Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) “Ano ba talagang dahilan at naisipan mong maging adventurer din?” tanong ko kay Sage. Madami-dami na din ang aming nainom at karamihan sa mga kasamahan namin sa guild ay bagsak na sa kalasingan. Ang iba naman ay nagsasayawan at nagkakantahan pa at kasama na doon sina Chien, Guildmaster at Saila. Tanging kami lang nila Alicia, Soren at Sage ang nakaupo hindi kalayuan sa kanila at hindi pa masyadong apektado ng alak ang utak namin. Sage is the third child of the current king. At dahil namatay na si Kuya na siya naman talagang tagapagmana, nalipat sa akin ang pagiging crown princess and that made Sage the second to the throne. At kung mayroon mang mangyari sa akin na hindi maganda, siya ang makikinabang sa lahat ng po

