Sienna Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s Queen) “Nakasisiguro ka ba sa iyong nalaman?” paniniguro ko sa impormasyong inihayag sa akin ni Luigi na ngayon ay nakaluhod sa aking harapan. “Opo, mahal na reyna.” sabi niya. “Ako mismo ang nakakita sa kanya na nagpapagala-gala sa ating kaharian at hindi iyon nalalayo sa kinalalagyan ng prinsesa ngayon.” Nagsimula akong kabahan habang iniisip ang mga posibleng mangyari. Hindi ako maaaring magpadalos-dalos dahil posibleng humarap sa isang nakahihindik na digmaan ang aming kaharian kapag ako ay nagkamali ng kahit kaunti lamang. At hindi ko iyon maaatim dahil panibagong pasanin na naman iyon para sa aking mag-ama. “Bumalik ka na lamang muna doon at siguraduhin mong mababantayan nyong mabuti ang aking anak.” Tumayo siya at yum

