"Bakit mo ba kasi sinama 'yan?" iritang tanong ko kay Fritzie habang naglalakad kami. Nauuna kasi kaming maglakad kay Raziel at Jasiel na naglalakad naman sa likod namin. Nilingon ko sila, ni hindi man lang sila nag-uusap at para bang may kung anong hangin ang mayroon sa kanilang dalawa. "Nagulat lang ako na bigla siyang nag-reach out sa akin, okay? Besides, papayag ba ako na third wheel lang ako sa date niyo ni Jasiel?! Of course not." Umirap pa siya at humigop sa iced coffee na in-order niya kanina. Nagyaya si Jasiel na magpunta raw kami sa arcade shop malapit sa coffee shop kaya naman pumayag kami kaagad ni Fritzie. Hindi ko pa rin kasi nararanasang pumunta roon. Though, I don't know what will happen since I'm with Raziel. "This is your chance," ani Fritzie kaya napalingon ako sa

