Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) “At narito na nga ang ating mga bayani!” sigaw ng announcer na sinundan ng malakas na hiyawan ng mga manonood. What the hell is happening here? Hindi naman ako nasabihan na may mga manonood pala sa pagsusulit na gagawin ko para makaalis sa rank ng novice. Luna! Kaya mo iyan! Huwag kang magpapatalo sa mga makakalaban mo! Nasa iyo ang suporta namin! Laban lang, Luna! Ilan lamang iyan sa mga naririnig ko mula sa sigawan ng mga manonood at doon ko lamang unti-unting na-realize ang mga nangyayari. Walang interes ang mga mamamayan ng Diamond Kingdom sa pagsusulit na nilalahukan ng mga novice. Ang madalas lang naman nilang panoorin ay ang mga level ranking, guild war at mga exhibition match ng mga adventurer. Pero dahil sa pagkalat

