Chapter 1

1641 Words
"Where's Yohan Devo Lancaster?" the professor asked. Isang kaklase ang nag-turo kung nasaan si Yohan. I faced palm. Kumunot ang noo ng propesor nang makita si Yohan na natutulog sa desk niya habang hawak ang kamay ko. Some of my classmates laugh at the sight. Natural na lang sa kanilang ang senaryong ito. Paano ba naman ay halos araw-araw na tulog si Yohan at lagi niyang hawak ang kamay ko pag tulog siya sa klase. I don't really care about him though. He's just a crazy *ss billionaire. Noong nalaman ko na bilyonaryo siya ay umasa ako na masipag siya at matalino iyon pala ay antukin lang siya! Hindi ko nga alam kung paano siya naging bilyonaryo gayong puro tulog lang naman ang ginagawa niya! I wonder how he became a billionaire when he's so lazy? Hindi siya pinapagalitan ng mga propesor dahil alam nila kung ano ang kayang gawin ni Yohan. Tsk. The power of fame nga naman. "Hindi ba't si Diez ang crush mo?" tanong ni Kyla na katabi ko. Napangiti ako sa sinabi niya. Of course. Loyal naman ako kay Jaydiez ano. Hinahayaan ko lang si Yohan na hawakan ang kamay ko dahil hindi ko ma-alis at hindi siya nakikinig pag sinasabihan ko siya. I just stopped caring about it. Hindi naman dahil hinahayaan ko siyang hawakan ang kamay ko ay siya na ang gusto ko. Jaydiez Dave Alcazar is my long time crush. Hindi lang siya gwapo at mayaman. Matalino din ito. I was in junior when I first liked him and until now, I still like Diez. Sikat siya sa mga babae kaya naman hindi ko siya magawang lapitan. Having a crush on someone like him is so hard. I've always liked intelligent guys like Diez. "Oo naman. Si Diez lang ang gusto ko," I said confidently. Naramdaman ko ang pag-higpit ng hawak ni Yohan sa kamay ko pero hindi ko na iyon pinansin pa. "Kung ganoon ay bakit hinahayaan mo si Lancaster na hawakan ang kamay mo?" tanong ni Kyla. I shrugged. Kahit naman ipaliwanag ko ay hindi niya maiintindihan. After almost one hour, the discussion ended. Gaya ng dati ay naiwan na naman kami ni Yohan sa classroom! Palagi na lang ganito. Laging late ang lunch ko ng limang minuto dahil hindi siya nagigising pag nag-ring na ang bell. Binuksan ko ang cellphone ko gamit ang aking kanang kamay. I open one of my social media accounts that I use to stalk Diez. Mabilis akong nag-punta sa kaniyang account pero natigilan ako nang makita ang litrato niya kasama ang isang babae. It has a caption saying "Safe place." What the hell? Pakiramdam ko ay umikot ang sikmura ko dahil sa nakita. He's not single anymore. My long-time crush became more impossible to be mine. Pinatay ko ang aking cellphone at ipinatong ang ulo sa desk. Naka-harap ang ulo ko kay Yohan na natutulog. Sana ay kagaya niya na lang ako na walang iniisip sa buhay. I'm upset and a little hurt. Maganda naman iyong babae at halatang gustong-gusto ni Diez kaya anong magagawa ko? Siguro ay kailangan ko na lang na tanggapin na hindi para sa akin si Diez. Unti-unting tumaas ang ulo ni Yohan. Naningkit ang mata niya at napatingin sa akin. Hie forehead crumpled. Mas lalo akong sumimangot. "Want to eat ice cream with me?" he asked. I glanced at him. Our eyes met. Wala akong nagawa kung hindi ang tumango. Tumayo ako at kinuha ang aking bag. Kinuha rin ni Yohan ang kaniyang bag bago hinila ang kamay ko. Maybe I'm too upset so I let him hold my hand. Lahat ng nadadaanan namin ay napapatingin sa amin. Bahagya akong yumuko. Nang nasa ice cram parlor na kami ay doon niya lang binitawan ang kamay ko. Umupo ako sa table na nasa tabi ng glass window habang siya ay um-order. Hindi man lang tinanong ang gusto kong flavor! Letche ka, Yohan! Nang bumalik siya halos manlaki ang aking mga mata dahil halos lahat ng order ay in-order niya! He sat in front of me. "Eat up," he said. Tumango ako at kinuha ang chocolate flavor na Ice cream. I started eating silently while he's just staring at me with. Nakapang-halumbaba siya at naka-ngiti habang naka-titig sa akin na tila ba natutuwa sa nakikita. I rolled my eyes at him. "I hate you. You are so lazy," I said without looking at him. He pouted. "Ako din. I hate you. You are hopeless." Sinimangutan ko siya at inirapan. "I'm not hopeless." "You are. Seriously? Hindi naman gwapo si Diez," sabi niya. "At least he's smart and not lazy like you," sarkastikong sabi ko. He chuckled. "I'm not lazy. I just already know what the professors are about to discuss." Eh 'di ikaw na ang matalino. Pake ko? "You are so mean to me but sweet to others. Really? Wala naman akong ginagawang masama sa'yo, Sabrina," naka-ngiwing sabi niya. "Lagi akong late mag-lunch dahil sa'yo, Lancaster. Lagi kang tulog sa klase at hawak ang kamay ko. Hindi ba masama iyong nagugutom ako dahil sa'yo?" Tinaasan ko siya ng kilay. He chuckled. "I'm sorry." "Can we eat all of that?" I asked. He licked his lips and glanced at the ice cream in front of us. "We can give them away," he said. "Bawal ba ibalik?" tanong ko. Kumunot ang noo niya. "Bakit mo ibabalik? Mababawasan ang sweldo noong mga trabahador kapag ibinalik natin." Ngumuso ako at tumango. In the end, we ended up giving the ice cream to the people walking on the street. "I will go now," sabi ko sa kaniya. "Where?" "Home? Medyo madilim na rin," wika ko. "Ihahatid kita." "Hindi na. Nag-cocomute ako araw-araw dahil mas madali," sabi ko. "Give me your number." Inilahad niya ang kaniyang kamay sa harapan ko. Tinaasan ko siya ng kilay. He sighed when he realized that I don't have any plans to give him my number. "This is my number. Save it and call me when you're in trouble or even if you are not," he said. Ngumiwi ako bago ginawa ang gusto niya. After I finished typing his number, I closed my phone. "Mauuna na ako," sabi ko sa kaniya. "Saan ka sasakay?" I rolled my eyes. Mayaman nga pala siya kaya siguro hindi niya alam na jeep ang sinasakyan ng mga estudyante na walang sasakyan. Sa totoo lang ay may sasakyan naman ang pamilya namin kaya lang ay ginagamit iyon ni papa at ayoko namang mag-pasundo. May kotse ang mga pinsan ko kaya lang ay madalas sila sa mga club kaya hindi ako na-sama. "Sa jeep." Tumango siya. I started to walk away from him. Masasabi ko na kahit papaano ay nabawasan ang sama ng loob ko dahil kay Yohan. Tahimik na nag-hihintay ako ng jeep sa sakayan nang may tumabi sa akin na lalaki. My eyes widen when I felt something on my waist. Pa-simple niya akong tinututukan ng kutsilyo! "Holdap 'to, miss," mahinang sabi niya. Mabilis na kumabog ang puso ko sa kaba. Dahan-dahan niyang kinuha ang bag ko. I swallowed so hard. "K-kuya, iyong mga reviewers ko po ay nariyan..." mahinang sabi ko. Tinignan niya ako at tumango. Mukha naman siyang mabait pero kahit na! Binuksan niya ang bag ko at kinuha iyong mga reviewers ko. "Pasensya ka na, miss. Kailangan lang talaga," sabi niya bago umalis. Napap-pikit ako sa inis at sa tuwa. Natutuwa ako dahil kahit papa-ano ay iniwan niya ang reviewers ko at naiinis dahil wala na akong pamasahe dahil kinuha niya na lahat! Lumunok ako at tumingin sa paligid bago kinuha ang cellphone sa bulsa. Kailangan sigurado. Baka mamaya bumalik si kuya at kuhanin ang cellphone ko. I dialed Yohan's number. Mabilis naman niyang sinagot ang sagot ko. "Hey," he greeted. "Na-holdap ako," mahinang sabi ko. "What?" "Na-holdap ako!" inis na sabi ko. Natahimik siyaa at maka-lipas ang ilang sigundo ay ilang mura ang pinakawalan niya. "Where the f*ck are you?" parang kulog na tanong niya. "S-sa terminal..." "Saang terminal, Sabrina?" malamig na tanong niya. "Iyong malapit sa school..." "H'wag mong ibababa. Malapit lang ako. Don't go somewhere. Pumunta ka sa maliwanag at maraming tao. F*ck! P*t*ngina naman, Harvis! Lumayas ka nga!" Paano ako pupunta sa maraming tao eh wala ngang kahit sino dito. Ako lang! "May ginagawa ka ata..." nahihiyang sabi ko. Ang sabi niya ay tawagan ko siya pag may nangyaring masama sa akin kaya naman siya ang tinawagan ko. I don't want to call my papa because he will be worried and same goes with my cousins and siblings. "Wala nga, Sabrina! Mag-hintay ka riyan," naiinis na aniya. I rolled my eyes. He's so grumphy! Maya-maya ay nakita ko na ang sasakyan ni Yohan. Mabilis siyang bumaba at lumapit sa akin. He sighed when he saw me. Sumulyap ako sa sasakyan niya at nakitang may lalaking naka-sakay doon. "Layas, Harvis!" sigaw ni Yohan. Sumimangot iyong Harvis at bumaba bago pumasok sa backseat. "Are you okay? No wounds? Did he touch you? Let's report that f*cking b*stard to the police," naka-kunot ang noong sabi niya. "Hindi naman. Ano... tinutukan niya lang ako ng kutsilyo sa tagiliran." "P*t*ngina! I'll k*ll that f*cker!" gigil na sigaw niya. Umiling ako. "H'wag na. Hayaan mo na. Ibinalik niya naman ang reviewers ko kaya ayos lang..." "Are you out of your mind? Paano kung sa sunod ay hindi ka lang tutukan ng kutsilyo?" "It's okay. Halika na," marahan na sabi ko. Umiling siya bago binuksan ang pintuan ng passenger seat. Pumasok ako at umupo. My hands are shaking. Nang maka-pasok si Yohan ay tinitigan niya ako na tila ba hindi siya maka-paniwala. "Seatbeltt, Sabrina," malamig na sagot niya. Wala sa sariling tumango ako. He sighed and put the seatbelt on me himself. Lumunok ako at sumulyap sa kaniya. He looks really mad. Tahimik na pinaandar niya ang sasakyan. "I'm going to take you home from now on, Sabrina."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD