CHAPTER SEVEN

1091 Words
WILLIAM LUKE "Babe may problema ka ba? Bakit hindi mo magawang kainin ang pagkain mo. At parang ang lalim ng iniisip mo. Ayaw mo ba'ng sumama sa Manila? Susunod naman ako. Kawawa naman kasi si Maribel. Mag-isa lang siya sa kanyang condo. Two months pa bago bumalik si Jefferson." May pag-alala na sabi ni Steff. Bumuntong hininga ako saka tumingin sa kanya ng seryuso. "Steff, kung sakaling darating ang panahon na maghiwalay tayo, matanggap mo ba? Kung sakaling hindi talaga tayo para sa isa't-isa, matanggap mo ba?" Deritsahang tanong ko kay Steff. Binitawan niya niya ang hawak niyang kutsara at seryuso na tumingin sa akin. "What do you mean Luke? Na pi- pressure ka ba dahil nagmamadali ako? Hindi mo ba talaga makalimutan ang ex mo? Kung nabilisan ka sa pagpakasal sa akin. Pwedi naman natin i-cancell muna. Maghihintay ako kung kailan ka na handa." Naluluha na sambit ni Maribel. "Babe, I'm just asking. Kung sakali lang naman. Hindi ko naman sinabi na maghiwalay tayo. I'm sorry kung na itanong ko. Huwag mo ng isipin ang sinabi ko. Say ah!" Ani ko. At sinubukan siya ng tinapay. Pinahiran ko rin ang kanyang luha. Sa totoo lang hindi ako makapag-isip ng maayos simula n'ong dumating si Maribel at na confirm ko na siya nga talaga si Maribel na minahal ko. Tanging ang nasa loob ng isipan ko ay mahalikan at mayakap siya. Gusto ko'ng ipadama sa kanya kung gaano ko siya ka miss at ka mahal. Pero naguguluhan ako tungkol sa amin ni Steff. Gusto ko nang sabihin na si Maribel ang babaeng mahal ko. Ngunit naawa ako kay Steff dahil mabait at mahal niya ako. N'ong hindi ko nakita si Maribel. Naisipan ko na umpisahan na siyang kalimutan at ituon nalang kay Steff. Kaya nga niyaya ko siyang magpakasal. Ngunit biglang nag iba ang takbo ng aking plano. Dahil sa babaeng kagabi pa tumatakbo sa isip at puso ko. Ibang-iba na siya ngayon sa nakilala ko nuon na Maribel. Ngayon pansin ko na puno ng lungkot ang kanyang mga mata. Nasa likod ng pagiging matapang na pinakita niya sa akin. Sa loob parang may mabigat na problema na dinadala. Sa oras na magkasama kami sa Manila gagawin ko ang lahat makabawi sa kanya. Pilitin ko na maging professional nalang sa kanya..Kahit masakit at mahirap na may pareho na kaming tungkulin. Kakayanin ko na pakisamahan siya bilang isang kaibigan. Kailangan ko lang siyang tulungan na ibalik kung ano siya nuon. "Babe, okay lang ba sa'yo na samahan si Maribel sa Manila? Promise after two days susunod ako. Kailangan ko lang asikasuhin ang para sa kasal natin. Pagkatapos susunod ako kaagad." Malambing na wika ni Steff. Maaga siyang dumating kanina. Maaga din ako'ng nagising upang magluto ng almusal. Habang nagluluto ako may yumakap sa aking likuran. Si Steff lala na kararating lang. Kaya heto kami ngayon nag-umpisa ng kumain. Panay nga ang tingin ko sa pinto ng kusina kung papasok ba si Maribel pero hanggang ngayon wala pa rin siya. "Yeah! Babe. Nakiusap naman si Jefferson kaya okay lang babe. Ikaw sigurado ka ba na ikaw lang mag-isa bumyahe papunta ng Manila? Okay lang na sumama ako sa kapatid mo? Baka matakot siya o ma-ilang sa akin. Diba sinabi mo na hindi siya sanay makisama sa ibang tao?" Kunwari na tanong ko kay Steff. "Saka kamusta ang pagkikita niyo ng mga kaibigan mo babe? Nag enjoy ba kayo?" Tanong ko ulit sa kanya. "Salamat babe, yes! Super nag enjoy kami babe. Kami lang at wala din silang mga kasamang jowa at asawa. Dahil gusto namin sulitin na kami lamang na magkaibigan. Hindi bale babe nag-usap kami na, sa susunod na magkita kami. Isasama na namin ang mga boyfriend namin para magkakilala din kayo. Ikaw kamusta ka dito kagabi habang wala ako?" Balik tanong niya sa akin. "I'm good babe! Maaga ako'ng nakatulog pagkatapos namin kumain ng mga magulang mo. Si Maribel sinabi ni Tita na hindi na raw kakain ng hapunan kaya hinyaan nalang namin. Baka napagod sa byahe." Masiglang sagot ko kay Steff. "Alam mo babe, simula n'ong may nangyari sa ex boyfriend niya. Nagka ganyan siya. Ibang-iba siya nuon kaysa ngayon. Kahit nag trabaho pa rin siya bilang Doktor. Ang sabi ni Jefferson tanging ospital lamang siya. Pagkatapos ng kanyang trabaho uuwi kaagad sa kanilang condo at magkukulong sa kanyang kwarto. Kaya nagpasalamat kami kay Jefferson na hindi niya sinukuan si Maribel. Apat na taon na sila ngunit wala pa silang anak. Kaya bilib ako kay Jefferson na kuntinto nalang siya kung ano ang kayang ibigay ni Maribel. Alam ko na mahal ni Jefferson si Maribel. Pero pansin ko si Maribel parang mas mahal niya pa ang ex niya." Pag kwento ni Steff. Napa inum ako ng tubig ng wala sa oras sa kanyang sinabi. Napaisip ako na baka mahal pa rin ako hanggang ngayon ni Maribel. Katulad ko, mahal na mahal ko pa rin siya. Pero ang hirap ng sitwasyon naming dalawa. "Babe sa tingin mo, hindi siya matatakot sa akin kapag dalawa lang kami sa condo? Baka bumalik ang takot niya at makasama sa kalusugan niya?" Tanong ko ulit kay Steff gusto ko malaman kung ano ang pinagdaan ni Maribel n'ong nagkalayo kami sa isa't-isa. Para kasi walang balak si Maribel na mag kwento sa akin. Kaya gusto ko'ng malaman kung ano ang totoong nangyari sa kanya. "Okay i-kwento ko sa'yo ang lahat kapag makatapos tayo ng pagkain. Medyo masilan kasi ang kwento sa akin nuon ni Maribel." Aniya. Kaya tinapos na namin ang pagkain ng almusal. Nasanay kasi kaming dalawa sa Mindanao na kumakain ng almusal. Hindi ko alam ko'ng si Maribel ganun pa din. N'ong nagsama kami nuon, naghahanap din siya ng kanin sa umaga. Pagkatapos namin kumain niligpit ko na ang pinagkainan namin at hinugasan. Pagkatapos magkahawak kamay kami ni Steff na naglakad papunta sa sala. Ngunit nakita namin si Maribel na bumababa sa hagdan. Bagong ligo siya at may kausap sa cellphone. "Okay, hubby. Take care! Papunta na ako ng kusina. Opo boss! Ikaw din. I love you and I miss you too, Hubby." Narinig kong sabi niya sa kausap niya sa cellphone. Pagtingin ko sa kanya nagtama ang aming mga mata. Mabilis siyang umiwas at kumaway siya ay Steff. "Good morning sis!" Bati sa kanya ni Steff. Pilit siyang ngumiti at binaba muna ang kanyang cellphone. "Good morning too sis! Good morning Luke." Bati niya sa amin ni Steff. At sumenyas siya kay Steff na may kausap siya sa kanyang cellphone. Kaya nag thumbs up nalang si Steff at dumiretso na kami sa sala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD