Kabanata 2

1663 Words
"Mommy, pupunta ako kila Rhaven!" sigaw ko mula sa living room. Dumungaw naman si Mommy mula sa second floor. Nagsusuot siya ng hikaw at halatang nagmamadali. "Sige, ikumusta mo ako kay Helena, a?" Tukoy niya sa Mommy ni Rhaven. Tumango naman ako at lumabas. Tuwing weekends, nasanay na akong magkasama kami ni Rhaven. Madalas, siya 'yong pumupunta rito sa bahay. Nagkataon lang ngayon na ise-celebrate nila ang pagbabalik ni Raziel kaya inimbitahan ako. Nang may kotseng huminto sa harap ko, bumukas ang bintana mula sa passengers seat at bumungad si Rhaven. "Pasok na!" Bumukas ang backseat at nagulat ako nang nandoon si Raziel. Ngumiti siya sa akin, but a fake smile. Anong ginagawa niya rito? "Gusto niya raw sumamang sunduin ka. But knowing him, tumakas lang siya sa sermon ni Lola at Lolo." Natawa na lang ako sa sinabi ni Rhaven at umupo na sa backseat. I didn't bother to talk to Raziel kasi baka sungitan na naman niya ako. "Hello, Kuya!" bati ko sa Driver at bumati rin siya. Patuloy lang sa pagkuwento si Rhaven ng kung anu-ano habang pabalik sa kanila. Natigilan ako nang kalabitin ako ni Raziel, kaya lumingon ako sa kaniya. "Your bottom is too short." Tukoy niya sa suot kong denim shorts. Tiningnan ko 'yon, hindi naman ganoon kaiksi. Hinila ko na lang 'yon pababa at hindi siya pinansin. He's just thirteen years old pero parang kasing tanda na namin siya kung magsalita. I'm two years older than him, damn it. Nang makarating kami sa bahay nila ay binati ko kaagad so Tito at Tita na nagpe-prepare sa dining area nila. May ilan ding bisita pero wala naman akong kilala kaya tumulong na lang din ako sa paghahanda. "Blair, gusto mo?" Lumapit sa akin si Rhaven habang naglalagay ako ng pagkain sa mesa. May hawak siyang transparent na baso at may ice cream sa loob. "Anong flavor?" Nagulat ako nang isinubo niya sa akin 'yong kutsara na isinubo niya rin kanina. It wasn't a big deal for him, but it was for me. Nanlalaki pa rin ang mata ko habang nakatingin sa kaniya na parang wala lang ang nangyari. I quickly avoided his gaze and turned around. Damn, I can feel my cheeks getting hot. I'm used to this kinds of stuff. Pero bakit naninibago ako ngayon? Why am I making things complicated between me and Rhaven? We're best friends, and a childhood friend on top of that. Umakyat ako sa second floor, to cool off my head. Pumasok ako sa isang bakanteng kuwarto. Rito ako tumutuloy kapag nag-sleepover kami ni Rhaven, pero nagulat ako nang makitang nakahiga sa kama si Raziel at naglalaro sa smart phone niya. Napatingin siya sa akin at kumunot ang noo niya. Sa lahat ng makikita ko ngayon, bakit siya pa? "Anong ginagawa mo rito? May party ka sa ibaba. You should go down there," sabi ko kaya umupo siya at mas lalong lumalim ang tingin sa akin. I shouldn't be intimated by him because I'm the older one, pero pakiramdam ko, ako 'yong dapat laging umiwas. "No, thanks. Sila Mommy lang naman ang may gusto ng party na 'to. Besides, I want to review my lessons." Itinuro niya 'yong libro niya sa tabi na hindi ko napansin kanina. "Kapag bumagsak ako, babalik ulit ako sa States." "Ayaw mo ba ro'n?" tanong ko. Ayaw ko nang pahabain 'yong usapan namin, pero ayaw ko pa ring bumaba. Kaya lumapit na lang ako nang kaunti sa kaniya. "I don't like there." Umiwas siya ng tingin. "But Mom didn't listen to me." Umupo ako sa medyo malayo sa kaniya pagkatapos ay kinuha ko 'yong math books. "I can help you review." "Really?" His eyes lit up as if I said something big of a deal. Umupo ako sa sahig at ginawa naming mesa 'yong kama. I helped him take down notes and taught him the formula that he needs to memorize. Hindi siya mahirap turuan kasi mabilis niyang nakukuha. "This one, you just have to multiply the numbers here before you--" Napalingon ako sa kaniya pero nakatingin lang siya sa mukha ko. Hindi ko napansing medyo malapit na pala kami, kaya medyo umatras ako. In a closer look, pareho sila ng mata ni Rhaven. Brown and round. "Nakikinig ka ba?" "Yes." Hindi ko na lang siya pinansin at tinuro ko na lang sa kaniya. "Don't you have any friends to help you review?" I blurted it out of nowhere. Kaya napailing ako. "No, sorry. Huwag mo na lang 'yon sagutin." "I don't know how to make friends." Napasandal siya sa kama. I thought he's always matured, pero naka-pout siya ngayon na parang batang inagawan ng candy. He's just like Rhaven. Cute. Pinisil ko ang ilong niya katulad nang palagi kong ginagawa kay Rhaven na ikinagulat niya. "Making friends is important. Ang bata mo pa, enjoy your life, okay?" Ngumiti ako sa kaniya pero inalis niya yong kamay ko. "Hindi na ako bata." Palagi niya 'yong sinasabi. But to be honest, he looks so young. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niyang tawaging bata. I never really tried to play outside like the kids on my class. Nag-mature ako kaagas at mas gusto ko pang magbasa ng libro kaysa maglaro. Kaya kadalasan, naiinggit ako kapag nagkukuwentuhan ang mga kaklase ko tungkol sa childhood experiences nila. Wala kasi ako n'on. "Bumaba na tayo. Baka hinahanap ka na." Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako. "Hindi ko 'to maintindihan." Tinuro niya 'yong isang formula. Tumingin muna ako sa pinto. Hindi pa naman siguro magsisimula yong party. Itinuro ko sa kaniya 'yong formula at ipinatong ko 'yong ulo ko sa kama habang nagso-solve siya. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. I hear someone talking while I'm half asleep. Pakiramdam ko ay may kumakausap sa akin pero hindi ko magawang idilat 'yong mata ko sa antok. Until I felt something soft on my lips. Unti-unti kong idinilat ang mata ko. At first, I thought I saw Raziel. He's looking at me with a straight face but his eyes were too expressive. Muli kong ipinikit ang mata ko at pagdilat ko, nakita ko si Rhaven na nilalagyan ako ng kumot. "H-Hey," bati ko sa kaniya. Ihinilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. Nakakahiya. Nakatulog ako. Hinanap kaagad ng paningin ko si Raziel pero wala na siya. "The party is over. Sabi sa akin ni Raziel, huwag na raw kita gisingin. Kaya pumunta ako rito para kumutan ka sana," sabi ni Rhaven. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan 'yong kamay ko. "Ang lamig ng kamay mo. Bakit ka kasi rito sa lapag natulog?" Umiwas ako ng tingin. "S-Sorry. Tinulungan ko kasi mag-review si Raziel. Pero nakatulog naman ako." I can feel my cheeks heating up again. Ano ba 'tong nararamdaman ko kapag magkalapit kami? I've never felt this way before. Matagal na kaming magkasama, pero bakit ngayon pa? "Gusto mo muna bang kumain bago kita ihatid sa inyo? Tita texted me to take you home. Hindi ka raw niya masusundo." Tumango na lang ako pagkatapos ay bumaba na kami. Wala na nga ang mga tao sa ibaba, naglilinis na ang mga katulong nila at wala na rin si Tita at Tito. Napasarap yata ang tulog ko. I touched my lips. Was it a dream? No, it felt real. Someone really kissed me. Was it Rhaven? Kumakain ako sa dining table katabi siya kaya hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya. "Rhaven..." "Bakit?" Saglit siyang napatigil sa pagta-type sa phone niya at napalingon sa akin. "Hindi mo ba gusto 'yong pagkain?" "No, it's not that. Did you..." Stupid, Blair! Anong itatanong ko sa kaniya? Kung hinalikan niya ba ako? Kung siya ba 'yon, at kung siya man, bakit niya 'yon ginawa? Paano kung sabihin niyang wala lang 'yon? Anong mangyayari? Masasaktan ako? Hindi ko alam. Ang dami kong gustong itanong, but I didn't bother to ask. "W-Wala. Don't mind me." Napangiti siya at ginulo ang buhok ko. "Kumain ka nang kumain diyan." Yeah, that's right. What we have now is much more important than what I really want us to be. Rhaven is a friend that should stay as a friend. But if it was him, then he was my first kiss. "Sabihin mo ma lang kay Tito at Tita, salamat. Sabihin mo rin kay Raziel, pasensya na kasi hindi ko siya natulungang mag-review masyado," sabi ko kay Rhaven nang papalabas na kami ng bahay nila. It's already seven in the evening. Madilim na rin sa labas at naghihintay na ang sasakyan na maghahatid sa akin. "Wala 'yon. Salamat pala, a. Kasi tinulungan mo 'yong kapatid ko. Bulakbol lang 'yon, pero mabuting bata 'yon. Ayaw niya lang ipakita." Ngumiti na lang ako pagkatapos ay pumasok na sa sasakyan. "Teka! Naiwan ko 'yong pouch ko! Sandali!" Tumakbo ako papasok sa loob. Naiwan ko pala sa kitchen. Papalabas na sana ulit ako nang maabutan ko si Raziel na nakatayo mula sa pinto. "Sorry, nakatulugan kita kanina--" "I was the one who kissed you if you were wondering about it." Natigilan ako at nanlaki ang mata ko. "Do you like my brother?" Hindi ako nakasagot kaagad. Why is he asking this to me? He shouldn't meddle with anyone's business. "Hindi. And what you did, it's not funny. Hindi 'yon dapat ginagawa ng mga bata--" "I said, I'm not a child anymore!" sigaw niya sa akin kaya nanlaki ang mata ko. Biglang bumukas ang pinto sa likod niya at pumasok si Rhaven. "Raziel! Bakit mo sinisigawan si Blair?! She's older than you!" Rhaven hel Raziel's arm. "Mag-sorry ka!" "I won't!" Bigla siyang nagtatakbo pataas at ang tangi ko na lang nagawa ay sundan siya ng tingin. Did he hate me that much to go to that extent? To even kissed me so that I'd feel guilty? Nakauwi na ako at nahatid ni Rhaven, pero si Raziel pa rin ang bumabagabag sa isip ko. Why did he do that? I don't know. I just know that when he kissed me, I wished it were Rhaven.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD