Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) “Hindi mo ba talaga pwedeng sabihin sa amin kung paano mo naikulong ang lahat ng nasa cellar ng arena?” tanong ni Saila nang makabalik na kami sa guild building. Ang guildmaster at ilan pang adventurer ng Ruwan Rai ang umasikaso sa grupong nakialam sa novice test at makailang beses nila kaming tinanong kung ano ang ginawa namin at kung paano kami nakaligtas sa kritikal na sitwasyong iyon kung saan daan-daang manonood ang hostage. “Sa sitwasyon namin ngayon, mas mabuting walang makakaalam ng kakayahan,” sabi ko kay Saila. Makailang beses na din kasi naming tinanggihan ang pagsagot sa mga tanong nila. “Kapag nalaman ng mga nilalang na iyon an g kaya naming gawin ay nasisiguro kong maaari nila iyong gamitin laban sa amin.”

