CHAPTER NINE

1426 Words
MARIBEL "I'm really sorry sis sa ginawa o sinabi ko kagabi. Na sobrahan lang yata ako ng inum kaya na lasing ako. I'm sorry sis. Huwag mo ng isipin ang mga pinagsasabi ko." Turan ni Steff nang magkita kami dito sa kusina. Maaga akong nagising dahil ngayon na ako babalik sa Manila. Hindi din ako makatulog kahit naka inum din ako kagabi. Dahil sa pag-iisip kung ano ang mangyari sa pagsasama namin ni William sa Manila. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan. Ngumiti ako kay Steff at hinawakan siya sa kanyang kamay. "I understand sis. Alam ko naman na lasing ka lang ka gabi. Bakit ba kasi ginawa mo'ng tubig ang wine. Halos ikaw na ang naka ubos ng isang bote." Natatawa ko'ng sabi. Napakamot naman ito sa kanyang ulo. "I'm so happy lang na nagkasama tayo. Sayang nga eh! Hindi ako maka sunod sa inyo." Naka nguso niyang sabi. Kaya napa kunot ang aking noo sa kanyang sinabi. "What do you mean?" May pagtataka kong tanong. "Kaya nga, nagising din ako ng maaga. Dahil tinawagan ako ng Mommy ng pasyente ko sa Mindanao. Nagwawala ang anak nila dahil ako ang hinahanap. Ayaw magpa tingin sa ibang Doktor o nurse. Kaya tinawagan ako ng Mommy ng bata. Nakikiusap na puntahan ko ang anak nila. Kaya kailangan ko ngayon bumalik sa Mindanao." Aniya. "Sis isama mo na si Luke, mas kailangan ka niya. Okay lang na mag-isa akong babalik ng Manila. Sasabihin ko nalang kay Jefferson na ako nalang muna ang bahala sa kanyang opisina. Mas kailangan ka ni Luke ngayon." Ani ko, ngunit umiling lamang siya. "I'm okay sis. Mas kailangan si Luke sa opisina ni Jefferson. Alam ko'ng mahirapan ka. Kaya isama mo na si Luke sa Manila. Kapag maging okay na ang pasyente ko. Duon ako di-diretso sa Manila. Kawawa kasi ang bata. Sa akin lang yun lumalapit kaya hindi ako mapakali kapag hindi ko siya mapuntahan. "Paano ang kasal niyo ni Luke? Sino ang mag-asikaso? "Mabuti siguro na i-cancell muna namin sis. I know kahit hindi sabihin ni Luke. Hindi pa siya ready. Alam ko na kahit limang taon na silang naghiwalay at hindi nagkita ng kanyang ex. Mahal niya pa rin ito. Baka kung ipilit ko ang aking sarili na magpa kasal sa kanya. Parehas lang din kami na masaktan at mahirapan. Lalo na ako dahil mahal ko talaga siya. Kaya mas mabuti nalang siguro na i-cancell at magkalayo kami. Para duon namin maisip kung mahal nga ba namin ang isa't-isa." Malungkot na sabi ni Steff. Kaya nilapitan ko siya at niyakap. "Mahal kita Steff and I'm sorry!" Ani ko. "Bakit ka nag sorry sis? Tungkol ba kay Luke na sasamahan ka niya? Hindi ba, na sinabi ko na sa'yo na okay lang sa akin. Mas kailangan mo si Luke sa opisina ni Jefferson kaya huwag ka'ng mag sorry." Magiliw niyang sabi. Humigpit din ang yakap niya sa akin. "I'm sorry, dahil baka ako ang dahilan kung hindi ka lubusan na mahal ni William." Lihim kung pag hingi ng sorry sa kanya. "Paano, mauna na ako. Ngayon na ang flight ko. Kayo mamaya pa naman ng hapon. Kaya ako ang mauna sa inyo ni Luke. Nakapag paalam na rin ako Kay Mommy at Daddy" Masiglang sabi nito. Kaya pala naka bihis at bagong ligo na siya dahil aalis na pala siya ngayon. "Ihahatid na kita. Na-miss ko din ang sasakyan ko. Kaya gusto ko'ng ipag drive kita." Magiliw ko'ng Sabi. Mamaya na ako maligo pagkatapos ko siyang ihatid. "Let's go babe! Ihatid na kita sa airport." Sambit ni William sa aming likuran. "Babe, sasama si Maribel. Kaya tara na sis." Yaya sa akin ni Steff. Parang gusto ko nalang bumuka ang lupa para tangayin ako. Kung alam ko lang na ihahatid lala siya ni William, hindi na sana ako nag offer. "A-E, sis . Si Luke nalang pala. May gagawin pa ako. Ayusin ko pa ang mga gamit ko. Baka may pag-usapan pa kayo ni Luke." Ani ko ko. Shutik talaga, bakit nakalimutan ko na nandito lala si William? Bakit ba hindi ko naisip na ihahatid niya si Steff sa airport? "Mamayang hapon pa ang flight niyo sis. It's only seven am in the morning kaya may oras ka pa mamaya. Kaya let's go na. Para pagbalik ni Luke may kasama siya." Saad ni Steff at hinawakan ako sa aking kamay. Kaya wala na akong nagawa kundi sumama. Pagdating namin sa sasakyan, binuksan si Luke sa front seat si Steff pagkatapos binuksan niya din ang backseat para sa akin. Kaya kime aking ngumiti at nagpasalamat. Pagkatapos niya ilagay ang gamit ni Steff sa trunk ng sasakyan kaagad naman siyang pumasok at umupo sa driver seat. "Luke alagaan mo ang kapatid ko huh! Saka ikaw na muna ang magluto sa kanyang pagkain. Alam mo ba na Reyna siya ni Jefferson kaya hindi siya pwedi pabayaan." Turan ni Steff habang nasa kalagitnaan na kami ng byahe. "Sis, anong pinagsasabi mo? Parang may hang over ka pa yata. Parang ginawa mo namang boy ko si Luke. Nakahihiya na nga na sa akin pa siya sumama. Sa halip sa sa'yo. Okay lang na sa opisina siya ni Jefferson. Kaya ko naman ang sarili ko." Sambit ko at biglang namula ang aking buong mukha. "It's okay, Maribel. Kahit gawin mo pa akong alila. Hindi ako magreklamo. Alagaan kita habang wala si Jefferson." Nakangiti na sabi ni William habang nakatingin sa akin sa salamin ng sasakyan. "Narinig mo yun sis. Kaya nga mahal na mahal ko eh. Gwapo na, mabait pa at higit sa lahat gentle man. Kaya huwag ka ng magreklamo sis. Masarap mag luto si Luke katulad din si Jefferson. Pero mas masarap talaga si Luke mag luto." Masayang turan ni Steff at sumandal sa balikat ni William. "Ipapatikim ko sa kanya babe ang hindi niya pa natikman kay Jefferson. Kaya huwag kang mag-alala babe. Alagaan at ingatan ko ang kapatid mo." Wika ni William na parang may ibig sabihin. "Salamat sis, Luke." Tanging nasabi ko. Gusto ko'ng kutusan si William sa kanyang mga pinagsasabi. Kinakabahan ako na baka makahalata si Steff. "You're welcome sis. Basta pangako mo lang. Kapag may makita o malaman ka na may uma-aligid na babae kay Luke. Awayin mo at sabihin mo'ng may fiance na siya. Saka sabihin mo sa akin." Pagbibiro ni Steff at yumakap sa balikat ni William. Napalunok ako ng sariling ko'ng laway. Dahil sakto pag tingin ni William sa salamin ng sasakyan nagtamma ang aming mga mata. Kaagad akong nag-iwas at tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan. "Sure sis! Walang makalapit kay Luke. Ako ang bahala." Labas sa ilong na sabi ko "Babe, wala akong babae na titingnan o kakausapin kundi ang kapatid mo lang. Siya lang ang gusto kong makasama sa Manila. Kaya huwag ka ng nag-isip ng kung ano-ano. Pangako walang makalapit na ibang babae sa akin. Basta mag-ingat ka sa Mindanao. Ikaw na muna ang bahala sa bahay natin at sa aking talyer. Nandun naman si Joey. Kaya ikaw nalang muna ang kukuha ng income natin." Turan ni William. Nag-usap pa sila nag kung ano-ano na parang sweet sa isa't-isa. Parang may kung anong kirot naman sa aking dibdib na makita silang masaya. Kaya pumikit nalang ako at sumandal sa upuan. Ang sakit nila sa mata. "Sis ingat ka! I love you! Basta huwag ka'ng ma-ilang kay Luke. Isipin mo lang na kapatid mo siya." Wika ni Steff habang magkayakap kami. Nandito na kami sa labas ng airport. "Ikaw din sis , mag-ingat ka. Huwag masyadong magpaka pagod. I love you sis!" "Ikaw Luke, alagaan mo ang kapatid ko. Isipin mo din na kapatid mo siya." Turan niya kay William nang sila naman ang magkayakap. "Don't worry babe! Hindi ako magpasaway kay Maribel. Saka alagaan ko siya, ingat sa byahe babe.. Hintayin kita sa Manila." Sambit ni William at hinalikan si Steff sa noo. Nagyakapan muli kami ni Steff bago siya pumasok sa loob ng airport. "Let's go!" Yaya ni William ng tuluyan ng nakapasok si Steff sa loob ng airport. Tumango ako at nauna na ng maglakad pabalik sa sasakyan. Bubuksan ko sana sa likuran ngunit naka lock. Kaya bumaling ako sa kanya. Nakangiti siya at binuksan ang front seat. "Dito ka umupo. Tayong dalawa nalang kaya dito ka umupo. Diba sinabi ni Steff na alagaan kita? Kaya ngayon ko na umpisahan na alagaan kita." Aniya na may malawak na ngiti sa kanyang labi. Kaya pinaningkitan ko siya ng aking mata. At padabog ako'ng pumasok sa sasakyan. "You're so beautiful! kahit masungit ka." Aniya at umikot sa kabila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD