Chapter 2

1514 Words
Irieth "Hi, Hope. Do you need help with your bag?" I rolled my eyes. Narinig ko na naman ang boses na hanggang maari ay ayokong marinig. It was Drake Tajano.  Isa sa mga sikat sa campus na ito, dahil bukod sa Varsity player ay anak pa ito ng isang pulitiko. Matangkad, maputi, makapal ang kilay at brown ang mata.  Hindi ko ito pinansin at mas binilisan ko pa ang paglalakad ko papunta sa room namin, male-late na kasi ako sa first class ko ay kinakausap pa ako ng mokong na 'to! Naiirita talaga ako sa kanya. Hindi ko kasi gusto ang pag dikit-dikit ni Drake sa akin, dahil bukod sa ayaw ko ng manliligaw ay dumadami pa ang babaeng nagagalit sa 'kin dahil sa dinami-dami ng nagkakagusto sa lalaking 'to, alam kong napapansin ng marami na ako ang madalas na tinatapunan nito ng atensyon niya. Ayoko mag assume, pero alam ko na may gusto siya sa akin at wala akong pakialam.  "Hey, Hope! Pansinin mo naman ako." Nagpatuloy pa rin siya sa pagsabay sa akin. Mayamaya pa ay napahinto ako sa paglalakad pagkatapos ay hinarap siya. Gusto ko itong sampalin pero ayoko gumawa ng eksena. Kaya mahinahon ko siyang kinausap.  "P'wede ba? hindi naman ako bata para hindi madala ang bag ko. H'wag ka ngang makulit dahil naiirita 'ko sa 'yo. Isa pa, h'wag mo akong tawagin sa second name ko, dahil hindi naman tayo close." Inirapan ko siya at nag patuloy sa paglalakad. Bago ako makalayo sa kanya ay narinig ko pa ang pagtawa at pagsasalita nito, pero hindi ko na naintindihan iyon dahil sa ingay ng paligid.  "H, okay ka lang?"  It's Joy Alcaraz. Mula first year college ay siya na ang kasama ko hanggang ngayon na graduating na kami. Mabait ang kaibigan kong ito at magaang ang loob ko sa kanya, siguro ay dahil feeling ko, siya lang ang nakakaintindi sa akin sa sitwasyon na meron ako.  Siya lang din ang nagtiyaga sa akin no'ng mga panahong halos ayaw ko ng kasama.  H, kung tawagin niya ako. Iyon ang sinabi kong itawag niya sa akin dahil gustong-gusto niya raw ang second name ko. Pero alam ni Joy na ayokong tinatawag ako ng kahit na sino sa gano'ng pangalan. Dahil sa t'wing naririnig ko iyon ay para bang bigla na lamang sumisikip ang dibdib ko, nagbabago ang lagay ng aking loob at hindi ko ma-control ang sarili ko. Siguro ay dahil si Mommy lang ang nakasanayan ko na maringgan na tumatawag sa akin sa pangalan na iyon.  Hindi ko maiwasan ang masaktan hanggang ngayon, kapag mayroong bumabanggit sa pangalan na ibinigay sa akin ni Mommy. Pakiramdam ko kasi, kabaligtaran no'n ang buhay na mayroon ako ngayon.  Ibinigay sa akin ni Mommy ang pangalang iyon,  kapalit ng tunay na pag-asa na ibinaon niya ng mawala siya sa buhay ko. Nahimasmasan ako at napatigil sa pag-iisip ng may tumapik sa akin. Nilingon ko si Joy, "Ha?" "Sabi ko, kung okay ka lang ba? Nakabusangot ka na naman kasi d'yan, eh!" "Ahm, ou naman! Okay lang ako," tugon ko dito. "Hay nako! Alam ko yung mga gan'yan mo, eh! Kinulit ka na naman ba ni Baby Drake?" kinikilig-kilig niyang tanong sa akin. "Mej," tinatamad kong sagot. Paano naman kasi, sanay na siya sa pangungulit ni Drake samantalang ako hindi masanay-sanay dahil hindi ko talaga gusto ang paglapit-lapit n'yon sa akin.  "Alam mo ang swerte mo talaga, H. Sa dinami daming babae dito sa campus ay ikaw ang bet ni fafa Drake! Alam mo ba na crush na crush ko 'yon? Kasi naman ang gwapo-gwapo, mukhang ang bango-bango tapos . . . ang laki-laki . . ." "Ano?" mabilis kong tanong. "Ang laki-laki niya! I mean ang tangkad, tapos mukhang mabait pa at balita ko hindi pa 'yon nagkaka girlfriend! Hay, ang sarap!" Napangiti at napailing na lang ako sa mga lumalabas sa bibig ni Joy.  Well, Nagsimula ang paghanga niya kay Drake no'ng third year kami, sikat kasi sa school ito dahil sa  pagiging bida-bida niya. Hindi nawawala kapag may ganap. Mapa-program man, party or varsity.  "Siya nga pala, H. Free ka ba next saturday?" pag-iiba nito sa usapan. "Why?" tanong ko. "Aayain sana kita sa night club. I have an extra pass kasi," aniya. "Anong night club naman? Saka kailan ka pa natuto niyan?" nagtataka kong tanong sa kanya. "Ano ka ba? Magchi-chill lang naman tayo since malapit na tayong gumraduate, isa pa ang hirap makakuha ng pass do'n, H. It was almost exclusive to the only famous and the wealthy!" pagmamalaki nito. Napatigil at naningkit ang mata ko sa kanya, para kasing isa lang ang alam kong gusto niyang puntahan na night club na mahirap pasukin. "You mean— sa Madcap Manila?" Nanlaki ang mga mata nito at napatili.  "s**t! Yes, exactly!" "Iba ka talaga,” Naiiling kong sagot sa kanya. "S’yempre, ako pa! May chix kasi si Kuya na laging nandoon, alam mo na! Ano? Sama ka na, ha?" "Sige, okay lang naman,” sagot ko. Hindi talaga ako makatanggi kay Joy, bukod sa alam kong hindi siya bad influence ay masarap din naman siyang kasama.  "Yes! Sabi mo 'yan, ha? Wala nang bawian!" masaya nitong tugon.  NANG mag-uwian na kami ay agad kami nitong naghiwalay. Sinundo siya ng Kuya niya habang ako ay mag isang bumyahe, gamit ang sarili kong sasakyan na niregalo sa akin ni Tita Angeline no'ng nag 18th birthday ako.  Habang nagda-drive ay may nadaanan akong isang matandang babae na pulubi, huminto ako at bumaba saglit para abutan siya ng pagkain at pera. Ewan ko ba, pero naging ugali ko na ito sa tuwing makikita siya dahil siguro sa kasabikan ko sa isang Ina.  Papasok na sana ako sa sasakyan ng mahagip ng mga mata ko ang isang lalaki na nakatingin sa akin di kalayuan mula sa aking hinintuan. Matangkad ito at moreno. Nakasandal siya sa kanyang sasakyan na kung hindi ako nagkakamali ay ferrari. Para itong may hinihintay na kung sino mula sa school. Pinilit kong alisin ang tingin sa kanya, kahit na parang mina-magnet nito ang mga mata ko, agad akong pumasok sa sasakyan pagkatapos ay pinaandar ito. Nang makarating ako sa bahay ay nadatnan ko na abalang naglilinis ang mga katulong namin. Nang mahagip ng mata ko si Ate Marif ay agad ko itong nilapitan at tinanong.  "Ate, anong meron? Bakit parang abala kayong lahat?"  "Ay! Ma'am, kase pu tomawag si Ser France kanena at penapalenis pu ang mansyun ba, dahel oowe daw pu sela bokas," sagot nito sa akin. Kahit na parang babaligtad ang dila ko kung paanong magsalita si Ate Marif ay pilit ko itong inintindi. Hindi na rin ako nagulat sa biglaang pagsulpot ni France sa bahay na 'to, doon ako nagulat sa sinabi ni Ate Marif na 'sila'. Ang ibig sabihin nito ay hindi siya mag-isa. "Sila?" hindi ako nakatiis naitanong sa kanya, dahil sa pagtataka. "Ay! yis pu, Ma'am. May kasama daw pu si Ser piru de niya man senabi saamin kay si Ma'am Angilen ang kaosap kanena. Gosto pa nga pu mag pa-parte parte pag-owe, nareneg-reneg ku lang," paliwanag nito. Kinutuban na ako kaya nagmadali akong umakyat sa kwarto ni Tita Angeline para sa kanya ko mismo marinig ang gusto kong malaman. Kumatok ako ng dalawang beses kahit nakaawang ng bahagya ang pinto ng k'warto nito, saka ako pumasok. Naabutan ko si Tita na abala sa envelope na hawak nito at tila seryoso sa binabasa. "Tita," tawag pansin ko sa kanya. Nag-angat ito ng tingin sa akin at niligpit ang mga hawak nito. "Oh, Darling. Ikaw pala, may sadya ka?" "Hindi na 'ko magpapaligoy pa, Tita. Sino po ang kasama ni France pauwi rito?" Tumikhim siya ng bahagya at tumayo mula sa kanyang inuupuan. Hindi na siya mukhang nagulat sa tawag ko sa kapatid niya, dahil alam ko na naiintindihan niya kung bakit nawala ang respeto ko rito. "Irieth, ‘wag mo sanang ikagalit. Pero balak na nila na mag-stay dito. Kasama ng dalawa nilang anak. Hindi ako pumayag no'ng una, pero nakiusap ang Daddy mo. Pasensya ka na, Anak." Agad nagbago ang ekspresyon ng aking mukha nang marinig iyon at dahil sa galit ay nayakap ko ang hawak kong bag. Hindi ko alam, pero hindi ko maiwasan ang makaramdam ng ganito. Ang kapal ng mukha nilang umuwi sa bahay na ‘to, pagkatapos ng mga ginawa nila! At hindi pa talaga nasiyahan ang magaling kong Ama. Dadalhin niya pa talaga rito ang bago niyang pamilya.  Para saan at para ano? Para ipamukha sa akin na wala akong halaga sa kanya?! Well, hindi na rin naman siya mahalaga sa 'kin! Hindi ko pahahalagahan ang mga taong manggagamit.  Tumalikod ako at lumabas ng k’warto ni Tita Angeline. Ayoko makita niya ang luhang papatak mula sa aking mga mata, dahil sa sinabi nito. Hindi ko matanggap, kaya dali-dali akong pumasok sa k’warto ko saka mabilis na ni-lock ang pinto.  Sa galit ay naibato ko sa kama ang bag na hawak ko at hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa aking mga mata. "Hindi kayo magiging masaya . . . hinding-hindi."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD