Chapter 6: They're back

1388 Words
Hindi na ako nag-abalang kumatok pa at agad dumiretso sa lamesa ng dean. Nag-angat siya sa akin ng tingin at tila hindi inaasahan na makita ako. “Ms. Cross. Ano sa tingin mo ang ginagawaㅡ” “Drop the act! Hoy panot makinig ka sa ‘kin. Itigil mo ‘yong pagpatay sa mga estudyante or elseㅡ” Napatayo siya dahil sa sinabi kong ‘yon kaya naman napangisi ako. “Anong sinasabi mo?! Ginagawa ko lahat ng makakaya ko para masolusyunanㅡ” “Isa pang pagsisinungaling mo, papatayin kita. Nasaan si Jennie? Alam kong hawak niyo siya!” Sigaw ko nang hampasin ko ang mesa, kasabay noon ay may bigla na lang humawak sa magkabilang braso ko. Mabilis kong nasiko ang nasa kanan ko at saka sinipa ‘yong nasa kaliwa. Buong pwersa kong hinampas ulit ang mesa gamit ang dalawang kamay habang nakatingin ng masama sa dean. “Bakit hindi mo na rin ako patayin gaya ng ginagawa niyo sa mga estudyante?!” Sigaw ko. “Mahigpit na ipinag-utos ng owner na ‘wag kang gagalawㅡ” “Papatayin ko sarili ko. How’s that?” Mabilis kong nakuha ang baril sa bulsa ng lalake kanina at saka itinutok sa sarili ko. Ngayon, sigurado na ako na kagagawan nga ito ng school. Nang school owner pa mismo. Anong binabalak niya? Sino ba siya sa buhay ko?! “Kapag namatay ako, what will happen? Huh?” Nanlaki ang mata niya at tila pinagpawisan siya ng sobra. Why? Why is he acting like that? Na parang sobrang halaga ng buhay ko. “Magbibilang ako ng sampu. Kapag hindi mo sinabi kung nasaan si Jennieㅡ” “Stop it, Ms. Cross!” Sigaw niya kaya napataas ako ng kilay. Magsasalita pa sana ako ngunit may kung sino ang nagtakip sa bibig ko gamit ang panyong may pang patulog. Zero’s POV Oras na ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik si Erin. Did I really do the right thing? Dapat ba na hinayaan ko siya? I’m starting to regret my decision. “Ano na? Mauupo na lang ba tayo rito? Hindi na bumalik si Erin.” Nag-aalalang sabi ni Chloe. Kasalukuyan pa rin kaming narito sa keen’s lab dahil wala pa ring malay si Tito Axel. Hindi ko akalain na gano’n kalakas si Rozee, miski ako ay nabigla sa ginawa niya kanina. Napatayo ako at saka nagpabalik pabalik ng lakad. Sinubukan ko na rin kontakin si Erin pero wala pa rin. “Damn it! Susunod na ako. Pakibantayan si Third.” Bilin ko dahil nandito na rin sila. “Sasama ko.” Ani Xian at tumango naman ako bago kami sabay na lumabas ng keen’s lab. Sa sobrang pagmamadali ay hindi na namin nagawang pansinin ang kumpulan ng estudyante sa may soccer field. May mga pinagkakaguluhan sila roon na akala mo ay may artista. Pagdating namin sa tapat ng dean’s office, agad akong kumatok ngunit walang nagbukas o sumagot man lang. Sarado rin ang pinto. “Doon tayo sa back building, may puno roon. Tignan natin mula sa bintana.” Suhestiyon ni Xian kaya nagpunta kami sa likuran at sa punong sinasabi niya ngunit pag-akyat namin ay wala kaming makitang tao sa loob. Nakakapagtaka, hindi naman umaalis ang dean sa office kapag oras ng trabaho. May ginawa ba sila kay Erin? Bigla akong nabalot ng takot nang pumasok iyon sa isip ko. “Hey, trust your girl. I know she’s fine.” Ani Xian nang mapansing tahimik ako. Tumango ako at ngumiti ng tipid bago bumaba sa punong ‘yon. Pagdating namin sa tapat ng main building ay hindi ko inaasahan na sila ang bubungad sa amin. “Anong ginagawa niyo rito?” Tanong ko. “Hm... Dito na ulit kami mag-aaral.” Balak ko pa sanang sugurin sila Josh pero pinigilan ako ni Xian. “Wag mo na silang pag-aksayahan ng panahon. Kailangan natin mahanap si Erin.” “Nawawala si Erin?” Tanong ni Kevin na akala mo ay concern na concern siya. Damn it! Bakit ngayon pa sila nagpakita? Lalo lang nag-iinit ang dugo ko. Dadagdag pa sila sa mga problemang iisipin ko. “Ano bang pakialam niyo?” Nagtitimping tanong ko. “Hey now, relax. Bumalik kami rito para makatulong, bali-balita na may mga estudyanteng namamatay rito sa loob, we heard what happened to Xander. Nandito kami para bumawi sa mga kasalanang nagawa namin.” Sabi ni Josh at hindi ko na nagawang kumibo agad. Wala akong oras makinig sa mga sasabihin ng mga taong ‘to. Tingin niya ba ay maniniwala ako sa mga sinasabi niya pagtapos ng mga kawalangyaang ginawa niya sa amin noon? Hindi ko na sila pinansin pa at nilagpasan na lang hanggang sa may babaeng bumangga sa akin. Ang nakakapagtaka lang, siya na nga nakabangga siya pa ‘yong natumba. Inabot ko ang kamay ko para tulungan siyang tumayo. “Sa susunod tumingin ka sa dinaraanan mo.” Walang emosyong sabi ko at saka siya nilagpasan. Pagbalik namin sa keen’s lab, gano’n pa rin, wala pa ring malay si Tito Axel. Wala kaming magawa kung hindi ang maghintay sa pagbalik ni Erin. I hope she’s fine, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Hindi ko dapat siya pinagsalitaan ng gano’n bago siya umalis, alam ko naman sa sarili ko na ginagawa niya ‘to dahil ayaw niyang maulit ang nangyari kay Tyler. But damn, paano ko nasabi ang bagay na ‘yon sa kanya? Halos hindi ko nagawang matulog, paulit-ulit kong kinokontak si Chloe kagabi para tanungin kung bumalik na ba si Erin pero walaㅡwala pa rin, dalawang araw ng nawawala si Jennie. Ngayon si Erin naman ang hindi namin mahagilap. “Bullshit!, Makakapatay na ko, kapag may nangyaring masama kay Jennie. Makakapatay ako.” Galit na sambit ni Xian habang naglalakad kami papunta sa classroom. Papasok na kami ng main building nang makasalubong namin si Chloe at Rozee. Agad naman silang nilapitan nila Jester at Alex para kumustahin. “Pupunta kong dean’s office.” Paalam ko at saka ako sinundan ni Xian pero pagdating doon ay gano’n pa rin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at buong pwersa nang sinipa ‘yong pintuan. Nang bumukas ‘yon ay hindi ko inaasahan na ito ang bubungad sa amin. Agad kaming pumasok sa loob at tiningala ang nakabigting dean. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Lalapitan ko pa sana ang bangkay pero pinigilan ako ni Xian. “Bakit?” “Kailangan na natin tumawag ng police.” Sabi niya at magsasalita pa sana ako pero may isang lalake ang nagsalita. Sabay kaming napalingon ni Xian sa pinto. “Tama lang ang timing ko.” Aniya at saka siya lumapit sa bangkay. “Sino ka?” Tanong ko pero hindi niya ako sinagot. Pumatong lang siya sa lamesa at saka pinutol ang lubid na nakasabit sa bakal, dahilan para mahulog ang bangkay ng dean. “Anong ginagawa mo? Sino ka ba?” Tanong ni Xian pero wala pa ring isinagot ang lalake sa amin. Naikuyom ko na lang ang kamao ko at pinanuod kung paano siyang bumaba sa mesa at may kung anong kinuha sa bulsa ng dean. Halos matigilan ako nang makita ang necklace na kagaya ng akin. Hindi ako pwedeng magkamali, kay Erin ‘yon. Nagmadali akong lumapit at kinuha ang necklace sa kamay no’ng lalake. I didn’t manage to say any words, basta ang alam koㅡnatatakot ako na baka hindi ko na makita si Erin. Napahigpit ako ng hawak sa necklace at tumingin sa lalaking hanggang ngayon ay hindi pa rin namin alam kung sino. “Paano mo nalamang nasa bulsa ‘to ng dean?” “Malay ko, nakita ko lang na may nakalabas na silver eh. Malay ko bang sayo pala ‘yan.” Kibit-balikat niyang sagot. He’s weird, bakit parang may kagaya siya ng aura? “Suicide.” Biglang sabi niya ng maupo siya sa upuan ng dean. Inikot-ikot niya pa ang swivel chair habang magkahawak ang dalawa niyang kamay. “Bakit naman kaya niya papatayin ang sarili niya?” Dagdag pa niya at hindi na ako nakapagpigil. Lumapit ako sa kanya at saka siya kinwelyuhan. Nginisian lang ako nito at kinuha ang wallet mula sa bulsa niya. Nanlaki ang mata ko nang makita kung anong pangalan ang nakalagay sa I.D niya. “S-sino ka ba?” Bumitaw ako sa kanya kasabay nang pagtayo niya. Pinapagpag pa niya ang damit niya at bumuntong hininga bago sumagot “Hindi ka ba marunong magbasa? Pinakita ko na sa ‘yo I.D ko, ah?” Akma ko sana siyang susuntukin pero pinigilan ako ni Xian. Hindi ba siya marunong sumagot ng maayos? “Kalmaㅡpasensya na pero sino ka ba kasi?” Tanong ni Xian, panandaliang nagkaroon ng katahimikan sa paligid bago sumagot ulit ang lalake. “Winter Celvero.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD