Prologue

1006 Words
“Sa BISIG ng KAPRE” (By: themintyheart) Fiction Disclaimer: Ang kwentong ito bagaman kathang isip lamang ay nabuo ayon sa mga tunay na karanasan ng mga totoong tao. Kung may kahalintulad man itong pangyayari, pangalan at lugar ay di sinasadya. Naglalaman din ito ng maseselang detalye ng p********k. Paumanhin po sa mga mambabasa. Ang “Sa Bisig ng Kapre” ay unang nailathala sa ilang blog sa ilalim ng luma kong account (thelustprince) mga taong 2012. Please practice safe s*x guys! All rights reserved. nicolo69@gmail.com ***** Matapos ang mainit at mahigpit na yakapang nilampinan ng masidhing halikan. Sabay silang naglakad. Isa-isang nalalaglag sa pinong-pinong d**o ang kanilang mga saplot. Hubo at hubad silang sasampa sa duyang naging simbulo ng kanilang wagas na pag-ibig. Magkasamang lalasapin ang mailap na ligayang ngayon lang mapapasakanila. Magsasanib ang katawang pagal at magiging isa ang diwa at damdamin. Sa lamig ng kalaliman ng gabi ay pagliliyabin nila ang kanilang mga katawan. Paalpasin ang sikil na pagnanasang hindi naging sa kanila sa mahabang panahon. Sa mapayapang lambong ng kislap at kinang ng mga bituin, Sa kau-na-unahang pagkakataon ay yayakapin nilang dalawa ang pag-asang hatid ng liwanag ng buwan... Pagtanggap... Pagpapatawad... Paghilom... ***** Bakasyon na naman. Muli ay mag-isang nakatanghod si Andrew sa ilog. Buong giliw na pinagmasdan ang malamlam ngunit kumikinang na galaw ng tubig dahil sa repleksyon ng liwanag ng buwan na kumakawala mula sa pagkakatakip ng itim na ulap. Ang tahimik na gabi ay sinasaliwan pa man din ng manakanakang huni ng mga kuliglig na tila nakakagiliw na musika sa kanyang pandinig. Sa gawing pampang naman ay muli niyang nasaksihan ang nagkikislapang mga alitaptap na pumapalamuti sa paligid ng mababa ngunit malagong puno ng manga. Nakahilig ang pinaka katawan na tila tutumba. Ang isang sanga nito nay may kakaibang laki kumpara sa ibang mga sanga nito. Tila kasing itong mahabang bisig ng higante na naka dipa patungo sa umaagos na tubig sa katabing ilog. Nagsilbing nakakuyom na palad ang manaka-nakang pagtubo ng dahon sa may bandang dulo ng sanga. Tinatawag nila itong “Bisig ng Kapre”. Bansag ng mga matatanda na nakuha din nila sa mga naunang matatanda ng lugar na iyon. Bahagi ng malawak na lupang patag ang ilog at kinalalagyan ng puno na pinalalamutian ng maninipis na d**o. Ang punong manga na iyon ay isa sa mga naging kanlungan ng kamusmusan ni Andrew at ng kanyang mga kalaro. Kanlungan ng kanyang malungkot at masayang mga alaala. Sisidlan ng pait at tamis ng mga di malilimutang karanasan. At duyan ng kanyang kamusmusan. "Puuung!!!" Ang sabay-sabay na sigaw ng kanyang mga kaibigan habang isa-isa silang nag talunan mula sa mga sanga sa itaas ng punong iyon na ikinagulat naman ni Andoy (palayaw ni Andrew). Isa-isa nang nakita ni Andoy ang pagtulay ng mga kalaro sa bisig na kapre bago nagtalunan sa kanyang kinatatayuan. “Ano ka ba Andoy, ikaw na naman ang taya...!!!” sabi ni Toper sabay sungab pasakal ng kanyang kaliwang kamay sa leeg niya. Malaki ng kaunti si Toper sa kanya pero parehas silang trese na ang edad at nasa unang baitang na sa mataas na paaralan na kanilang pinapasukan. Malapit and dalawa sa isat-isa mula pa sa pagkabata. “Ang engot mo talaga kahit kelan, wala kang kupas! Hahaha!” Sabi naman ni Gelo at tinalon din ang dalawa habang nagpapambuno. Nabuwal silang tatlo sa damuhan. Si Gelo ang pinaka malaki ang bulas sa kanila na nasa ikatlong taon na ito ng kolehiyo. Sa edad niyang desi-nueve ay maganda na ang hubog ng katawan nito. Simula pa kasi ng bata ay batak na sa gawaing bukid at pag-ani ng manga na ikinabubuhay naman ng pamilya. Isa ring dahilan sa nagpatikas ng kanyang katawan ay kanyang pagiging aktibo sa basketball sa kolehiyong kanyang pinapasukan. “E kahit kelan naman talaga engot-engot yan e!” pahabol naman ni Edong na nakisali na din sa bunuan ng tatlo. Desi-sais naman ang edad niya at nasa ikatlong baitang na ng mataas na paaralan naman. Parehas naman sila ng pinapasukang paaralan ni Gelo kung kaya mas madalas din silang magkasamang dalawa. Sa kanilang apat na tropa, ang magkaibigang Toper at Andoy ang laging natutupi sa dalawa pang mas nakatatanda. “Mga gago talaga kayo, naisahan nyo na naman ako, kala ko di na kayo dadating! Kanina pa ko dito!” Ang nasabi nalang ni Andoy habang lumalaban na sya ng lakas sa bunuan ng mga kaibigan. "Alam namin... Mukha ka ngang tangang bata na naliligaw dito sa ilang...!" Si Topher. Tawanan lahat. “Maaari ba naman yun? E ngayon lang bakasyun tayo nagkita-kita ulet ng matagal! Malayo pa pasukan ulet!" Ang sabi naman ni Gelo habang ginugulo nito ang buhok ng pinaka bunso sa tropa. “At ang maganda pinapayagan na tayo kahit gabi maligo o kaya mag overnight kasi malalaki na daw tayo! Yeeeey!” pagbubunyi naman ni Toper. Kapag pasukan kasi ay bawal silang dumayo sa ilog na kanilang paraiso kung wala din lang silang kasamang mas matanda sa kanilang lahat. Malayo ito sa kanilang mga bahay. Parehas na estrikto ang kani-kanilang mga magulang sa kanilang pag-aaral. Limitado lang ang oras ng kanilang mga laro. “Ungas! Kami lang ni Gelo ang lumalaki, kayo ni Andoy, bulilit pa din!” buska ni Edong. Tama naman si Edong dahil kelangan pang kumbinsihin ni Gelo ang mga magulang nina Toper at Andoy para sa kanilang camping. Mabuti nalang at malaki ang tiwala ng mga ito sa kanya. Kilala naman talaga syang mabait at responsable sa kanilang lugar. Nagpatuloy sila bunuan, matagal, halatang sabik sila sa isat-sa at nagpagulong-gulong sa damuhan sa ilalim ng puno. Kantyawan at asaran. Sigawan at tawanan. Habang naghaharutan ay biglang napaisip si Andoy. Oo nga naman, tuwing bakasyon nga lang sila nagkikitang magkakaibigan. Lagi nalang si Toper ang kasama nya dahil sa Maynila nag-aaral sina Gelo at Edong mula pa nung hayskul. Sa kabila nito ay mas lumalalim ang kanilang samahang apat. At naisip niya kung hanggang saan sila magpapatiagos sa ilog. At kung hanggang kailan kakanlungin ang kanilang barkadahan ng bisig ng kapre...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD