“Sa BISIG ng KAPRE”
(By: themintyheart)
Fiction
Disclaimer: Ang kwentong ito bagaman kathang isip lamang ay nabuo ayon sa mga tunay na karanasan ng mga totoong tao. Kung may kahalintulad man itong pangyayari, pangalan at lugar ay di sinasadya. Naglalaman din ito ng maseselang detalye ng p********k. Paumanhin po sa mga mambabasa. Ang “Sa Bisig ng Kapre” ay unang nailathala sa ilang blog sa ilalim ng luma kong account (thelustprince) mga taong 2012. Please practice safe s*x guys! All rights reserved. nicolo69@gmail.com
*****
Abala sa kanilang bakuran sina Andoy at Toper sa paborito nilang laro ang “holen. Nasa ika-anim na baitang na sila noong mga panahon na yun.
Bilugan ang katawan ni Andoy pati na ang kanyang pisngi. Tipikal na anyo ng isang nagbibinata na may angking kagwapuhan. Likas tuloy sa kanya ang panggigilan ng kahit na sino ang makakita sa kanya.
Patpating bata naman ngunit maputi din tulad ni Andoy si Toper. Kung paaliguan ay makikita mong gwapo din ang kalaro. Madali kasi siyang magdungis di kagaya ni Andoy na alaga ng kanyang ina.
“Manang Luring, narito na po yung mangga na inorder nyo po kay nanay.”
Napatigil ang dalawa at sabay na tumayo upang makita kung sino ang tumawag.
Medyo malalago kasi ang mga halaman na nagsisilbing bakuran ng tahanan nila Andoy.
Hindi nya kilala ang naghahanap sa kanyang ina.
“Naryan ba si aling Luring” Tanong ng binatilyo
“Ay kuya may pinuntahan po sa ilaya..."
"Pero kanina pa umalis si inay...!"
"Maari ding pabalik na po sya ngayon...” Ang sunod-sunod na isplikang tugon ni Andoy.
May kadaldalan man ay likas sa kanyang gumalang sa mga taong nakatatanda kahit pa hindi sigurado kung mas matanda nga ang kausap.
“Ganon ba, sige babalik nalang ako mamaya” akmang aalis na ang binatilyo.
“Siguro antayin mo na lang, kasi baka nga darating na si ninang Luring..." Pagpipigil ni Andoy.
"kung gusto mo sumali ka muna mag holen samin ni Andoy..." Sabat ni Toper.
Mas malala naman ang kadaldalan ni Toper. Makuwento.
"Ano pangalan mo, ako nga pala si Toper, sya naman si Andoy..."
"Magkaklase kmi saka magkalaro din kasi dyan lang din sa kabila ang bahay namin..."
"Magkumare mga nanay namin kasi inaanak ako ni ninang Luring...”
Sabay hatak sa kamay ng binatilyong bisita. Kinuha ang tiklis na hawak ng binatilyo. Kahit hirap na hirap itong buhatin at ipatong sa ikalawang baitang ng hagdanan nila Andoy.
Napangiti na di na nakuha pang tumangi ang binatilyo.
“Sige, sali nalang ako sa laro nyo, ako nga pala si Angelo..." Binigyan niya ng matamis na ngiti ang dalawang bata.
Natulala naman ang dalawang bata. Narinig nila ang biglang pagbaritonong boses nito na buong buo.
"Pero Gelo nalang itawag nyo sakin kasi masyado mahaba saka parang pangalan ng anghel..." Binawi ang natural na boses pero pang binata na talaga.
"Sige po kuya Angelo kami na muna po ang taya..." Sabat ni Toper. Tulala pa din si Andoy.
"Oh... sinabi nang Gelo nalang. Para kasing anghel pag binubuo... Hindi naman ako mabait...!!!" At binigyan ng nakakalokong ngiti nito ang dalawang bata. Lalong natameme si Andoy.
Namutla si Andoy at bumawi ng titig kay Gelo na biglang nag alangan.
Si Toper naman ay biglang napipi kahit na natural sa kanya ang maging madaldal.
Tila nagkamali sila ng pag anyaya sa bisita. Gusto lang naman nila magkaroon ng bagong kalaro.
Natakot silang pareho at di nakakilos sa kanilang pagkakatayo.
“Oh ano na...! Tara na laro na tayo, di ako naglalaro nito...! Sana masisiyahan ako...!!!” anyaya ni Gelo. Nananakot pa din.
Di pa din makakilos ang dalawang magkaibigan.
“Uuuy...! Natakot ang mga kolokoy...!!! Tingnan nyo nga ulet ang mukha ko kung masamang tao nga ako?” Ang pangiting tingin ni Gelo sa dalawa, lumabas ang mga biloy nito sa magkabilang pisngi.
Nag muwestra pa ito gamit ang kamay ng papogi sa kanyang mukha at tinamisan ang ngiti.
Nagkatinginan naman si Andoy at Toper at sabay tingin din kay Gelo. Tumamis din ang kanilang ngiti.
Kasunod nun ang malakas na tawanan ng tatlo at sabay sabay na naglaro ng holen.
Sa gitna ng laro ay napagmasdan ng mabuti ni Andoy ang mukha ng bagong kalaro.
Tama nga si Gelo sa sinabi nya kanina, hindi sya pwedeng maging salbahe kung itsura lang ng mukha ang pagbabasehan.
Napakaamo ng kanyang mukha bagaman may kaitiman ng kanyang balat. Ngunit di naging sapat iyon para pagkaitan siya ng matangos na ilong at maninipis na mga labi.
Binagayan ng dalawang biloy ang magkabilang pisngi na lalong lumalalim sa pagkakangiti at nagpapatingkad sa pantay-pantay na mga mapuputing mga ngipin.
Idagdag pa ang mga mata na bagamat parang nanlilisik sa pagka singkit ay mapungay naman ito. May makakapal na kilay na bumagay din sa maninipis na balahibong gumagapang mula sa kanyang patilya hanggang sa kanyang panga.
Kung tutuusin isa syang bruskong anghel sa loob-loob ni Andoy.
Nasa kalagitnaan sila ng paglalaro at kasiyahan ng biglang dumating ang nanay ni Andoy.
“Ninang! Mano po,” ang magalang na bati ni Toper sa nanay ni Andoy.
“Narito ka na pala Gelo” Waring di napansin ang bati ng inaanak ngunit iniabot kay Toper ang kamay na nagmamano.
“Opo, kasi d pa po sila tapos magbilang ng mangga ni tatay kaya ako nalang po ang pinaghatid nya dito.” Ang magalang ding paliwanag ni Gelo.
“Aba, magalang ka pading bata hanggang ngayon kahit sa Maynila ka nag-aaral. Kaya pala lagi kang pinagmamalaki ng nanay mo sakin. Npakabait mong bata.” Sabay haplos sa buhok ni Gelo at ginulo ito ng palad ni Aling Luring.
“At napaka guwapo nya nanay” ang wala sa sariling at nabiglaanang sabat ni Andoy.
Pakunot ang noo na tumingin si Aling Luring sa anak. Napahiya at napayuko naman si Andoy.
“Pero mas gwapo kaming dalawa ni Andoy ninang, saka mas maputi kami kesa sa kanya.” Ang payabang at mabilis na sabat naman ni Toper.
Nagkatawanan silang apat habang iniaakyat na ni Aling Luring ang tiklis ng mangga sa hagdanan. Nagbilin pa ito na tapusin na ang laro at manananghalian na.
“Dito ka na kumain Gelo, baka gutumin ka pabalik sa inyo at medyo malayo ang lalakbayin mo..." Pahabol ni aling Luring.
“Ako din ninang ha?” Ang malakas na sabat naman ni Toper.
“Lagi ka namang dito kumakain di ba?” Pabirong tugon ng ninang nya.
Bumalik na sa paglalaro ang tatlo.
“Sa maynila ka pala nag-aaral...?” tanong ni Toper
“Oo, kasi walang kasama ang ate ko sa bahay nila kasi ang asawa nya nasa Saudi.”
“E kelan ka babalik ng Maynila...?" Maikling tanong ni Andoy.
“Sa pasukan ulet, kasi bakasyon naman e, saka bakasyon din ng ate ko kasi teacher sya sa skul na pinapasukan ko...”
“A okey, magtatagal pa pala kayo dito...” Mahinang tugon ni Andoy. habang si Toper ay nangingiting pinagmamasdan ang kasiyahan ng kanyang kaibigan.
“Wag kang mag-alala, dalawang buwan pa tayong magkakasama. Matagal-tagal din yun diba, at madami tayong panahon para maglaro..." Pabulong na tugon ni Gelo kay Andoy.
Sabay kurot sa matambok na pisngi nito at nagdulot naman ng kakaibang kiliti sa puso ni Andoy. Si Toper naman ay pangiti-ngiti at walang tigil ang palitang tingin sa dalawang nag-uusap.
“Mga bata kakain na! At maghugas na ng kamay...!” Sigaw ni aling Luring.
Mabilis pa sa alas kwatrong nauna pa sa hapag si Toper.
*****
“Oy mga bata wag kayo lalabas ng bakuran...! dyan lang kayo maglaro ha...!” Bilin ng nanay ni Andoy.
Naglalaba sa likod bahay kung saan naroon ang balon at ang lugar labahan. Sa di kalayuan naman ay ang kanilang palikuran na natatabingan lang ng kawayang dingding na hanggang dibdib lang ng tao.
“Opo ninang...! dito lang po kami maglalaro ni Andoy!” Mabilis na tugon ni Toper.
“Kaw talaga, inunahan mo na naman ako sumagot kay nanay...” Ang tampong naiiritang salita ni Andoy.
“Kaw kasi kukupad-kupad ka...!” sabay tawang nakakaloko sa kaibigan.
“Pssssth! Sali naman ako pwede...?”
Halos sabay na napalingon sa gawi ng bakurang halaman na nasa kanilang likuran.
Ubod tamis ang ngiting gumuhit sa mga labi ni Andoy.
“Oy Gelo! lika dali! laro ulet tayo ng holen..!” nauna na naman si Toper.
Palibhasa, di na makakilos si Andoy sa pagkaka tayo nito habang nakatitig kay Gelo.
“Ang guwapo nya talaga...” bulong sa sarili ni Andoy.
“Hoy! Narinig ko yan! Ikaw ha...!” pang asar ni Toper sabay kindat sa kaibigan.
Napahiyang di niya namalayang naisabibig niya pala ang kanyang iniisip.
At naglaro na nga silang tatlo.
Sa buong laro laging pinatutulpit ni Toper at ni Gelo ang holen ni Andoy kaya lagi syang talo sa dalawa,. Nahihirapan syang umabot sa base hole.
Medyo naiinis na si Andoy kaya nung nagpapang abot naman sila hole ni Gelo ay pinuntirya nya ang holen nito sabay pitik ng malakas sa holen.
Tinamaan naman ang holen ni Gelo pero deretso din itog tumama ang kanyang holen sa may bandang pundilyo ni Gelo na nkasuot lang ng manipis na short.
Namilipit si Gelo. Tinamaan kasi ang itlog nya. Gumulong sya sa lupa. Sapo-sapo ang kanyang harapan.
*****
Itutuloy...