"Yuck!" Pinunit ni Craige 'yong kanina pa niya dino-drawing at pagkatapos ay ibinato 'yon sa basurahan. "I suck at drawing." I rolled my eyes. "Pang-ilang beses mo na ba 'yan sinabi kahit ilang ulit ko nang sinabi sa 'yo na ang ganda nga ng drawing mo?!" singhal ko sa kaniya pero parang hindi niya 'yon naririnig dahil namomroblema pa rin siya. "Pakipaalala nga sa akin kung bakit ito 'yong course na kinuha ko?" Inilapag niya 'yong lapis at nagpangalumbaba sa mesa. Nasa classroom kami at dahil wala pa 'yong sunod naming prof ay tinapos muna namin 'yong activity na pinapagawa sa amin. It's actually just a sketch of human anatomy. "Tapos na!" Ipinakita ko sa kaniya 'yong sa akin at pagkatapos ay inilagay ko 'yon sa folder kung saan ilalagay namin ang mga sunod naming ido-drawing. "Ibang k

