Gutom na rin ako," sabi naman nya. Ngumiti nalang ako as a signed of my answer. - "Anong kakainin mo Marie? Treat ko!" sabi nya na may kasamang sigla. Napatawa naman ako. Kasi naman eh! Halos araw araw sya laging nanlilibre skain ng kakainin. Ako naman payag ng payag, kasi mayaman naman si King eh! Hahaha! "Bahala kana King basta masarap!" sabi ko habang nakangiti. Umalis naman sya na parang tanga, Hinintay ko si King sa kanyang pagbabalik. Lol. Hahah. Nagulat ako. Abah naman kase! Lahat ata' ng pagkain sa Canteen binili nya eh! I mean lahat ng luto na ulam sa canteen binili nya pati lahat ng flavor ng juices. Yaman talaga. Tumingin ako sa paligid ko at shets! Ang sasama na naman ng tingin sakin ng mga estudyante dito! Okay lang yan. Kuman na kami ni King, sabi ko sakanya maghati kami sa binili at maibigay din dun sa mga walang pambili kasi hindi ko naman kayang ubusin yung mga binili nya. Loko talaga 'tong si King! Natapos na kaming kumain at last period na rin namin, sabay kaming pumasok ni King buti hindi pa kami late. Nabored ako sa last period namin, Calculus kasi eh! Hindi naman ako magaling sa Math ee. Kaya nangongopya nalang ako kay King best In Math kaay yan! Hahaha. Nkakatawa lang nu? kung iisipin mo, dalawang taon kaming nagkasama, ang rami na naming pinagdaanan ni King, tampuhan, Saya basta lahat na! Ang tagal na rin kasi eh, Walang may paki. Naalala ko. Padagdag words ni Author. - Natapos ang last subject, sinabay ako ni King pauwi. Always naman eh! Hahaha. Lagi akong hinahatid pauwi nyan nu? Nang makarating kami sa bahay namin, Sinabi ko kay King na sumama sya at pumasok para dun na kumain ng dinner tutal 6:30 na naman kami nakauwi eh, para kahit papano makabawi naman ako kay King. Pumasok na kaming dalawa ni King, nahihiya pa ang Loko. Naabutan namin si Mommy nanag bukas ng pinto. "May bisita ka pala Anak," sabi ni Mommy. "Opo. Si King nga po pala, kaibigan ko po. Dito po sya kakain ng dinner," sabi ko naman habang nakangiti. "Sure, nakahanda na ang dinner, pumunta na kayo dun at Marie, hinhintay ka rin ng bisita mo sa loob," sabi ni Mommy. Ano daw? Bisita? Sino namang bibisita sakin? Sa natatandaan ko wala akong iniimbita dito maliban kay King, Sino kaya ang sinasabi ni Mom?! Nakakapagtaka, - Pumaosk na kami ni King, naglakad kami papunta sa sala at laking gulat ko kung sino ang sinasabi ni mommy na bisita ko, biglang bumilis ang t***k ng puso ko, andito na sya? Bakit hindi man lang nya ko sinabihan? Gusto kong maiyak ngayon dahil sobrang namiss ko si Jake, sumigla bigla yung puso ko. Laking tuwa ko na nakita ko ulit sa personal yung mukha ni Jake pagkalipas ng dalawang taon, Wala paring pinagbago yung mukha nya, tumaba lang sya ng sobrang konti na mas bumagay naman sa kagwapuhan nya, at nagiba lang yung hairstyle nya na talagang fit sa kanya. Pero lahat ng tuwa na nararamdaman ko, nawala lahat. Dahil sa kasama nya..... "M-marie," tawag nya sa pangalan ko, lalong tumibok ng mabilis ang puso ko, na may halong kaba. Namiss ko yung boses nya at yung pagtawag sapangalan ko, pero hanggang ngayon may luha akong pinipigilan bumagsak, sino yung babaeng ksama nya? "Jake," pagtawag ko naman sa pangalan nya, pinipigilan ko parin ang luha ko na wag bumagsak. "Marie, kumusta kana? Antagal nating hindi nagkita," sabi naman ni Jake, gusto ko syang yakapin ngayon. Gusto kong yakapin sya habang buhay pero hindi ko magawa parang napapako ang paa at sinasabi na wag nalang. May ibang kutob akong nararamdaman. Hindi ko alam pero sadyang natatakot ako na parang masasaktan na naman nya ang puso ko. "Okay lang ako Jake, Ikaw? Antagal mong hindi nagparamdam sakin, halos tatlong buwan,Kailan kapa nakauwi?" tanong ko naman sa kanya, may kasama na rin na pagsusumbat yun. Hindi ko matanggal ang nakakalungkot kong tingin kay Jake, sobra ko talagang namimiss si Jake. Walang araw na hindi ko sya kinalimutan, "Actually, last week pa ko nakauwi from U.S. Anyway Marie, Ito nga pala si Patricia, my fiance," sabi nya kasabay ng isang ngiti nilang dalawa ng kasama nya. Parang tinusok ang puso ko ng isang milyong patalim na sobrang talim as in sagad sa buto, sobrang sakit ng narinig ko at dahil dun, tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha ko na kanina kopa pinipigilang bumagsak. Ang sakit lang, Tumakbo ako ng tumakbo, at sinundan naman ako ni King.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD