Chapter 5

1117 Words
Sinamahan ako ni Faith sa hr para sa listahan ng requirements. Kailangan ko na raw magpa medical ngayong araw. Libre naman ito kaya okay lang. Pero 'yong iba tulad ng nbi at mga permit ay kakailanganin ng pera.  Mabuti na lang at pumayag sila na to follow na lang. Wala naman kasi akong pera ngayon pang asikaso ng papeles.  Ipapakilala niya raw muna ako sa makakasama ko sa selling area bago ako umalis. Pumunta kami sa warehouse ng supermarket. Namangha ako sa dami ng stocks tulad ng de lata, shampoo at marami pang iba.  "Aileen, ito nga pala si Sir Boyet, siya ang boss mo rito. Sa kanya ka magpapasa ng inventory mo araw-araw." Pakilala ni Faith sa medyo may edad na lalaki. "Ito naman si Kenneth, siya ang makakasama mo sa selling area." Baling naman niya sa lalaking katabi ni Sir Boyet. Ang dami namang gwapo rito sa Maynila, magandang lalaki itong si Kenneth.  Matapos ipakilala ang mga makakatrabaho ko ay umalis rin ako agad para makapagpa-medical. Nasa katabing building lang ang clinic kaya hindi na ako nahirapan. Dalawampung minuto lang ang inilagi ko roon at natapos din agad.  Sinipat ko ang aking cellphone at nakita kong ala una pasado na. Kaya pala kumakalam na ang sikmura ko, tanghalian na. Buti na lang at binigyan ako ni Sir Nigel ng pera kanina. Napakabait talaga ng taong 'yon. Pero sana huwag muna siyang kunin ni Lord.  Pumara ako ng taxi papuntang Edsa. Taxi lang kasi ang mayro'n dito na transportasyon para makalabas ka ng Ayala.  "Kuya, sa may Edsa ho ako. Pakibaba na lang ho ako sa maraming kainan," sabi ko sa driver.  "Bago ka lang ba dito, Ne?" tanong ni manong driver.  "Opo, Manong, bago lang po ako rito, galing ho akong probinsya." Sagot ko naman.  "Ah ganoon ba, kung maraming kainan eh sa Guadalupe kita ibababa." Kinabahan ako nang marinig ko ang lugar na 'yon. Naalala ko na naman ang matandang baklang hukluban. "Pero mas maigi kung diyan ka na lamang sa may SM bumaba para mas ligtas ka."  Salamat naman at may iba pang makakainan. Ayoko nang maulit sa akin ang nangyari no'ng nakaraang gabi.  "Sige ho, Manong doon na lang. Mura ho ba ang kainan doon? Nagtitipid po kasi ako eh," nahihiya kong saad. Mukha kasing mahal ang pagkain dito kaya sa Edsa ako nagpapababa. Noon kasing bumiyahe ako may natanaw akong mga turo turo sa daan.  "Oo, sa Jollibee ka na lang kumain o kaya naman ay sa Mcdo, mura ang pagkain doon."  Ibinaba ako ni manong sa may SM. Marami ngang kainan doon at mura nga. Marami rin akong nakitang magagandang bilihan ng damit na mukhang mamahalin. Naglipana ang mga poreynjer. Mahaba pala itong SM. Hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa may lugar na mas maraming magandang kainan. Kaso mukha namang mahal.  Naaliw ako sa paglalakad kaya hindi ko na makita kung nasa SM pa ba ako at nasaan na ang sinasabing Jollibee at Mcdo ni manong drayber.  Napakamot ulo na lang ako at napaupo sa batong mahabang upuan. Bakit pa kasi ako naglakad lakad. Lalo tuloy ako nagutom, kainis! Ang malala ay mukhang naliligaw pa yata ako.  Tumayo ako at nagsimula ulit maghanap ng makakainan hanggang sa may maaninag akong pamilyar na lalaki. Si Nigel 'yon at may kasama siyang matandang lalaking panot na may dalang itim na maliit na maleta. Bakit kaya ang liit no'n? Mukhang brief lang naman ang kasya roon.  Naglakad ako papalapit sa kanya at ayan na naman ang nakakalusaw panty niyang ngiti nang makita ako.  "Miles, what are you doing here? Today is your first day right? Ang aga mo namang lumabas," takang tanong niya.  "Ah, hindi pa. Pinagpamedical muna kasi ako noong hr, bukas pa raw ako magsisimula. Naghahanap ako ng murang makakainan." "Ah. I see. You wait here, babalikan kita." Tinungo niya ang matandang may dalang maliit na itim na maleta at nagpaalam. Mukhang galing sila sa meeting. "So, saan tayo kakain? Sabay na tayo? Hindi pa rin kasi ako nakapaglunch."  Hulog talaga ng langit itong si Nigel sa akin.  "Alam mo ba kung saan iyong Jollibee o kaya Mcdo? Doon daw kasi mura sabi ni Manong driver kanina. Alam mo na, budget meal lang ang kaya ko."  Balak ko kasi talagang ilibre siya ngayon kaya doon lang sa mura. Para naman makabawi ako sa kanya.  "Ganito na lang. I'll bring you to my favorite restaurant, my treat."  Nagpumilit akong tumanggi pero hindi rin naman ako nagwagi. Dinala niya ako sa isang korean restaurant.  Nauna ako sa loob dahil may biglang tumawag kay Nigel sa cellphone at kailangan niyang sagutin 'yon.  "Annyeong Haseyo!" bati ng singkit na maputing babae sa akin. "Table for how many Ma'am?" dagdag niya pa.  "Table for two." Mayabang na sagot ko.  Iginiya niya ako sa may dulong bahagi ng restaurant. Ang kaninang mahinhing awra ng kanyang mukha ay napalitan ng kakaibang ngiti. Parang nagkaroon ng puso iyong mga mata niya. "Yes, Sir? How may I help you? Do you need anything? You can seat beside me-este at the couch." Aba't kerengkeng ito ah!  "No, I'm with her. Thank you." Doon na nagbago ang mukha ng babae. Nagyuko siya ng ulo at nagpaalam na umalis. Ha! Akala niya ha! Ako ang date! "Crush ka noong serbidora," sabi ko kay Nigel.  "Selos ka naman," may panunuksong saad niya. "Sige lang okay lang 'yan, mangarap ka lang," ganting tuya ko.  Syempre magpakipot muna tayo. Huwag agad bibigay.  Umorder siya ng marami. Sa kanya ay yuk ge jang at kimchi. Sa akin ay bibimbap dahil gusto ko ng kanin. Mayroon itong pulang kanin at maraming sahog na nakapaligid sa gilid na may itlog sa ibabaw. Tinuruan niya ako kung paano kumain noon.  Hinalo halo ko lang ito at voila! para na siyang kanin baboy! Sumubo ako at nalasahan kong masarap naman. Akala ko naman kapag mayaman sosyal kumain. Baboy rin pala silang kumain.  Si Nanay kasi ay nagagalit kapag halo halo ang pagkain. Gusto niya ay hiwalay ang ulam sa kanin. Kadiri to death naman kasing tingnan. Lalo na 'tong kinakain ko. Pero hayaan na, walang baboy na pagkain sa taong gutom.  Itinapat niya sa akin ang kimchi dahil masarap daw 'yon. Pero sabi ko ay ayoko dahil busog na ako. Pero ang totoo ay ayoko dahil amoy pa lang, hindi ko na gusto. Amoy utot. Malamang ay lasang utot din iyon.  "Salamat sa tanghalian, Nigel ha. Nakakahiya naman nilibre mo pa ako. Ang dami ko nang utang sa’yo." Dapat kasi ay sa Jollibee na lang talaga kami kumain.  "It's okay, like what I've told you last night, you can pay me in some other way." Kinindatan niya na naman ako.  Hay Nigel, you take my panty's garter away.     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD