Alicia Amero’s Pov Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa amin ang lugar kung saan kami nag-camp kagabi para magpahinga at makatulog. Limang oras din ang layo ng lugar na ito sa Mizuki Village kaya hindi kami agad makakabalik doon para ipagpatuloy ang naudlot naming quest. Hindi din kasi magiging madali ang laban namin doon dahil sa kakaibang lakas na mayroon ang natitirang salamander na naiwan namin. "Alice," narinig kong tawag sa akin ni Sage kaya bumaling ako sa kanya. Ngunit agad kumunot ang aking noo nang makitang si Kronen lang ang kasama niya at wala si Sina. "Nasaan si Sina?" tanong ko sa kanila nang tuluyan na silang lumapit sa kinatatayuan ko. "Ikaw ang dapat naming tanungin niyan," sabi ni Kronen. "Hindi ba't ikaw ang huli niyang kasama

