"How's life?" Tita Linda asked. Nandito ulit ako sa botique shop niya. Ngayon na lang ulit ako nakabisita rito magmula nang umuwi ako rito sa LA. Bukod kasi sa ang daming pinapagawang school activities, palagi pa akong niyayaya ni Ayla at Nicole na magpunta sa kung saan-saan. "Sucks," tipid kong sagot at ipinakita sa kaniya 'yong ini-sketch ko. Napangiti siya dahil doon at kinuha 'yon sa kamay ko. "Lovely. Wala ka pa ring kakupas-kupas." She took a photo of it on her DSLR camera. Actually, ilan sa mga clothes na naka-display sa botique niya ay ako ang nag-design. Aniya, mas magaling pa raw ako sa kaniya mag-drawing at mag-isip ng concept. The way I pick colors and match it makes my style unique. Though I know what Tita Linda is capable of. Her last designs hit off. Alam kong malayo pa ta

