Chapter 2

1094 Words
Agad kong naramdaman ang makirot na mga paa at masakit na katawan kahit na ako ay nakapikit pa. Pagmulat ko ay nasa estrangherong silid na ako. Malambot ang mga unan pati na rin ang kama. Magara ang kabuuan nito. Paniguradong mayaman ang may ari nito.  Teka, bakit puro pink ang nakikita kong kulay? Batang babae siguro ang may-ari nito. Inilibot ko ang aking mga mata para hanapin ang banyo.  Namangha ako sa ganda dahil pati ang inidoro ay pink. Lahat ng gamit panligo ay pink din. Swerte naman ng may-ari ng kwartong ito. Sinamantala ko na ang pink na awra ng banyo kaya naligo na rin ako.  May damit naman akong dala. Buti nga ay hindi ko nilapag 'yon sa club kagabi. Kaya rin pala masakit ang likod ko dahil dala dala ko ang mabigat na bagpack habang tumatakbo.  Peste! Naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Saan na ako nito pupulutin!? Ni pamasahe nga pauwi ay wala ako. Punyemas na Babsy yan, swapang talaga. Kapag nagkita kami ulit ay ibobopis ko talaga siya.  "Ay kabayong lumundag!"  Nagulat ako sa lalaking nabundol ko pagbukas ko ng pinto ng banyo. Nakaramdam agad ako ng kaba. "S-Sorry, Sir. Pasensya na po kung nakigamit ako ng pink na banyo. Tsaka salamat sa pagtulong mo sa akin," sabi ko habang nakayuko pa rin. Natatakot akong tignan siya. Iniisip ko pa lang ang mukha niya na may balbas at puting mga buhok na may masungit na mga mata ay na a-afraid na talaga ako.  "Eyes up, Miss."  Ay? Bakit ang ganda ng boses niya? Boses bata pa.  Unti-unti kong itiningala ang ulo ko at nakita ko ang pinakagwapong nilalang na nakita ko. Ang kaninang nasa imahinasyon ko na matandang mayamang hukluban ay biglang napalis.  Kamaganak ba ito ni Zeus?  "S..sorry po, Sir. Nahihiya po kasi ako kasi nakitulog po ako sa pink na kama na may pink na kumot at unan." Nakakautal ang kakisigan niya, promise.  Bigla naman siyang tumawa. Pati pagtawa gwapo? Hustisya naman!  "You're funny," aniya sa akin. "It's okay, this pink room is owned by the girl whom I love the most second to my mom. So, what's your name?" Ay sad may jowa.  Bawat pagbuka ng bibig niya ay napapatitig ako sa mapupula niyang mga labi. Malalantik ang kanyang pilikmata at palangiti rin. Tunaw na tunaw na si heart heart ko. 'Yung panty ko gusto nang mag walk out.  "Hey, Miss I'm asking your name. You’re spacing out."  Sorry naman, Sir ang yummy mo kasi.  "Ahm. Hehe. Pasensya na Sir, naalala ko lang 'yung nangyari kagabi. Ako po si Aileen, Miles Aileen Mabako. Pero Inday po ang tawag sa akin sa probinsya namin."  "I'm Nigel." Nagulat naman ako nang iniabot niya ang kamay niya sa akin para makipagkamay.  Mahabaging itlog! Ang kamay, malambot pa kesa sa kamay ko. Siguro alagang belo ito. Samantalang 'yung kamay ko alagang karne ng baboy.  Bumaba kami upang makapag almusal. Lahat nang nasa harapan ko na nakahain ay nakakapanlaway. May bacon, itlog, hotdog at pancake. Kaso may kulang, kanin.  Walang kanin.  Kanin is life para sa mga dukhang gaya ko. Kahit wala kaming ulam ay masaya na kami basta maraming kanin.  "Ahm, Sir. Baka may kanin kayo riyan." Hindi ko talaga kaya, sorry. Kailangan ko ng kanin.  Tila naman namangha siya sa tanong ko, agad rin naman itong napalitan ng ngiti.  "'Nay Marlyn, pahingi naman po ng kanin," utos niya sa may edad nang kasambahay. Hay salamat Lord, hindi po siya nagalit sa paghingi ko ng kanin. Pagkalapag ng kanin ay agad ko itong sinunggaban. Hindi ko naman kailangan magpanggap dahil gutom talaga ako. "Pasensya na po, Sir ha, gutom na gutom po kasi ako. Maghapon akong hindi kumain kahapon," hinging pasensya ko habang ngumunguya with feelings. Hindi ko inalintana ang puno kong bibig.  "It's okay. Kumain ka lang nang kumain and don't call me Sir. Nigel na lang."  "Sige, Nigel salamat ulit."  Habang kumakain ay napagusapan namin ang nangyari sa akin kagabi. Kita ko ang awa sa mga mata niya. "Give me the details of your recruiter later, Miles. Those illegal business and people will pay."  Oy ha, siya lang ang tumawag sa akin ng Miles. Natats naman ako roon saka kilig lungs. Mukhang mayaman nga siya talaga. Pero hindi kaya siya Mafia o Yakuza o Abu Sayaff? Pinakatitigan ko siya at kinilatis. Ngunit masyado naman siyang gwapo para maging ganoon. "Naku huwag na, Nigel. Hindi ko naman kaya magbayad ng abogado. Gastos lang iyon." Pero sa totoo lang ay bigla akong ninerbiyos. Mamaya kasi ay bigla na lamang niya akong ipasalvage. Naku hindi pwede iyon. Napakawalang hustisya naman kung mamamatay akong virgin.  "I'm a lawyer myself, Miles. I'm Attorney Nigel Revamonte." Naibuga ko ang kanin sa bibig ko sa sinabi niyang iyon. Si Nigel Revamonte ang pinakamagaling na abogado sa Pilipinas. Natatandaan ko pa ang anak ng Mayor namin na may kasong pagpatay, hindi ito tinulungan ng abogado dahil sinadya niya ang krimen. Sa mga argabyado lamang siya pumapanig. Hindi ko naman naisip na ganito kasarap, este kabata ang tanyag na abogado. Siguro ay edad trenta pa lamang ito. Binigyan niya ako ng tubig upang mawala ang samid.  "Salamat, Nigel. Pero baka singilin mo ako ng mahal ha. Wala akong pambayad, wala nga akong pamasahe pauwi." Pero kung para maging girlfriend mo ang bayad e, okay lang naman.  Chos. "You can pay me in some other way, Miles." Kumindat pa siya sa akin.  Hoy panty relax. Wag ka magwalkout, mahiya ka hindi ka pa naman so-en.  Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi niyang iyon. Ngunit aminado akong kinikilig ang bawat ugat ng katawan ko sa inakto niya. May pakindat kindat pa.  Huwag kang pa fall attorney ha.  "I-Ikaw ang bahala. Pero hayaan mo, babayaran kita pa unti unti kapag nakahanap na ako ng trabaho. Pero pautangin mo muna ako ha, wala akong pera e," sabi ko na hindi iniisip kung ano man ang magiging reaksyon niya. Gusto ko lang maging tapat. E, sa wala naman talaga akong pera.  "I can help you with that work thing. My best friend own a supermarket. You can work there, if that's okay with you. Kumpleto naman kasi sa ngayon ang mga staff ko kaya wala akong mai-o-offer sayo."  Totoo ba ito? Magkaka trabaho ako? Agad agad?  Hay salamat po, Diyos ko!  "Talaga!? Salamat, Nigel. Hulog ka ng langit. Maraming salamat talaga." Hindi ko na napigilan na yakapin at halikan siya sa pisngi. Ngunit huli na nang napagtanto kong ginawa ko na pala iyon. Nahiya naman ako bigla at humingi rin agad tawad.  "S-Sorry. Na carried away lang."     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD