Chapter 1

1398 Words
Hindi naging madali sa akin ang pagpapaalam at pagpapaintindi sa aking mga kapatid na kailangan kong magpa Maynila upang magtrabaho.  Hindi biro ang trenta mil, kahit anong kayod ko rito sa probinsya ay hindi ko kikitain 'yon. Maliit lang naman ang kinikita ko sa pagtitinda ng karne. Sa mga rtw naman ay palagi akong lugi. Kinausap ko na rin naman si Nanay at wala naman siyang nagawa kundi ang umiyak. Alam kong mahirap ito para sa kanya. "Mikkie, si Nanay alagaan mo ha. Salitan kayo ni Morty. Sa umaga ay si Morty at sa hapon ay ikaw pagkauwi niyo galing school." Bilin ko sa mga kapatid ko na lumuluha. Niyakap ko silang dalawa at naluha na rin. Kung sana ay nandito ang aking ama ay hindi ako ang umaako ng lahat.  Halos isang buong araw ang guguguling byahe namin mula Bicol pa Maynila. Kasama ko si Aling Bassy sa bus ngunit hanggang sa susunod na bayan lamang ito. Ibinigay lang niya sa akin ang address ng restaurant sa Maynila.  "Aileen gusto mo ba?" alok niya sa akin ng chicharon. Tinanggap ko ito at agad na kumagat ng isa dahil hindi rin ako nakapag almusal. "Ito oh, sa'yo na lang lahat, diet kasi ako." Ang yabang-yabang pa nang pagkakasabi niya. Pakiramdam ko ay may pumasok na maliit na parte ng chicharon sa ilong ko nang marinig ko ang sinabi niyang iyon. Agad naman akong uminom ng tubig para mawala ang samid.  "Salamat po, Aling Babsy este Bassy, buti naisipan niyong magdiet?"  "Anong sabi mo?!" tanong niya na nakataas ang naka drawing niyang kilay.  "Ah.. Hehe, wala ho. Sabi ko ho thank you." Buti na lang ay hindi na siya nagsalita pa.  Labing anim na oras din ang itinagal ng biyahe. Lahat yata ng usok ay nalanghap ko na pagkamulat pa lang ng aking mga mata. Ramdam ko rin ang panlalagkit ng katawan. Hindi naman kasi aircon ang bus na nasakyan ko. Pakiramdam ko nga ay nagusot ang mukha ko dahil napaspas ito ng matagal ng hangin habang bumibyahe. Mas mura kasi kung ordinary bus lang. Kaya ito, nanggigitata ang itsura ko nang bumaba ng sasakyan.  Nagpalinga linga ako at naghanap ulit ng bus na may karatulang Guadalupe. Hindi naman ako nahirapan dahil halos yata lahat ng bus na dumadaan ay may ganitong nakalagay. Nagbilin na lang ako sa kundoktor na ibaba ako kung Guadalupe na.  Habang tumatagal ang biyahe ay lalo ring sumisikip ang bus. Kada tigil kasi ng sasakyan ay may bagong pasaherong sumasakay. May naka pang opisina, naka maikling damit. Iba-iba ang kanilang suot. Depende siguro sa kung ano ang kanilang propesyon.  Sana ay makapagsuot rin ako ng ganoon. Nagulat ako nang may babaeng nagmura dahil nahipuan raw siya. Hindi siya pinansin nang ibang pasahero. Nakakaawa dahil medyo naluluha ito. Ganito ba talaga sa siyudad? Walang pakialam kahit may nababastos na?  "O, Guadalupe na, Guadalupe!" sigaw ng kundoktor kaya bumaba na ako.  Konting lakad lang ay narating ko na ang restaurant na sinasabi ni Aling Babsy. Pasado alas diyes na ng gabi. Nagkunot noo ako nang mapansing hindi ito basta restaurant, isa itong club.  Alam ko ang ganitong lugar dahil minsan na akong naisama ni Nonito sa club nang dinalaw niya ang kapatid niyang si Nora. Pinanlamigan ako ng katawan nang maalala kung ano ang trabaho ni Nora. Isa itong bayarang babae. Nagbebenta ng aliw.  Sana naman ay mali ang iniisip ko. Pero sabi naman ni Aling Babsy ay waitress ako diba? Magkaiba naman ang ginagawa no'n? Baka serbidora lamang ako talaga.  Agad kong pinalis ang masamang naiisip. Pumasok pa rin ako dahil hindi ko naman malalaman kung ano talaga ang magiging trabaho ko kung hindi ako magtatanong.  "Miss, nandiyan po ba si Mamu Loira?" tanong ko sa babaeng mukhang clown dahil sa kapal ng makeup sa mukha niya.  Sexy ito at malaki ang hinaharap. Kung nagsasalita lamang ang mga iyon ay alam kong magmumura iyon kapag nakawala dahil halatang hindi sila makahinga sa loob nang masikip at hapit na damit.  Tinignan muna niya ako mula ulo hanggang paa bago nagsalita. "Ikaw ba si Aileen?"  "Opo ako nga," sagot ko sabay ngiti. "Sumunod ka sa akin."  Iginiya niya ako sa bandang likod ng club. Nakita ko roon ang maraming babae na kani-kaniyang nag aayos ng mukha nila. Nilalagyan nila ito ng makukulay na kolorete.  May sumalubong sa amin na matandang huklubang bakla. Naka heels siya na mataas at parang butitilyo sa laki ang tiyan. Nakasuot rin siya ng dress na hapit at kitang kita na bakat iyong bird niya. Napangiwi ako.  "My God your so beautiful! Siguradong maraming parokyano ang pag aagawan ka." Bumeso siya sa akin at pinaikot ako na parang kinikilatis. Mukhang tuwang-tuwa siya sa kagandahan ko. Ngunit tama ba ang narinig ko? Parokyano? "A-Ano hong ibig niyong sabihin na parokyano? Ang alam ko ho ay waitress ako?" litong tanong ko. Nakita ko naman ang biglang pagbabago ng mood niya.  "'Yon ba ang sinabi ng balyenang 'yon sayo?" sigurado akong ang tinutukoy niya ay si Aling Bassy. Alangan naman ako, excuse me. I'm sexy and I know it. "For your information hindi ka waitress dito. GRO ka, hindi waitress." Binigyang diin niya talaga iyong salitang "waitress."  "Ang sabi ni Bassy ay pumayag ka na kaya wala ng bawian. Malaki ang binayad ko sa kanya ano." Ngayon ay unti unti nang lumabas ang tunay na kulay ng baklang hukluban. Nakataas na ang kilay nito at matatalim na ang titig sa akin. Para siyang iyong kalaban ni Princess Ariel kapag nagagalit. "Kung ano man ho ang pinagkasunduan niyo ay hindi ko alam 'yon. Ang sabi niya sa akin ay waitress ang magiging trabaho ko." Hindi ko na napigilang magtaas ng boses.  Iyon kasi ang sabi ni Nanay. Huwag akong papa argabyado. Dapat marunong akong lumaban lalo na kung puri ko ang pinaguusapan dito.  "Huwag ka na ngang umarte, wala ka na rin namang choice. I'm sure wala kang matutuluyan kaya magtiyaga ka na lang," masungit niyang sabi. Nagpakembot kembot pa ang pwet nito habang naglalakad papunta roon sa mga babaeng naglalagay ng kulay sa mukha.  Hah! Over my dead and gorgeous body. Tatalikod na sana ako at aalis ngunit pinigilan ako ng isa sa mga bouncer.  "Huwag ka nang tumakas," sabi ng nakaitim na lalaking ngingisi ngisi. Bigla akong napa-paypay sa aking ilong. Gusto kong bumahing dahil medyo na-absorb ko yata lahat ang nananapok na hininga niya.  Naloko na. Anong gagawin ko nito, nacorner na nila ako.  Light bulb. "Diyos ko, mga pulis raid yata 'yan!" sinadya kong sumigaw dahilan para magkagulo ang mga tao tapos ay dali dali akong tumakbo palabas.  "Hoy bumalik ka rito! Tarantada ka! Jojo, habulin mo!" Iyong baklang butanding ang sumigaw. Hapong hapo na ako dahil sa pagtakbo. Hindi ko alam kung ano bang eskinita na itong napasok ko. Hindi ko naman kasalanan na nagoyo pala ako ng baboy na iyon. Ganito yata talaga kapag naghihikahos sa buhay, madaling maloko. Hindi ko na naisip pa na maraming mapagsamantalang tao ngayon. Napakawalang hiya niya. Diyos na ang bahala sa kanya. Sana ay may matador na mang-hunting sa kanya at hilapin ang kanyang mga taba.  Sugat sugat na ang mga paa ko. Hinubad ko ang aking mumurahing doll shoes dahil nasira na ito sa walang humpay kong pagtakbo.  Tatakbo ako hanggat kaya ko. Kesa naman maging alipin ng mga lalaking hayok sa laman. Hindi kaya ng sikmura ko na madikitan man lang ni dulo ng balahibo ko sa mga balat nila.  Nagdadasal ako habang tumatakbo. Iyon na lang ang tanging paraan para makaligtas ako. Sabi ni Nanay ay palagi siyang nakikinig, palagi niya akong maririnig. Kahit saan, kahit kailan at kahit ano ang nangyayari ay nandiyan lang siya. At naniniwala ako roon. Ngunit nanghihina na ako, hindi ko na yata kaya.  Diyos ko kayo na po ang bahala.  Ang kaninang mabilis na pagtakbo ay biglang bumagal hanggang sa madapa na ako. Takbo, lakad, takbo, lakad at sumuko na talaga ang mga tuhod ko. Lumingon ako ng bahagya at nakita kong hinahabol pa rin ako ng bouncer na may nakakamatay na hininga.  Nabuhayan ako ng pagasa nang may makita akong paparating na sasakyan. Agad akong humarang dahilan ng pagtigil nito.  "What the hell Miss!? Are you trying to kill yourself!?" sabi ng baritonong boses ng lalaking lumabas sa sasakyan. Napatingala ako mula sa pagkakaluhod.  "Tulungan niyo po ako, hinahabol nila ako...tu..." kasabay ng pag-alpas ng aking luha ay purong dilim na lang ang nakita ko.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD