Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) “Alice!” Agad kong dinambahan ng yakap si Alicia nang makita ko siya sa loob ng guild building. Thanks to Soren and his knights, na-realize ko na mali talaga ang way of thinking ko. At ngayon ko lubos naisip na isa nga pala akong prinsesa sa mundong ito at hindi na isang assassin. Luna Nueva is just a part of my life now. Hindi na iyon ang buhay ko. Ako na ngayon si Sina Crisiente at may responsibilidad na katuwang ang pangalang iyon na dapat kong harapin kapalit ng muli kong pagkabuhay sa mundong ito. And Alicia is just doing her responsibility being the daughter of a duke. Bonus nalang talaga sa process ang pagiging magkaibigan nila ni Sina kaya wala talaga akong karapatang magsabi kung dapat ba siyang manatili sa ta

