Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) “Si--Luna!” Nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko at nakahinga ako ng maluwag nang makita si Alicia. “You really go all out,” sabi niya nang tuluyang makalapit sa akin. “Kung hindi ko pa tinakpan ang tainga ko, baka pati ako ay tulog sa mga oras na ito.” “Well, alam ko naman na maiisip mo kung ano ang gagawin ko.” sabi ko. Tumangu-tango siya. “Nung marinig ko palang ang boses mo, alam ko na kung ano ang nasa isip mo kaya agad na akong nagtakip ng tainga.” Iginala niya ang kanyang paningin. “Sa tingin mo ba ay lahat ng narito ay naapektuhan ng magic mo?” “Siguro naman,” sabi ko. “Kasi nakaabot sa pwesto mo ang effect ng boses ko.” Nag-inat ako. “Let’s go.” “Iiwan natin silang ganito?” gulat niyang tanong sa

