Kabanata 1

1663 Words
Kailan ba nagsimula ang lahat? Siguro noong grade schooler pa lang kami ni Rhaven. My family and Rhaven's are in a good term. Hindi kami mapaghiwalay, lalo na nang una kaming magkakilala noong fifth grade. Hindi kasi ako katulad ng ibang mga bata na umiiyak kapag iniiwan ng magulang sa school, hindi rin ako nagkakaroon ng crush katulad ng mga kaklase ko. But that's the reason why I met Rhaven. "Brenda, alam mo ba? Crush ni Blair si Rhaven," rinig kong bulong ni Fhea sa best friend niyang si Brenda na palagi akong binu-bully. Nakaupo kasi ako palagi sa first row ng classroom. Hindi dahil espesyal ako, kun'di dahil malabo ang mata ko. Nilipat ako ng Teacher namin, pero dahil doon, napunta si Brenda sa likod. Si Rhaven Andrei Fernandez ang tinutukoy nila. Ang batang lalaki na katabi ko at napakaliit. Hanggang balikat ko lang siya at nabu-bully rin siya dahil doon. "Alam mo, Blair, bagay kayo ni Rhaven. Si labo at liit!" Nagtawanan ang mga kaklase ko kaya nagkatinginan kami ni Rhaven. His eyes started to water as if he's about to cry. Kaya rin siya naaasar ng mga kaklase namin kasi napakaiyakin niya. Kahit kaunting asar lang, umiiyak na. Humarap ako kay Brenda. "At ikaw? Bagay kayo ni Jimmy kasi parehas kayong mataba?" Si Jimmy ang isa naming kaklase na bully rin dahil malaki ang katawan niya at feeling niya, kaya niya ang lahat. Nagtawanan lalo ang mga kaklase ko, mabuti na lang at dumating na ang Teacher namin. Makikinig na sana ako nang mapansin kong nakatingin sa akin si Rhaven, kaya nilingon ko siya at kinunutan ng noo. Patulo na ang sipon niya at luha. "Oh, hiramin mo muna." Binigay ko sa kaniya ang panyo ko at nakinig na ako. Simula nang araw na 'yon, sunod na nang sunod si Rhaven sa akin. Parang buntot. Kahit kapag recess namin, gustong-gusto niyang pumipila sa likod ko. Kapag uwian naman, dahil ako ang laging may pinakahuling sundo na dumarating, kahit nandiyan na ang family driver nila, hinihintay niya pa rin ako. Isang uwian, nakita ko siyang hinahanap ako mula sa malayo. Marami pa rin kasing bata ang hindi pa nasusundo. Nang makita niya ako ay umupo siya sa tabi ko. "Crush mo ba ako?" tanong ko sa kaniya kaya nagulat siya at nanlaki ang mata. "Sunod ka nang sunod, e." "Hindi, a!" defensive niyang sigaw. "Gusto ko lang ibalik 'tong panyo." May kinuha siya sa bulsa niya at pagkakita ko, 'yon 'yong panyong ipinahiram ko sa kaniya. "Hindi mo naman kailangang ibalik 'to." Kinuha ko pa rin kahit wala naman talaga akong balak na kuhanin. May narinig akong tunog ng bell at paglingon ko ro'n, may ice cream vendor na. Napatingin ako kay Rhaven na ginagala lang ang tingin sa paligid habang hinihintay ang sundo niya. "Gusto mo ng ice cream?" Lumawak naman ang ngiti niya. "Oo ba!" Mula nang araw na 'yon, tuwing uwian ay bumibili kami ng ice cream. Kahit sa classroom, nasanay na rin akong nag-uusap kami. Naghihiraman ng lapis at ballpen, pinapatahan si Rhaven kapag umiiyak siya, sabay kumakain kapag recess, at hanggang sa nasanay na lang ako na siya ang kasama ko. Tumungtong na kami ng grade six pero iyakin pa rin si Rhaven. Samantalang ako, umiiyak lang kapag nasusugatan at pinapagalitan ni Mommy at Daddy. Kumakain kami ng ice cream habang hinihintay ang sundo namin nang magsalita siya. "Mula ngayon, ayaw ko nang umiyak palagi." Nilingon ko siya. "Bakit?" "Kasi, ako 'yong lalaki pero ikaw 'yong laging nagpoprotekta sa akin. Mula ngayon..." He tilted his head and lookes at me with a geniune smile on his lips. "... Ako na ang magpoprotekta sa 'yo." I didn't mind it at first, why my heart feels so warm when I'm around him. We graduated from elementary, nakakatawa nga, e. Kasi eksaktong graduation day, umiiyak si Rhaven kahit na sinabi niyang iiwasan na niyang umiyak. That's when our parents met. Gusto kasi ni Rhaven na kung saan ako mag-aaral ng high school ay roon din siya mag-aaral. Napagkasunduan ng magulang namin na babantayan namin ang isa't isa. Kahit anong mangyari. Summer vacation came, hindi kami nagkikita ni Rhaven. Ang balita ko, nagpunta sila ng Zambalez para doon magbakasyon. Hanggang sa muling magsimula ang klase. Naninibago ako kasi ibang school, iba ang uniform, at iba ang mga taong nasa paligid ko. Nakaupo lang ako sa classroom at naghihintay ng Teacher nang may umupong lalaki sa tabi ko. "Blair!" Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang humarap sa akin. It was Rhaven, but he's different from the laat time we saw each other. Two months lang ang bakasyon pero ang laki ng pinagbago niya. Umaliwalas ang itsura niya dahil bagong gupit ang buhok niya. Mas lalo siyang gumwapo at pansin ko, tumangkad din siya. "Na-miss kita." Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay kong nakapatong sa table. "H-Hello. Kumusta?" awkward kong sabi. Hindi ako sanay na palagi siyang nakangiti. But it's a good thing. "Marami akong ikukuwento sa 'yo. Pero alam mo 'yong pinakagusto kong sabihin?" Lumapit siya sa akin para bumulong. "Hindi na ako iyakin." I smacked his arm kaya napatawa siya. "Ewan ko sa 'yo." We laughed and he shared a lot of stories about his vacation. Nagkuwento rin ako sa kaniya pero wala ako masyadong naikuwento dahil sa bahay lang naman ako nagbakasyon. Rhaven became true to his words. Hindi na nga siya iyakin. Napansin ko rin na patuloy siya sa paglaki. Hanggang sa umabot kami ng grade nine. Mas matangkad na siya sa akin. Marami na ring nakakakilala sa kaniya sa school dahil bukod sa President na siya ng Student Council, palagi pa siyang with honors. While I, in the other hand, is focusing in my own club. The photography club. Kahit na marami ng responsibilidad si Rhaven, sabay pa rin kaming kumakain kapag break time, at sabay na umuuwi. Nasanay na rin si Dad at Mom na si Rhaven ang naghahatid sa akin kaya hindi na nila ako sinusundo. "Blair, ikaw, a!" biglang sabi sa akin ng isa naming kasama sa club na si Bianca. Kakatapos lang kasi ng meeting namin. "Bakit kayo laging magkasama ni Mr. President? May something ba sa inyo?" Kumunot ang noo ko. "Something? Like, romantically?" Tumango naman siya. Kahit ang ibang kasama namin ay hinihintay na rin ang sagot ko. "Wala. Wala pa 'yon sa isip ko." That's when I started seeing Rhaven, differently. Dahil sa tanong na 'yon, nagsimula kong ma-realize kung ano nga ba talaga 'yong nararamdaman ko para sa best friend ko. It started when we were on grade six, at hanggang ngayon. Ano nga ba ang mayroon sa amin ni Rhaven? Even I don't know how to answer. That makes me question us more. It was our break time. Lagi kaming nagkikita ni Rhaven sa quadrangle ng campus at doon kami kumakain. Gaano man siya ka-busy, hindi niya nakalilimutang sabayan ako kumain. "Saan ka mag-aaral ng college?" biglang tanong niya sa akin habang kumakain kami. Payapa ang paligid, hindi rin ganoon kainit, tanging kaming dalawa lang ang nandoon. "Sabagay, kahit saang university naman, puwede kang makapasok. You're smart, you're good at everything, you're beautiful. Ano pa ba ang wala sa 'yo?" He sounded so proud. "Pero aanhin ko naman ang lahat nang 'yon kung hindi kita kasama?" I took a spoonful. Siguro nga, masyado ko nang dinepende ang sarili ko kay Rhaven. Pati pagpasok sa school, iniisip ko pa na kung saan siya papasok, doon din ako. "Sabay ba tayo uuwi?" tanong ko sa kaniya pagkatapos naming kumain. "Yes, pero puwede bang sunduin ko muna baby brother ko?" Natawa ako kaya pabiro niya akong hinampas. "Sira, seryoso nga! Nakauwi na siya galing sa States. Sakto, magkikita na ulit kayo." Isiniksik ko sa bag ko 'yong baunan ko at napailing. "Your black sheep little brother? Ang kapatid mong itinapon sa States kasi laging nada-drop out sa school na pinapasukan niya rito?" "Yes, that little brother. Nagtino na siya kaya pinabalik na siya rito." Hinila ni Rhaven ang bag ko at siya na ang nagdala n'on. I've been so curious about his little brother. Isang beses ko pa lang 'yon nakikita. He's two years younger than us, at sa murang edad, ilang beses na siyang na-drop out. Una, sinabunutan niya 'yong teacher niya. Pangalawa, minura pagkatapos ay sinabihan nang mamatay na. At sa last school naman, naakusahan siyang vandalism, at sa mismo pang principal's office. Pero kapag nakita mo siya, hindi mo aakalaing siya 'yong klase ng bata na gagawa ng ganoon. His face is too soft, and he looks so innocent. But looks can be deceiving. Nang mag-uwian na ay sumakay kaagad kami ng sasakyan ni Rhaven. Dumaan kami sa pamilyar na eskuwelahan, ang dati naming school. Mula sa gate, mau nakatayong matangkad na batang lalaki. Magulo ang buhok niya at nakatayo lang siya habang may earphones sa tainga niya. "Raziel!" sigaw ni Rhaven nang ibaba niya ang bintana ng kotse. Kumaway siya sa kapatid niya pero hindi siya pinansin nito. Natawa ako kasi nagmukha lang tanga si Rhaven, at dahil nakaupo siya sa passengers seat, umupo si Razie sa backseat katabi ko. Nagulat pa siya nang makita ako. "Hello! Kumusta?" I pat his head. Kumpara sa Kuya niya, matangkad siya at mas mukhang matured. Hindi kagaya ni Rhaven na napaka-childish. Nagulat ako nang hawiin niya ang kamay ko. "Hindi na ako bata." Tiningnan niya ako nang diretso sa mata. Hindi ako nakasagot kasi ngayon lang may gumawa sa akin n'on. "Anong hindi bata? Tingnan mo nga, ang totoy mo tingnan!" pang-aasar sa kaniya ni Rhaven kaya sinita ko siya. "Huwag mo ngang pag-trip-an si Raziel!" Kahit ako mismo, natatawa na. Natigilan ako nang hilahin ni Raziel 'yong kamay ko kaya napaharap ako sa kaniya. "Don't treat me like a child, okay?" Parang ako pa 'yong mas bata sa kaniya dahil napatango ako at natahimik. Kailan nga ba nagsimula ang lahat? Was it when Rhaven and I met? Or was it when Raziel said those words to me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD