Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) Alam kong mabigat sa loob ng mga kasama ko ang desisyong aking ginawa tungkol sa pagpaslang sa mga salamander na dahilan kung bakit hindi na nakakabalik pa ang mga adventurer na ipinapadala ng mga guild sa village na ito. Alam kong tulad ng mga naninirahan dito ay naniniwala din sila tungkol sa magandang kapalarang dala ng mga dragon o kahit ano pang related sa nilalang na ito. Pero wala silang magawa dahil higit nilang kailangang sundin ang kagustuhan ko bilang pinuno ng party na ito. Kaya naman bago pa sila makapagsalita ay agad na akong sumugod papunta sa mga salamander. Hinayaan ko nalang ang dark vision spell ko sa mga mata namin nang sa gayon ay hindi na namin kailanganin pa ng light ball na siyang magliliwanag s

