Namangha ako sa laki ng mga building dito sa Makati. Hindi siya tulad ng ibang lungsod na puro bus at jeep ang makikita. Ganoon kasi ang nakikita ko sa tv.
Dito ay higit na marami ang taxi at mga nag-gagandahang kotse.
Sinalubong kami ng isang lalaki pagbaba namin ng sasakyan. Ibinigay doon ni Nigel ang kaniyang susi. Hindi ba dapat ay kanya lang ang susi dahil kanya naman 'yong sasakyan?
"Ang swerte naman ni kuya binigay mo na lang sa kanya 'yong kotse mo?"
"Huh? No."
"E, bakit mo binigay 'yong susi ng kotse doon sa lalaki? Baka itakbo niya ang sasakyan mo." Nagaalalang tanong ko.
"Driver 'yon ni Drake, iyong magiging boss mo. Huwag kang mag-alala, he is trusted. Aayusin niya lang ang pagkakapark ng sasakyan ko."
Napatango na lamang ako.
Nawala ang pangamba kahit paano.
Nauna na siyang maglakad pero ako ay naiwan pa ring nakatayo. Nilingon niya ako at kinunutan ng noo. Nagtataka kung bakit hindi pa ako sumusunod.
Naglakad siya pabalik sa kinatatayuan ko.
"What's wrong?"
Hindi ako nakasagot. Umiling ako at biglang umiyak. Ganito ako kapag kinakabahan. Lahat kasi ng nararamdaman ko ngayon ay first time sa akin. Para kasing hindi ako nararapat sa ganitong lugar.
Bigla ko ring namiss si Nanay, si Mikkie at si Morty.
"Pasensya na. Kinakabahan kasi ako. Masyadong maganda itong lugar. Pakiramdam ko ay hindi ako bagay dito. Highschool lang naman ang natapos ko. M-Mgtinda na lang kaya ako sa palengke, meron namang gano'n dito sa Maynila diba? Huwag na siguro rito," mahabang litanya ko.
"Don't say that. Hindi por que galing ka ng province or highschool lang ang natapos mo ay hindi ka na bagay dito. Drake is a great boss. Iyong secretary niya nga ngayon ay dati lang cashier at highschool graduate din katulad mo. She performed well at work kaya siya napromote." Mula sa pagkakatungo sa hiya ay napatingala ako sa sinabi niya. Doon ako nabuhayan ng pag-asa. Kinakabahan pa rin ako pero kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag.
"Salamat, Sir Nigel. Hayaan mo pagbubutihan ko, hindi kita ipapahiya sa kaibigan mo. Tsaka gusto ko rin 'yon, ma-promote."
"I know you can, Miles. So lets go?"
Tumango ako at nagsimula nang maglakad. Nagulat ako nang bigla niyang agawin ang aking kamay. Napakalambot talaga ng kamay niya. Mainit at may kung anong nakakakiliting pakiramdam ang kanyang palad.
Pumasok kami sa isang malaking kahon na kasya ang tao. May pinindot siya na bilog at gumalaw ito pataas. Bigla akong nakaramdam ng hilo kaya napahigpit ang kapit ko sa kanyang kamay.
"Okay ka lang?" bakas sa mukha nito ang pag aalala.
"Oo. Medyo nahilo lang ng konti."
Pinaliwanag naman niya kung nasaan kami. Elevator raw ang tawag doon.
Pinagpapasalamat ko sa Diyos na nakilala ko si Nigel. Kahit na hindi maganda ang sinapit ko sa kamay ng matandang baklang hukluban ay dumating siya para tulungan ako. Tingin ko naman ay bukal sa loob ang pagtulong niya sa akin.
Naisip kong magtanong tanong muna habang hindi pa namin nararating ang opisina ng kaibigan niya.
"Sir Nigel, para ba silang pamilya rito? 'Yong kahit magkakatrabaho sila ay malapit sila?"
"Oo karamihan gano'n. Pero hindi naman maiiwasan sa trabaho ang inggitan at lamangan. Kapag naka encounter ka ng gano'n ay huwag mo na lang pagtuunan ng pansin at doon ka palagi sa tama."
Medyo natakot naman ako roon sa sinabi niya. Sabagay naman ay tama siya. Hindi naman lahat ng tao ay mabait. Iiwas na lang siguro ako sa gulo. Tatandaan ko ang huli niyang sinabi na dapat doon ako palagi sa tama.
Napa wow with feelings na naman ako pagbukas ng elevator. Ang buong floor ay puro salamin. May mga cubicle akong nakikita na may mga empleyadong abala sa kanilang mga ginagawa.
Tumigil kami sa isang pinto na may nakalagay na ceo's office. Sa harap noon ay may babaeng bumati kay Nigel.
"Goodmorning, Sir Nigel. Pahintay lang po ng konti si Sir Drake, parating na rin po 'yon. Pasok na po kayo sa loob." Tingin ko ay secretary iyon ng magiging boss ko. Mukha siyang mabait. Faith ang pangalan niya base sa narinig ko nang magpasalamat si Nigel.
Wala yata talaga akong maipipintas sa lugar na ito. Pati opisina ng boss ko ay maganda. Blue at white ang kulay na nakikita ko. May magagandang painting din.
Magkahawak pa rin kami ng kamay ni Nigel. Nakasunod siya kung saan ako pupunta.
"S-Sir, iyong kamay ko po," nahihiya kong sabi. Masyado niya yatang na-enjoy ang paghawak sa kamay ko. Naku baka isipin niya ay easy to get ako ha.
Conservative kaya ako.
"S-Sorry. Na carried away lang," kamot ulo niyang sabi habang nakangiti. Sana palagi siyang ma-carried away.
Harot!
Bumitaw rin naman siya at halatang nahiya rin.
Ilang sandali lamang ay dumating na ang magiging boss ko. Kinamayan ito ni Nigel at binati.
"What the hell man, you're late. Nauna pa 'yong applicant sa'yo," tatawa-tawang sabi ni Nigel. Binati ko ito at siya naman ay inalok akong umupo.
Doon ako banda sa tapat ng lamesa niya, samantalang si Nigel naman ay nagpaalam na mauuna na.
Napansin ko na gwapo rin itong si Sir Drake. Asul ang kaniyang mga mata, maputi ang kanyang balat at nakakasilaw sa puti ang kanyang mga ngipin.
Hiningi niya ang resume ko at nagsimulang basahin 'yon. Bumalik na naman ang kaninang kaba ko. Mas kinakabahan ako ngayon dahil wala si Nigel sa tabi ko.
"So, you are Aileen Mabaho?" umpisang tanong niya.
Ay teka! Tama ba 'yong narining ko? Mabaho as in majontot, masangsang, imbyerna ang smell?
"Ay Sir, grabe ka sa apelyido ko. Miles Aileen Mabako po. You know mabako, rough road not mabaho," depensa ko. Anong karapatan niyang murder-in ang apelyido ko. Isusumbong ko siya kay PD.
"Oh, sorry." Hinging paumanhin niya. "You will be a merchandiser here. Aayusin mo 'yong mga stocks na nakadisplay sa selling area. Faith will bring you to the hr para sa uniform at requirements mo. Since si Nigel ang nagpasok sa'yo malaki ang expectation ko sa performance mo and I know na hindi mo siya ipapahiya right?" Ang kaninang kaba ko ay napalitan ng sobrang tuwa.
"Naku Sir, salamat po. Sobrang malaking tulong ho ito para sa pamilya ko, pangako po pagbubutihan ko." Kinamayan niya ako at dali dali akong lumabas ng opisina upang kunin ang uniform ko at nang makapagsimula na.