Keen "Brad, hinay-hinay lang, nakakarami ka na baka hindi ka na makauwi niyan,” salita ni Calter. "Tss. Mahinang nilalang naman ‘yan si Devara, eh!” tudyo ni Dale habang umiiling-iling. "Ano bang nangyari? You tell us nothing about her, nakabalik na rin pala sila ng pilipinas?” tanong ni Vraxx. We’re here at Calter’s enchanting house in Tagaytay. I'm with Vraxx and Dale. Dito ako dumiretso matapos kong manggaling sa bahay ng mga Zotore. Katatapos lang din namin mag-usap tungkol sa business naming magkakaibigan. Ewan ko, pero hindi ako mapalagay. Ang bigat ng pakiramdam ko, at nagsimula ito nang muli kong makita si Irieth matapos nitong sumadya sa opisina ko para ipagtanggol ang lalaking mas pinili niya kaysa sa ‘kin. I took a deep breath as I turned my gaze to the table in front of u

