"Blair?" Rhaven frowned as he stared at us. Nakahawak pa rin si Raziel sa braso ko at sobrang lapit niya pa rin sa akin. "Rhaven, what are you doing to Blair?" "None of your business--" "H-He just helped me stand up. Muntik na kasi akong madulas." Pagsisinungaling ko. Damn it. He almost caught us. Hinihiling ko na sana ay hindi niya narinig ang sinabi ni Raziel o kahit ano man sa pinag-usapan namin. "Anong ginagawa mo rito, Rhaven?" "Napadaan lang ako. I was actually with Carlo kanina, kaso may lakad siya." Lumapit siya sa amin kaya hinila ko na ang braso ko palayo kay Raziel. Nakahinga ako nang maluwag nang iniba na ni Rhaven 'yong usapan. "Kayo? Anong ginagawa niyo rito?" "Your best friend went on a blind date." Nanlaki ang mata ko nang sabihin niya 'yon kay Rhaven na napatingin sa a

