CHAPTER FOUR

1393 Words
MARIBEL Naabutan ko si Jefferson na hinihilot niya ang kanyang sentido na parang stress habang may hawak na papel. Pinuntahan ko siya dito sa kanyang opisina dahil dinalhan ko siya ng lunch at para sabay na rin kaming kumain. Ngunit naabutan ko siya na tila problemado. Nilapitan ko siya at kaagad na niyakap ko ang aking kamay sa kanyang leeg. "Hubby what's the problem? You are stressing yourself. What is that?" May pag-alala na tanong ko sa kanya. "Wife!" Mahinang boses niya at hinawakan ang aking kamay at dinala sa kanyang bibig upang halikan. Umikot ako sa kanyang harapan at kumandong sa kanyang mga hita. "Ano ba ang hawak mo na papel na 'yan? Bakit parang sobra kang stress hubby?" Mahinahon ko'ng tanong sabay kuha ng papel sa kanyang kamay. "I have problem in my company in U.S. I want to fix it Wife. I'm sorry if I can't go with you in Masbate. I'm sorry Wife." Malungkot na boses ni Jefferson. Hinaplos ko naman siya sa kanyang mukha at hinalikan sa labi. "Gusto mo samahan kita? Pwedi naman pagkadating natin galing U.S saka na tayo pupunta ng Masbate." Malambing king sabi. "Dalawang buwan ako manatili sa U.S Wife. Gusto ko man na sumama ka. Pero paano ang trabaho mo? Saka baka magtampo ang mga magulang mo kapag hindi ka dumating. Kaya kailangan mo'ng pumunta Wife. Saka hindi mo ba na-miss ang kapatid mo?" Malumanay na tanong ni Jefferson. "Are you sure na ikaw lang mag-isa? Isasama mo ba ang secretary mo?" Tanong ko sa kanya. Dahil unang beses na siya ang pupunta. Dati naman kapag may ganitong problema hinahayaan niya lang sa kanyang secretary. Maasahan naman si George kaya malaki ang tiwala namin ni Jefferson sa kanya. Naisip ko na baka malaki ang problema ng kanyang oil company sa U.S. "Yeah, Wife. Isasama ko siya. Parang hindi lang kasi ito maliit na bagay. Pakiramdam namin may sumabotahe kaya sumabog ang isa sa oil factory namin. Kaya kailangan bukas na, kami kaagad tumungo ng U.S." Problemado niyang sabi. Kaya hinaplos ko siya ulit sa kanyang mukha at niyaya na siyang kumain. "Huwag mo na ako'ng isipin Wife. Basta mag enjoy ka, kasama ang pamilya mo. Sending my regards to you're family and also to you're future brother in law. Babawi nalang ako kapag maayos ko na ang problema ko sa aking kompanya." Turan ni Jefferson habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain. Super blessed ko talaga sa kanya dahil kahit may kina kaharap siyang problema. Ako pa rin ang inaalala niya. "Don't worry about me Hubby. Ikaw dapat ang alalahanin ko. Baka sobra ka'ng magpapagod at kalimutan mo na ang sarili mo. Huwag magpagutom at magpahinga. Palagi akong tatawag kay George upang alamin ang pinagagawa mo. Hubby sinasabi ko sa'yo, magagalit talaga ako kapag pinabayaan mo ang sarili mo at unahin ang trabaho." Pagbabanta ko sa kanya. Pinisil niya ang aking ilong at ngumiti. "Don't worry about me too Wife. I will be fine. Ano ba ang gusto mo'ng pasalubong?" Aniya. "Umuwi ka lang ng ligtas Jeff. Happy na ako. Basta mag-ingat ka. Saka baka isa o dalawang araw lang naman ako sa Masbate. Ako muna ang titingin dito sa kompanya mo." Ani ko sa kanya. "Good idea wife. Saka pwedi naman yata ang future brother in law mo. Nalaman ko kay Mommy na mahilig din daw siya sa negosyo. May negosyo daw din siya sa kanilang lugar. Kaya baka pwedi mo siyang dalhin dito habang wala ako." Aniya. Pero parang may kung anong kaba bigla sa aking dibdib sa sinabi ni Jefferson. Hindi pa kasi namin nakita ng personal ang fiance ng kapatid ko. Sinabi lang ni Mommy na Luke ang kanyang pangalan. Wala naman akong interest na malaman pa dahil may tiwala naman ako kay Steff na mapagkatiwalaan ang kanyang magiging asawa. Isang taon lang ang tanda sa akin ni Steff at sabay kaming nag-aral bilang Doktor. Ayaw niya na tawagin ko siyang Ate kaya nasanay na ako sa Steff. Nawala lang ang communication namin n'ong kailangan ko muna kalimutan ang aking nakaraan. Kapag kasi makausap ko siya lahat ng latest i-kwento niya sa akin. Kaya sinabi ko na kapag handa na muli ako'ng harapin ang lahat. Saka na kami ulit mag-usap. Siguro ito na ang tamang panahon upang umpisahan ko na talaga kalimutan ang masakit sa aking nakaraan. Tama na siguro ang limang taon na pagkulong ko sa aking sarili. "Wife! are you okay? Untag sa akin ni Jefferson. Napa lalim pala ang aking iniisip. "Kung ayaw mo ay okay, lang naman. Gusto ko lang naman na maging malapit ka ulit sa kapatid mo at sa ibang tao. Baka kailangan mo nang makasama ng matagal ang pamilya mo." Malumanay na sabi ni Jefferson. "Thank you so much Hubby. Sa lahat-lahat, sana dumating ang araw na buo na talaga ako para makabawi sa'yo. Kapag bumalik ka, ibigay ko na sa'yo ang buo ang puso ko. Kaya mag-ingat ka. Hihintayin kita dito. Maybe it's time to forget all my past. At harapin ang bagong buhay ko kasama ka. Tama na siguro ang limang taon na paghihintay mo sa akin." Nakangiti kong sabi sa kanya. Tumayo siya kaagad at lumapit sa akin. Kaagad niya akong siniil ng halik at kaagad naman akong tumugon. Binuhat niya ako papunta sa mahabang sofa dito na kanyang opisina. Kahit hindi pa namin natapos ang aming pagkain. Ngunit heto kami parang sabik na sabik sa isa't-isa. Handa na sana akong ibigay ang aking p********e kay Jefferson ng biglang may kumatok sa pinto. Hindi na sana namin papansinin ngunit panay ang katok nito. Kaya kahit naiinis si Jefferson tumigil siya sa paghalik sa akin at inalalayan akong makabangon. Inayos niya ang nagusot kong buhok at damit. Ganun din ang ginawa ko sa kanya. Pagkatapos pumunta na siya sa pinto upang pagbuksan kung sino ang kumakatok. "I'm sorry sir, kung nadisturbo ko kayo. Kaso nakatanggap ako ng email galing U.S marami na ang nagpo protesta sa nangyari. Kaya kailangan na yata natin ngayon umalis. Nakahanda na ang private plane mo kung gusto mo ng umalis. Naisip ko kasi na kapag bukas pa tayo aalis baka mas lalong magkagulo." Paliwanag ni George. Kaya humarap si Jefferson sa akin na parang nag-alala. Lumapit ako sa kanya at pinulupot ko ang aking kamay sa kanyang baywang. "Mag-ingat ka! Maghintay ako dito Hubby, ma-miss kita." Ani ko sabay halik sa kanyang labi. "I'm sorry Wife. Pero kailangan ko na talagang umalis. I will gonna miss you wife. I love you!" Nakangiti niyang sabi. Alam ko na pilit niya lang ngumiti para hindi na ako malungkot at mag-alala pa sa kanya. Kaya para maiwayang kanyang alalahanin. Hinaplos ko sa sa kanyang pisnge at ngumiti. "I love you too Hubby. Maghihintay ako dito." Malambing ko'ng Sabi. Totoo na mahal ko na siya. Kahit may puwang pa si William sa puso ko . Pero nakaramdam na ako ng pagmamahal para kay Jefferson. "Just wait me in the Rooftop." Turan nito kay George. tumango naman si George at nagpaalam. Pagkasara ng pinto. Kaagad niya akong niyakap ng mahigpit. "Really you love me too, Wife?" Tanong niya sa akin na may matamis na ngiti sa kanyang labi at bigla nalang siyang umiyak. "I love you Hubby." Sagot ko sa kanya. Habang pinapahiran ang kanyang luha. Kaagad niya akong siniil ng halik sa labi habang may naramdaman ako na may basang likido na tumulo sa aking mukha. Kaya pinahiran ko ulit at hinaplos ang kanyang mukha. "I love you so much Wife. I'm so, so happy right now. Parang ayaw ko'ng umalis. Pero hindi pwedi, I gonna miss you wife." Aniya at siniil muli ako ng halik sa labi. Ilang minuto pa kami naghalikan bago kami tumigil. Dahil kailangan niya ng umalis. "Ingat Hubby. Promise to call me when you arrive safe in US." Malambing kong sabi. "Promise Wife. Para sa'yo mag-iingat ako. Mag-ingat ka din sa byahe mo bukas. Update me everyday okay?" Tumango ako at naglapat muli ang aming mga labi. Magkahawak kamay kami na pumunta sa rooftop. Gusto ko siyang ihatid bago umuwi din sa aming condo para mag-ayos din ng aking mga gamit. "Bye, Wife! I love you." Aniya habang nakangiti. "Bye! Hubby. I love you too. Keep safe." Ani ko. Mahigpit muna kaming nagyakapan sa isa't-isa at naghalikan bago siya tuluyan umakyat sa eroplano. Kumaway kaway pa ako ng nag-umpisa ng lumipad ang sinasakyan niyang eroplano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD