bc

Realistic Fantasy: Uncovering the truth behind the loop

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
reincarnation/transmigration
time-travel
opposites attract
drama
tragedy
highschool
mythology
magical world
another world
superpower
rebirth/reborn
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

A girl who was never meant to live long enough to break it.

She was born to save the world.

But the world keeps killing her first.

This time, someone will burn just to keep her alive.

chap-preview
Free preview
1
Normal lang naman lahat noong araw na 'yon. Walang ulan, walang kakaiba, wala rin akong nararamdamang kahit anong 'sign' Routine lang Kape sa umaga, tricycle papuntang school, tsaka 'yung usual na kwentuhan nina Mellaine, Klene, at Trix. "Girl, mukha ka na namang may kaaway sa sarili mo" sabi ni Mellaine habang mahibang tinutusok ng ballpen 'yung cheek ko. Nandito kami sa canteen sabay kumain ng tanghalian "Nagpuyat ka na naman?" dagdag ni Trix, hindi na nagtatanong kasi alam na ang sagot Klene just handed me a sticky note with a doodle 'drink water or die' may cute ghost sa gilid. I laughed, konti lang, pero sapat para matahimik yung kung anong bigat sa dibdib ko Hindi nila alam. Or maybe alam nila, pero wala rin namang sagot Na kahit ilang taon na ang lumipas, may parte sa akin na parang natutulog lang at hindi pa rin gumigising. Minsan, naiisip ko, na baka hindi siya tulog, baka nakakulong lang siya sa isang alaala na hindi ko mahanap. Isang bahagi ng pagkatao kong dahan-dahan nang naglalakbay pabalik sa akin, bitbit ang mga pangakong hindi ko maalala pero ramdam ko sa puso ko Kasi kahit walang malinaw na dahilan, may mga panaginip na paulit-ulit bumabalik. May mga lugar na ngayon ko lang napuntahan pero parang dati ko nang nilakaran na tila matagal ko nang kilala, kahit ngayon ko lang siya muling nakita At kung totoo man na natutulog lang ang parte ng sarili ko… Siguro, unti-unti na rin siyang gumigising. Dahan-dahan. Tahimik. Parang alaala na binubulong ng hangin, o tinig na pilit binabalikan ang pangalan ko mula sa madilim na dulo ng nakaraan At ngayong tanghali, kahit pagod, kahit gutom, may bumubulong sa akin na huwag muna umuwi. 'Dumaan ka muna. Kahit saglit lang' Hindi ko alam kung saan. Binalewala ko na 'yun kasi masyado ko na inaalala lahat ng baganap simula no'ng bata ako, mahihiwagang karanasan o panaginip– "Pagkatapos natin dito, punta tayo sa mall!" putol ni Mellaine sa iniisip ko "Ano naman gagawin natin dun?" Nagugulumihang tanong ni Klene sabay taas ng kanyang kilay "Pogi hunting, duh! Para di na 'to magmumukmok si Zav" sagot naman ni Mellaine, nginitian ko na lang ito. 'Di ko sinabi sa kanila 'yung mga nararamdaman kong kakaiba sa paligid baka kasi guni-guni ko lang 'yun Mas nangingibabaw ang bulong sa sarili ko kaya pumayag ako sa gusto ni Mell Wala naman na akong magawa kasi kung hindi ako sasama, pipilitin nila ako, hihilahin, kakaladkarin, o kung ano pa 'yan basta makasama lang ako, lalo na't naramdaman nilang wala ako sa sarili nitong nagdaang araw. Pero kahit gano’n ang mga nangyayari sa buhay ko, masaya akong may mga kaibigan akong gaya nila Si Mellaine o Mell... siya ‘yung parang araw. Maliwanag, masayahin, at laging may energy. Mahilig siyang sumama sa mga party, tumawa ng malakas, pero sa likod ng lahat ng ‘yon, matalino at patas siya. Siya ‘yung tipo ng leader na hindi kailangang sumigaw para sundin. Kahit clumsy siya minsan, alam mong kaya niyang buhatin ang bigat ng maraming bagay. Kung ako ‘yung tahimik, siya ‘yung maingay na gusto mo pakinggan Si Klene, kakaiba rin. Tahimik din siya minsan, pero iba sa'min. Siya ‘yung tipong kapag nagsalita, may bigat, prangka siya, walang paligoy-ligoy, pero hindi naman bastos magsalita. Sa amin, sweet siya sa sariling paraan. Laging maayos, laging may plano, parang alam niya agad kung may hindi tama kahit wala pang sinasabi. Ako nga, minsan di ko alam kung anong nararamdaman ko, siya alam niya agad, nakakamangha lang. Tapos si Trix, iba ang tapang niya. Fashionista, confident, at prangka din, Pero sa likod ng lahat ng sarcasm niya, sobrang lambing niya sa amin. Marunong siyang magmahal, matapang, at walang tinatago. Emosyonal siya minsan, pero hindi niya kinahihiyang ipakita ‘yon. Kung ako tahimik lang kapag nasasaktan, siya vocal talaga. At kahit mataray sa iba, sa amin, lambing ang laging nauuna Iba-iba kami, pero sa tuwing magkasama kami, parang nagiging buo rin ako. Mga alas tres na ng napag-isipan naming pumunta sa mall, wala pang maayos na pasok kasi kakasimula pa lang ng bagong school year, kaya lumabas muna kami at nagtungo rito, kasalukuyan kaming nakaupo habang kumakain ng takoyaki sa harap ng isang bilihan, habang nag-uusap kami may dalawang tao na nag-tatalo "How about that?" "Nope." "That one?" "Nah" "This one?" "Oh come on! I'm tired! Why the fudge did you even bring me here!?" singhal niya sa lalaki, "I hate this one, that one, everything in here! Let's go out!" "What a meanie" biglang sabi ni Trix Nagulat ako sa sinabi ni Trix, habang si Mell naman ay nagpipigil na ng tawa sa tabi ko, at si Klene naman ay nakakunot na ang noo Mabilis kong nilingon ang paligid at tumingin sa dalawang tao na umaalis, baka narinig kami. Buti na lang at hindi kasi mabilis silang naglakad paalis, nakahinga ako ng maluwag "Ano ba, Trix" bulong ko at tinapik ang kamay niya na dahan-dahang tinusok ang takoyaki "di tayo kasali sa usapan, jusko" "Hindi ko kasalanan na nag-e-exist silang magulo, they're distorbing the people" sagot niya na walang pake kung narinig ba iyun o hindi ng dalawa, habang ngumunguya na ng takoyaki "Alam mo, dapat sinabihan mo rin 'yung lalaki" sabay hawak ni Mell sa iced tea "May pagkukulang din siya, eh. Dapat marunong siyang mamili. Kung may jowa ka, 'wag mo siyang paikutin. May responsibilidad kang maging decisive" "They should do it privately, ghad" naiinis na sagot ni Trix "Enough, guys, just eat and let it be, it's their business" may pontong awat ni Klene sa dalawang nagkasagutan "Okay" - Mell "Fine" - Trix Sabay nilang bigkas, napangiti ako. Mas totoo na 'yung ngiti ngayon. Ganito kami, maingay, sarcastic, walang preno. Pero ito 'yung mga moment na kahit hindi ko sabihin, nararamdaman kong hindi ako nag-iisa. Kahit may bitbit akong bigat, may humahawak pa rin sa'kin pataas After namin kumain, nag-ikot pa kami sandali sa mall. Si Mell ay sinama si Trix sa Watsons magkasundo sila sa gano'ng bagay, habang si Klene naman ay parang may sariling misyon sa Book Sale. Naiwan akong nakaupo sa bench sa foodcourt ng 2nd floor, katapat ng malaking glass window habang hinihintay silang bumalik. Gusto ko lang ipahinga ang isip at katawan ko kaya di ako sumama maglakad-lakad Ang dami pa ring tao kahit medyo madilim na. Ang dami ring ilaw, pero sa dami ng ingay, pakiramdam ko ang tahimik ng paligid ko. Parang lahat gumagalaw nang mabilis, pero ako, nanatiling naupo lang. Tumunog ang phone ko. Group chat namin Mell: GUYYYSSS. LOOK Trix: Guess what we found? Mell: [Photo of three tall guys by the escalator] Mell: Zav, type mo 'to. Me: Mell pls. Huwag mo akong i-bait. Trix: Muntikan pa kaming mahuli, 'to kasing si Mell naka flash ang camera, mabuti na lang tumayo agad ako sa harap at nag pose Klene: Patay kayo Napangiti ako. Binitawan ko muna ang phone, tiningnan ko 'yung paligid ng food court, ang ingay, ang liwanag. Tulad ng dati. Parang normal lang ang lahat. Pero habang pinagmamasdan ko ‘yung mga taong dumadaan, may bumubulong sa likod ng isip ko, parang may nawawala. O baka may pilit na bumabalik May isang lalaking dumaan, bitbit ang tray ng kape at fries. Hindi ko siya kilala, pero sa isang iglap, parang… familiar ang lakad niya. 'Yung kumpas ng kamay niya, parang may kahawig. Tuloy, napatitig ako kahit wala naman dapat Napailing ako sa sarili ko. “Zavienna, huwag na” bulong ko “Baka gutom ka lang" Kinuha ko ulit ang phone. May bagong messages Mell: Zaaaaaav, bakit ka seenzone queen?? Trix: Hulaan mo kung sino 'yung nasa gitna. Clue: 'di mo siya kilala pero feeling mo kilala mo na siya Klene: Wag niyong simulan 'yan, baka ma-possess na naman si Zav ng daydreaming powers niya Napatawa ako. Pero sa likod ng tawa ko, may kirot na hindi ko maipaliwanag. Hindi nila alam, hindi nila alam na minsan... hindi ako sigurado kung alin ang totoo, ang mga tawa nila ngayon, o ‘yung boses sa panaginip ko na paulit-ulit tumatawag ng pangalan ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
324.2K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
48.1K
bc

LEGERDEMAIN ACADEMY: MAJESTIC FLAIR

read
5.9K
bc

Ang lihim ni Prof [SSPG]

read
24.0K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
63.1K
bc

Uncle Governor [SSPG]

read
188.0K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
49.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook