“Omg! Buhay ka nga!” Hinawakan ko pa ang mga braso niya para makasiguradong buhay nga siya. Kinurot ko pa ang magkabilang pisngi niya. “A-aray! Ano ba?” Reklamo niya at magsasalita pa sana ako pero mabilis niya akong nahila at sinandal sa pader habang siya ay nasa harapan ko. Itinakip din niya ang kamay niya sa bibig ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero nakipagtitigan lang siya sa akin na parang nagsasabi na ‘wag akong maingay. Maya-maya ay naibaling namin ang tingin sa gilid kung saan may babaeng naglalakad. Hindi kami napansin nito, parang wala siya sa sarili. She’s like a zombie. Nang makalayo na siya ay agad bumitaw sa akin si Xander. “What was that? Where are we? Bakit buhay ka? Paano?” “I’ll explain to you later, sumama ka sa ‘kin. Kailangan natin magtago.” Hinawakan niya ang kam

