Chapter 1

1112 Words
12 years later Irieth "Irieth, halika na sa ibaba at kakain na tayo," pag-anyaya ni Tita Angeline habang papalapit ito sa akin. "Umiiyak ka na naman, Anak. Kailan ba kita makikitang nakangiting gigising bata ka?" Umupo ito sa tabi ko at saglit akong niyakap, pagkatapos ay tinuyo ang mga luhang pumatak sa aking mga mata. Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil para bang namamanhid ang puso ko na makaramdam sa ano mang bagay na ginagawa ni Tita para sa akin. Ang ngumiti? Ewan ko. Hindi ko rin alam, dahil walang araw na nagdaang hindi ko naaalala ang gabing sumira sa buhay ko. Ang gabing tumangay ng tuwa at kagalakan na itinanim ni Mommy sa puso ko at isipan ko. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang sakit na dulot ng nakaraan sa akin. Na-trauma ako. At wala akong maisagot kundi paghikbi, pag-aalala, pagluha habang yakap ang mga tuhod at litrato ng Mommy ko lalo na kapag sumasapit ang gabi. Buhat nang mawala ito ay hindi ko na nagawa ang magsaya. Hindi ko alam, pero mas madalas akong nakararamdam ng lungkot, na para bang miserable ang aking buhay sa araw-araw. Tila laging pagod, palaging nanghihina, nawalan na rin ako ng interest sa lahat. Ewan ko pero, Hope ang aking pangalan pero pakiramdam ko ay wala na akong pag-asa. Dahil para sa akin ay wala na 'kong halaga. "Tita, ang hirap. Hindi ko na alam ang gagawin ko, kung paano ko paglalabanan ang lahat ng 'to. nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon, hindi ko maunawaan kung bakit kailangang mangyari lahat ng 'to sa akin, kung bakit si Mommy? Bakit kailangan niya mawala? Bakit kailangan niya mang iwan? Bakit siya? Tita, kailangan ko siya. Kaya hindi ko alam kung paano aayusin ang sarili ko, dahil sa pangungulila ko sa kanya. Sinabi niyang mahal niya 'ko . . . natatandaan ko 'yon, alam kong mahal na mahal niya ko . . ." "Irieth, Anak. Twelve years na ang nakakalipas. Bata ka pa no'n. Alam mo bang walang hangad si Carmi noong nabubuhay pa siya kundi ang makita kang masaya sa lahat ng oras at panahon? Lagi ka niyang bukambibig sa akin. Alam mo ba na kapag malungkot siya ay sumasaya siya dahil may Hope siya? Kapag napapagod siya madali siyang nakakabawi ng lakas dahil nand'yan ang Hope niya, kapag kailangan mo siya asahan mong hinding-hindi niya iiwan ang Hope niya. Alam kong hindi niya gustong mawala, Anak. Dahil ikaw ang lahat sa kanya. Alam kong masakit, pero kung nandito lang ‘yon ay hindi gugustuhin ng Mommy mo na makita kang nagkakaganyan." "Iyon ang masakit, Tita. 'Yon ang isa sa mga iniiyak ko at hindi ko matanggap-tanggap. Matagal na, pero hindi ko makalimutan. Hindi mawala sa isip ko ang bawat luhang pumatak sa mga mata niya, hindi mawala sa isip ko ang sakit na nakita ko sa mukha niya no'ng gabing 'yon. Hindi ko alam, wala akong kamalay-malay na iyong araw na 'yon ay mawawala siya sa buhay ko. Hindi ko po matanggap na sa mismong kaarawan ko. Sa mismong araw ng pagsilang niya sa akin ang araw na nawalan siya ng buhay, sa harapan ko pa. Nahihirapan na po ako, Tita. Hirap na hirap akong kalimutan at tanggapin . . ." "Ssssh . . . tahan na, tahan na. Nandito lang ako para sa 'yo. Alam mo na hinding-hindi kita pababayaan. Nawala man ang Mommy mo, handa akong tindigan ano mang kinatayuan niya sa buhay mo dahil katulad niya ay mahal din kita, mahal na mahal kita, Anak. At hayaan mo na tulungan kitang makabangon." Mula ng mamatay si Mommy dahil sa aksidente, si Tita Angeline na ang nakasama ko sa buhay. Maging dito sa bahay. Hindi na ito nag-asawa o nag pamilya man.  Siya ang tumayong Ina sa akin. Noon pa man, kahit nang buhay pa ang Mommy ay kagaangan ko na ng loob si Tita, dahil alam ko na higit pa sa pamangkin ang turing at tingin nito sa akin.  Nakatulong ang pag-comfort sa akin ni Tita. Kahit papaano'y gumaang ang pakiramdam ko dahil sa mainit na yakap nito sa akin.  Mayamaya pa'y pinadalhan niya ako ng pagkain kay Ate Marif. Ganito ang eksena namin madalas kapag binabangungot ako ng nakaraan. Si Ate Marif ay bago-bago lang namin na katulong dito, pamangkin ito ni Nana Milda na noon pa man ay kasambahay na namin dito sa bahay o mansyon na tinatawag nila. Bukod kay Tita, ay sila ang nakakasama ko sa araw-araw. Nang makatapos ako sa pagkain ay muli kong pinagmasdan ang larawan namin ni Mommy noong 7th birth day ko. My last birth day with her. Ito rin ang huling ngiti ko na kasama siya. Kapag ganitong tagpo, awtomatikong naaalala ko ang huling pangyayari bago siya nawala. Masakit pa rin talaga. Hindi ko gustong mabaon sa nararamdaman ko. Sino nga ba ang may gustong masaktan? Hindi ko nga alam kung bakit kailangan na ako ang magdusa sa kasalanang ginawa ng iba.  Hindi ko alam, pero pakiramdam ko'y tila inilibing ako ng nakaraan kasama ni Mommy. Nak’wento ni Tita Angeline sa akin ang huling conversations nila ni Mommy, na mag-uusap sana sila patungkol sa nangyari nang gabi 'yon bago maaksidente ito. Papunta sana ito sa kanya dahil may ipaliliwanag daw si Tita patungkol sa pinag awayan nila ni France, para maliwanagan ito.  Hindi ko na inalam kung ano man iyon. Ayoko na rin malaman, dahil hindi ako interesado.  Sapat na ang mga nakita ko nang gabing iyon. Sapat na ang mga luha at sakit na nakita ko sa mga mata ni Mommy bago siya mawalan ng buhay. Sapat ang lahat ng 'yon upang magalit sa mga taong dahilan ng pagkawala niya. Napakasama nila.  Sobra ko silang kinamumuhian sa ginawa nila. Dahil sa pagiging makasarili nila ay nawala ang pinakamahalagang tao sa buhay ko, at walang anumang sakit ang maipapantay sa nararamdaman ko hanggang ngayon. Ipinagkait nila sa akin ng babaeng pinagpalit niya sa amin ni Mommy, ang kasiyahang dapat ay nararanasan ko pa hanggang ngayon. Ninakaw nila sa akin ang kamuwangan ko.  Paano kaya sila nakakatulog ng mahimbing sa gabi, gano’ng alam nilang may nasira silang buhay? Paano nila naaatim na magsaya habang mayroong taong hanggang ngayon ay nagdudusa dahil sa ginawa nila.  Kung hindi siya nagloko ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Wala siyang k’wentang tao. Wala siyang k’wentang lalaki. Wala siyang k’wentang Ama. Pinagsisisihan ko ang mga araw na hinangaan ko siya, inidolo, nirespeto at minahal. Hindi niya deserve magkaroon ng Anak, hindi niya deserve maging masaya at hindi niya deserve ng kapatawaran. Hindi ko sila mapapatawad, Hindi ko sila kailangan! Hinding hindi ko sila kakailanganin sa buhay ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD