Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) “I’m sorry.” Iyan ang bungad ko nang makabalik kami sa guild building ng Ruwan Rai. At nagsisimula na nga silang kumain pero bakas sa kanilang awra ang pagkawala ng sigla. Marahil ay iniisip nga nilang hindi ko nagustuhan ang inihanda nilang party para sa amin ni Alicia. “I am really sorry.” ulit ko. “Ang totoo niyan, nagustuhan ko talaga ang inihanda nyo para sa amin ni Alice. Gustong-gusto ko at isa iyon sa dahilan kung bakit ako naiyak kanina. And the thing is…” Lumunok muna ako ng ilang beses at diretso silang tiningnan. “This is the first time that I experience this kind of feeling. Ito lang din ang unang pagkakataon na ipinaramdam sa akin ng ibang tao na welcome ako sa grupo nila kahit pa wala naman akong ginagawang

