Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) “Don’t make any noise,” bulong sa amin ni Kronen. Dahil nga kulang ang impormasyon namin tungkol sa kung anong klaseng nilalang ang aming haharapin sa tunnel na ito ay minabuti muna namin na magtago at magmasid sa paligid. Walang kahit na anong mapagtataguan sa parteng ito ng tunnel kaya naman halos mag-panic kami sa kakaisip kung paano makakapagtago. At ngayon ako nagpapasalamat na pumayag akong sumama sa amin si Kronen. Siya kasi ang naging sagot sa problemang kinakaharap namin. Sa tulong ng kapangyarihan niya ay nagawa niya kaming itago sa gilid. He made a thin wall that was made of water and he used it to hide us. Kaya naman ang pader na sinasandalan namin ay magmumukha lang simpleng pader sa mata ng kung a

