Joy I kept driving Drake’s car when he suddenly said he was going to get off. I quickly complied. I stopped, then parked his car. Hindi ko alam pero nakararamdam ako nang takot sa kanya mula pa kanina nang dumating si Keen Devara sa mansyon ng mga Zotore, pero pilit ko iyon pinaglabanan lalo nang ibilin siya ng kaibigan ko sa akin na samahan ko ito hanggang makauwi. Naiilang man ay pinilit ko ang aking sarili na kausapin siya. Hindi ko na naisip pa kung paano ako makakauwi pagkatapos nito, ang importante sa akin ngayon ay makasigurado na ligtas itong makararating sa bahay niya. Alam ko na mas makabubuti ang ginawa ko, dahil naiintindihan ko na hindi siya okay. At tama si Hope, baka kung ano pa ang mangyaring masama sa kanya kung pababayaan ito. Sa katunayan nga ay tahimik lamang siya

