Chapter 7: White door

1556 Words
“Kaano-ano mo si Tita Rain?” Tanong ko nang maupo siya sa mesa habang nakadekwarto. “Well... Sabihin na nating kapatid niya ako.” “Ang alam ko walang kapatid si tita.” Sabi ni Xian at tumango ako. Ang pagkakaalam ko ay nag-iisang anak si Tita Rain, matagal ng patay ang nanay niya habang wala naman siyang balita tungkol sa dad niya. Meaning, wala nang lola’t lolo si Erin sa mother side. “Enough with the discussion, nandito ako para iligtas ang pamangkin ko.” Wika niya kaya agad akong lumapit sa kanya. “Are you serious? Let me help.” Sabi ko kahit walang kasiguraduhan na tito nga siya ni Erin. I’m desperate, gusto kong malaman kung nasaan siya ngayon. “I don’t need your help.” Aniya at naikuyom ko na lang ang kamao ko. I guess, I don’t have a choice. Agad kong kinuha ang phone ko at saka tinawagan si tita. “Zero napatawag ka?” “Tita, nawawala si Erin. May isang lalake rin dito sa harap ko na sinasabing kapatid niyo siya. His name is Winter... Winter Celvero.” “Wait! What do you mean? Let’s talk in personal. Pupunta ko d’yan, wait for me.” Pagkababa ng tawag ay tinignan ko ang lalaking nasa harapan. Nakangiti lang ito sa akin kaya naningkit ang mata ko. What’s with him? Rain’s POV Buhat-buhat ko si Storm habang si Thunder ay nanunuod ng digimon. Wala siyang pinagbago, gano’n pa rin siya ka-childish. “Kulog, alagaan mo muna si Storm.” “Bakit? Ano bang nangyari?” Tanong niya saktong pagkabigay ko sa kanya ng bunso namin. “I really don’t know, ang sabi ni Zero ay nawawala si Erin at may sinasabi pa siya na may kasama raw silang nagsasabi na kapatid ko.” “Kapatid? Wait, what? Wala ka namang kapatid.” “Kaya nga pupunta ako ro’n.” Tumayo siya habang buhat si Storm. Marahan niya akong hinalikan at saka niyakap. “Alam ko nag-aalala ka na naman, magiging okay ang panganay natin at kung sino man ‘yong nagc-claim na kapatid mo, I’m sure you can handle it. I love you, ulan. Take care.” “I love you, too. Alagaan mo si Storm, okay? ‘Wag ihagis nang ihagis baka mahulog.” Tumango lang siya habang nakangiti kaya naman umakyat na ako at nagbihis. Mabilis lang akong nag-asikaso at nagmadali nang lumabas pero hindi ko inaasahan na bubungad sa akin si Jiro. “Can you come with me?” Tanong niya habang hawak ang susi ng kotse niya. “Saan? Kailangan kong pumunta ng Monstrouㅡ” “Pupunta ka rin? Then let’s go together.” Aya niya at saka niya ako hinatak pasakay sa kotse, pinapapunta raw kasi siya roon ni Third. Ano bang nangyayari sa academy? At Winter Celvero? I never heard of that name before. Wala akong natatandaan at wala akong kapatid. Posible kaya? Matagal nang nawawala si papa. Nag-asawa kaya ulit siya? Chloe’s POV “Babe, ano na bang nangyayari? Pati si Erin nawawala na rin.” Napayakap ako kay Jester nang sabihin iyon. Hanggang ngayon ay nandito kami sa keen’s lab. “Shh. It’s okay, kilala mo naman si Erin. She’s brave.” “Mauupo na lang ba tayo rito? Sumunod na kaya tayo kila Zero?” Sabi ni Rozee. “Hayaan na natin sila, paano kung nawala rin sila? Sino na lang matitira sa ‘tin?” Tanong ni Alex. Wala kaming kaide-idea kung nasaan sila Jennie at Erin. Imposible naman na mawawala sila ng gano’n gano’n lang, malakas din ang kutob ko na nandito pa rin sila sa loob ng academy. I know they’re still here. “Aalis na po ako.” Biglang paalam ni Third pero pinigilan ko siya bago pa siya tuluyang makalabas ng pinto. “Saan ka pupunta?” “Nandito na si Dad.” “What do you mean? Nandito si Tito Jiro? Bakit?” Tanong ni Jester. “Tinawagan ko siya, sinabi ko ‘yong mga nangyayari.” Tumango lang ako at napagdesisyunan namin na samahan siya habang sina Rozee at Alex ay maiiwan dito. Pagdating namin sa parking lot, saktong may dumating na kotse pero hindi ko inaasahan na hindi lang pala si Tito Jiro ang bubungad sa amin. “Tita Rain.” Tawag ni Jester nang lumapit ito at bumeso. “Anong nangyayari? Bakit nawawala si Erin?” “Nasaan si Zero?” Dagdag na tanong ni tito, agad naman siyang nilapitan ni Third. “Sabi nila sa dean’s office sila pupunta.” Hindi na kami nag-aksaya ng oras at agad nagpunta sa office. Pagdating namin doon ay sira ang pinto at halos mapaatras ako nang makitang nasa sahig ang dean habang may lubid na nakapulupot sa leeg nito. “What happened?” Tanong ni Tita Rain nang lumapit ito pero agad siyang napahinto nang makita niya ang lalaking nakaupo sa table ng dean. Nagkaroon ng panandaliang katahimikan bago may magsalita ulit. “Ate.” Nagkatinginan lang kami ni Jester at saka ulit ibinaling ang tingin doon sa lalaking tumawag ng ate kay Tita Rain. “Hindi kita kilala, who are you?” “Celvero rin ako.” Sagot ng lalake, nilapitan ko si Xian at balak sa nang tanungin kung ano ang nangyayari pero nakarinig na lang kami ng isang malakas na putok ng baril mula sa labas. Zero’s POV Hindi ko inaasahan na lilitaw si dadㅡ Himala at may oras siya para pumunta rito? Saktong paglapit sa akin ni Chloe ay nahatak ko si Third dahil sa putok ng baril na narinig namin. Agad akong sumilip sa bintana para tignan kung anong nangyayari pero nabigla na lang ako nang biglang may sumigaw sa likuran ko. Lumingon ako at para akong tinakasan ng kaluluwa nang makita kung paano lumabas ang dugo sa bibig ni dad. Tumingin ako sa likuran niya at tinignan si Winter, nakangisi ito sa akin. “Damn! Bakit kasi humarang ka?” Tanong niya at nasalo ko si dad nang hatakin ni Winter ang kutsilyo mula sa likuran ni dad. Agad sumugod sila Jester at Xian kay Winter pero tinutukan lang sila nito ng kutsilyo kaya wala silang nagawa. “Jiro!” “Dad!” “Sorry, ‘Nak. Hindi ako naging mabuting ama sa inyo ni Third.” Mahinang sabi nito. “Dad! Stop talking nonsense. Dadalhin kita sa hospital. Tita Rainㅡ” Hindi ko naituloy ang sasabihin dahil nakarinig na naman kami ng putok ng baril but this time, mas malapit na iyon. Bigla na lang din napaluhod si Winter sa sahig. “Hello.” Boses ng lalake at sabay sabay naming tinignan kung sino ‘yon. “ D-dad? Anong ginagawa mo rito? At bakit gan’yan ang suot mo?” Tanong ni Jester kay Tito Jasper na nakatutok ang baril kay Winter. “Eh nagm-make love kami ng mommy mo nang biglang tumawag si Thunder, eh. Napasugod tuloy ako rito.” Sagot ni tito nang itago niya ang baril na hawak niya. “At talagang ginamit mo ‘yong baril mo rito sa school? Are you insane?!” Reklamo pa ni Jester. “Gano’n talaga, may kalaban eh. Tara na dalhin na natin sa hospital ‘tong baluga na ‘to.” Nilapitan niya si dad at saka ito binuhat. Napatakbo naman sa akin si Third habang si Jester at Xian ay tinatali sa Winter. “Ako nang bahala rito, samahan niyo muna si Jasper sa hospital.” Utos ni Tita Rain. Nag-aalangan may ay pinili pa rin naming sumunod at iwan siyang mag-isa sa dean’s office kasama si Winter. Dali-dali kaming sumakay ng kotse habang walang malay si dad. Pinipilit din naman ni Third na ‘wag umiyak. Nakahawak lang siya sa kamay ni dad. f**k! Sino ba talaga ang lalaking ‘yon? Is he trying to kill me that time?! Bakit kung kailangan magulo na ‘yong sitwasyon, saka pa lilitaw ang taong ‘yon na mas lalong magpapagulo sa sitwasyon?! “Dalawang putok ng baril ang narinig namin kanina. Sino pang binaril mo?” Tanong ni Jester sa nagd-drive na si tito. “Yong ibon, tinesting ko kung okay pa ‘yong baril ko. Tagal ko nang hindi nagamit, eh.” Sagot ni tito, at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon. He’s so weird. “Well, thankful ako na dumating ka butㅡwhat the hell dad? Seriously! Paano kung nag-panic ‘yong mga estudyante?” “Babe, hayaan mo na. Wala naman ibang nasaktan.” Pagpapakalma ni Chloe at napatingin na lang ako kay dad. Aaminin kong galit ako sa kanya, lagi silang wala ni mom, halos lumaki na nga yata ako ng hindi nila nagagabayan pero ayoko naman ng ganito. Ayokong may mangyaring masama sa kanya. Jennie’s POV Wala akong ibang nakikita kung hindi kulay puti kaya naman marahan akong bumangon. Ilang oras na ba akong nawalan ng malay? Huling natatandaan ko ay ‘yong gabing ‘yon. Nilibot ko ang paningin ko sa apat na sulok ng kwarto. Walang bintana, walang kahit anong gamit maliban sa kama at unan. Lahat ay puti maging ang pinto, naglakad ako papunta roon at saka sinubukang buksan. Tumambad sa akin ang isang hallway na sobrang dilim. Halos wala akong makita. “Hello?” Tanging echo lang ng boses ko ang narinig ko. “May tao ba rito?” Napahawak ako sa bandang batok ko at saka nagsimulang maglakad kahit pa wala akong makita. Halos nakakatatlong minuto na akong naglalakad nang makarinig ako ng lalaking umuubo. Sinundan ko kung saan nanggagaling ang ingay hanggang sa may mahawakan akong doorknob. Binuksan ko ‘yon at halos mapahawak ako sa bibig ko. Anong lugar ‘to? Wala na ba ako sa academy? Mga puting building, halos walang katao-tao. “Who’s there?” Sabi ng pamilyar na boses at agad naman akong nagpunta sa gilid ng building kung saan nanggaling ang boses. Halos mapaatras ako dahil sa nakikita ko. Kinusot ko pa ang mga mata ko dahil baka namamalik mata lang ako. “X-Xander? Y-you’re alive?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD