bc

Behind the Tide

book_age16+
72
FOLLOW
1.2K
READ
forbidden
love-triangle
family
fated
forced
arranged marriage
brave
heir/heiress
drama
sweet
bxg
lighthearted
campus
office/work place
servant
like
intro-logo
Blurb

"Houseboy lang siya sa papel. Pero sa puso ko? Delubyo siya."

Akala ni Serena Villanueva, sapat na ang yaman para makuha ang lahat. Pero hindi pala—lalo na pag puso na ang kalaban.

Pinipilit siyang ipakasal sa lalaking mahal ng kanyang mga magulang, pero hindi ng kanyang damdamin. At sa gitna ng gulo, dumating ang bagong houseboy—shirtless, pawisan, may V-line at mayabang na ngiti.

Elio.

Mainit sa paningin, malamig ang kilos, pero may tinatagong lalim na parang alon na hindi mo mapigilan.

Ang hindi niya alam, si Elio ay hindi lang basta empleyado.

Siya ay anak ng pinakamayamang ka-business partner ng kanyang mga magulang.

At… kapatid ng lalaking dapat niyang pakasalan.

Ngayon, ang lalaking bawal niyang mahalin…

ay siya ring lalaking hindi niya kayang iwasan.

Ilang lihim ang kaya mong itago kung mismong puso mo na ang sumisigaw ng katotohanan?

chap-preview
Free preview
CHAPTER: 1
Kung ang araw ay marunong mamili, halatang galit ito kay Serena Villanueva. Hindi pa man alas-nwebe ng umaga ay tila galit na galit na ang araw sa kanyang bagong ayos na buhok at mamahaling salamin sa mata. Habang siya’y naglalakad sa hardin ng kanilang napakalawak na mansion—na mas mukhang mini-forest kaysa likod-bahay—isang kakaibang tunog ang narinig niya. Pak! Pak! Paaak! May nagpapabiyak ng kahoy. Madiin. Paulit-ulit. Parang galit. Napakunot-noo si Serena. Inaasahan niyang makita ang matandang hardinero. O kaya’y ang maintenance man na may suot na suspender at amoy langis ng makina. Pero ang nakita niya… …hindi matanda. Isang hubad na Adonis. Parang inukit ng mga diyos. Naliligo sa pawis. At nakaka-insulto sa pagiging tao. Nakatayo ito sa tabi ng mga troso, hawak ang palakol na para bang props lang sa photoshoot. Bawat bagsak ng palakol ay nagpapagalaw sa mga masel nitong tila sinadyang ipakita sa ilalim ng araw. Nakasuot lang ito ng maong na pantalon—at ang jeans ay... delikado sa damdamin. Doon niya nakita. Ang V-line. Isang krimen laban sa puso ng kababaihan. Perpekto. Para bang nililok. At nagtatago pababa sa maong na halos bumigay na. Napasinghap si Serena. At naubo. Nilingon siya ng lalaki. At ngumiti. Walang konsensya. “Magandang umaga po, ma’am,” ani nito, habang nakasandal sa palakol na para bang model sa isang fashion spread. “’Di ko po kayo napansin.” Napatigil si Serena, parang estatwang nahulog sa yelo. “Ikaw… uh… sino ka?” Lumapit ito ng bahagya, malumanay at may kumpiyansa. “Elio po. Ngayon lang ako nagsimula. Bagong houseboy.” Houseboy. Siyempre. Kasi ang tadhana, mahilig manukso. “’Yung mansion na ‘to, nagpapapasok na ng hubad na lalaki ngayon?” Napatawa si Elio. “Yung uniporme ko po kasi, nasa labahan pa. Ayokong ma-late sa unang araw.” Pinilit ni Serena na ‘wag tingnan ang mga pawis na dumadaloy sa abs nito. Nabigo siya. “Hindi puwedeng basta-basta kang nagbi-biak ng kahoy nang... ganyan.” “Ganyan paano?” inosenteng tanong niya. “Ganyan na parang... tukso.” Tumawa si Elio—malalim, parang pang leading man sa teleserye. “Bawasan ko po ‘yung ‘pagiging ganyan.’ Ayokong madistract ang amo ng bahay.” Nagkrus ng braso si Serena. “Sino’ng distracted?” “Nakatitig po kayo sa abs ko.” “Inspeksyon lang ‘yon sa... paligid.” “Laser-focused inspection, ha.” “Oy, ‘wag kang mayabang, Mr. Palakol.” “Huli na po.” Namula ang pisngi ni Serena. Hindi ito bahagi ng kanyang schedule. May Pilates siya ng alas-diyes at dapat ay maghaharap sila ng future monster-in-law niya ng alas-onse. Ang matulala sa houseboy? Hindi kasama sa itinerary. “May pupuntahan ako,” aniya, sabay talikod na may pilit na dignidad. “Magandang araw po, ma’am,” tawag ni Elio habang tumatawa. Hindi na siya lumingon. Hindi na rin kasi niya nakita ang hose ng hardin sa harapan niya. Pak! Bagsak si Serena sa damuhan, diretso sa pwet. Tumawa si Elio, at ang tawa niyang iyon? Parang kulog na masarap sa tenga. Nakakainis na nakakatawa. Nakakainlab na nakakainis. --- Sa loob ng malaking kusina ng mansion, dumiretso si Serena at kinuha ang bottled water na para bang may atraso ito sa kanya. Ang best friend s***h personal assistant niyang si Pia ay agad nagtaas ng kilay. “Para kang nakakita ng multo. O mas malala. Lalaki.” Lumagok si Serena. “Mas malala. Lalaki na may abs at palakol.” Napakurap si Pia. “Did you just say... abs?” “Hubad siya. Nagbibiyak ng kahoy. May panga na kayang pumutol ng ego ng kahit sinong lalaki.” “OMG. Nakilala mo na si Elio?” Napatigil si Serena. “ALAM MO?” Nagkibit-balikat si Pia. “Ako ang pumirma sa hiring niya. For... morale.” “Morale?! Kaninong morale?!” “Akin.” Nanlaki ang mata ni Serena. “Isusumbong kita kay Mommy.” “Go. Siya ang unang nakakita sa kanya.” Uminit lalo ang pisngi ni Serena. --- Sa labas naman, muling nagbiyak ng kahoy si Elio, pero nanatili ang pilyong ngiti sa labi. Hindi lang kasi niya napansin kung paanong tumingin si Serena sa kanya. Napansin din niya ang isang bagay: Hindi bagay si Serena sa mundo ng mga ballroom at business deals. May kakaibang lambing sa mata nito, kahit matalim ang dila. At si Elio? Hindi lang siya basta houseboy. May mas malalim pa siyang dahilan kung bakit siya naroon. Pero wala pang may alam nun. Sa ngayon. --- “Hindi mo ‘to puwedeng sabihin sa kahit sino, Pia. Kahit sa pusa sa labas. Lalo na sa pusa. Feeling ko chismosa ‘yon.” Si Serena ay nakasalampak sa sofa ng entertainment lounge, may malaking unan sa mukha habang patuloy na nagpapakawala ng random na ungol ng pagkahiya. Katabi niya si Pia na may hawak na phone, nagkakape habang tila ine-enjoy ang kwento ng kahihiyan ng kanyang best friend. “So... nahulog ka sa hose, tapos nakita niya ‘yon?” tanong ni Pia habang sinusubukang pigilan ang tawa. “Hindi lang nakita. NAKITA-NIYA. As in, may eye contact pa kami habang nakadapa ako na parang butanding na nalunod sa sariling pride!” Napahagalpak ng tawa si Pia. “Girl. Bakit ka ba nagpanic sa abs? Hindi mo pa ba nakita ng live ang mga model sa beach event last summer?” “ABS ‘yon, Pia. Pero hindi ‘yon basta abs. ‘Yon ‘yung tipong abs na may sariling personality. May zip code. Baka nga may sariling zipline papunta sa impyerno!” Napahiga si Serena sa sofa habang ginuguhit ng daliri ang hangin. “May V-line, Pia. V-LINE. Alam mo ba kung gaano ka-illegal ang V-line sa umaga? Wala akong proteksyon!” “Eh ano ba talaga ang naramdaman mo?” tanong ni Pia habang naglalambing ng kape. “Naramdaman ko... na parang sumigaw ang kaluluwa ko, sabay may angel na bumulong ng ‘Tingnan mo, anak. ‘Yan ang dahilan bakit nasasaktan ang mga Maria Clara.’” --- Sa kabilang bahagi ng mansion, si Elio naman ay nasa utility room, nagsasampay ng sariling uniform habang nag-aadjust ng schedule ng mga dapat linisin. Naka-earphones ito pero hindi tugtog ang pinakikinggan—recording ng isang luma at pamilyar na boses. "Kung mabalik mo ang Villanueva... malalaman mong hindi lahat ng gold ay ginto..." Pinatay niya ang recording. Hindi pa panahon. --- Balik sa lounge, muling nagtanong si Pia habang tumatawa, “So anong plano mo ngayon, Madam Crush?” “Wala. Deadma. Limot. Delete from memory.” “Eh paano kung araw-araw mo siyang makikita? Shirtless. May palakol. May pawis. May abs.” “Pia, stop. Naiiyak ako.” “Eh ‘di umamin ka na lang. Gusto mo siya.” Serena tumahimik sandali. Tumitig sa kisame. Tapos bumulong, “…Hindi ko siya gusto.” Tumikhim si Pia. “…Nagugustuhan pa lang.” --- Maya-maya, lumabas si Sabrina mula sa kitchen, may dalang tray ng fresh lemonade. “Ate, baka gusto mong uminom. Mainit sa labas.” “Wow, concerned?” bulong ni Serena kay Pia. “Or... may target na,” bulong pabalik ni Pia. Sa labas ng mansion, naroon si Elio, busy na nagdidilig ng halaman shirtless pa rin, at ngayon ay naka nipis na gray na pantalon. Kita ang kurba ng katawan, at sa tuwing yumuyuko, parang may background music ang mundo. Naglakad si Sabrina palapit, may ngiting hindi pang ate. “Hi,” bati nito. “Lemonade?” “Salamat po,” sagot ni Elio, habang iniaabot ang hose para ilipat sa kabilang tanim. Pero ayun na nga. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nadulas si Sabrina nang matapakan ang hose, at sa kanyang pagbawi ng balanse, tumalsik ang baso ng lemonade… diretso sa harap ni Elio. SHHHHHHHHHHHKKKK! Tumama ang malamig at matamis na inumin sa harap ng kanyang gray na pantalon, na ngayon ay kapansin-pansin na nabasa... at lumitaw ang mala–sandata ng kalungkutan. Tahimik. Napatingin si Serena mula sa bintana. Napamulagat si Pia. At si Sabrina? Napasigaw sa isip: “OH. MY. GOD. MAY DIOSMIO!” --- Nabasa. Kumapit. Lumitaw. Bumakat. At hindi ito ordinaryong bakat. Ito ‘yung tipo ng bakat na parang sinadya. Na parang may sariling presence. Na parang sumisigaw: "Surprise! Hindi lang abs ang delikado rito." --- “Pasensya na po!” sabay abot ni Elio ng towel at agad na tinakpan ang sarili. Pulang-pula ang kanyang mukha. “Hindi ko po sinasadya.” “Hindi... ako rin... sorry! Sorry talaga!” utal ni Sabrina habang namumutla’t hindi makatingin. Biglang lumabas si Serena. “Ano ‘tong kaguluhan?” At doon niya nakita. Si Elio. Basang-basang pantalon. At ang kanyang mapangahas na misteryo, proud na proud. “OH.” Isa lang ang nasabi ni Serena. Pero ang mukha niya? Para bang sinuntok ng katotohanan. Tahimik ang paligid. Si Pia? Tumalikod at sabay sambit, “Mama Mary, hold me.” --- “Wait lang, magpapalit lang ako ng pantalon,” sabay takbo ni Elio papasok ng quarters. Sina Serena at Sabrina? Walang kibo. Parang dalawang estatwang pinatigil ng... matigas na katotohanan. --- Pagkaalis ni Elio, nagkatinginan ang dalawang magkapatid. Si Sabrina, unang bumitaw ng salita. “Alam mo, hindi ako madalas ma-impress...” “Don’t say it,” sabay pigil ni Serena. “...pero kung ‘yon ang nakatago sa gray pants—baka ako na ang maglaba niyan araw-araw.” --- Pagkatapos ng napakahiya-hiyang lemonade incident, tumakbo si Elio papasok sa quarters na parang binahaan ng Sahara Desert. Pagkalock ng pinto, tumigil siya. Huminga nang malalim. "Okay. Kalma. Isa lang ‘yon sa milyong kahihiyan na maaaring mangyari sa undercover mission na ‘to..." Pero habang nagpapatuyo ng sarili, hindi niya maiwasang mapangiti. Hindi dahil sa basa ang gray pants. Hindi dahil kita ang lahat. Kundi dahil pareho silang napatitig. Serena. Sabrina. Magkapatid. Magkaibang mundo. Pero parehong... naaapektuhan. --- Sa labas, si Sabrina ay hindi pa rin makapaniwala. “Pia…” bulong niya habang naglalakad sa veranda. “Hindi ako naniniwala sa love at first sight, okay? Pero ‘yung nakita ko? That was more than love. That was destiny. That was gravity. That was... anaconda.” “OMG please, sabog pa ‘yung yelo ng lemonade, ikaw pa rin ang nag-iinit,” sagot ni Pia, nakatakip sa noo. Samantala, si Serena ay tahimik lang. Pero ‘yung tahimik na parang nasa loob ang gera. Hindi siya selosa. Hindi. Pero— “Kapag sumali sa game ang kapatid mong expert sa seduction, hindi mo mapigilang gusto mong i-uninstall ang buong bahay.” --- Maya-maya, lumabas na si Elio. Fresh na. Tuyo na. Pero ngayon ay naka–plain white shirt na hapit sa katawan. Kumbaga, dry na... pero delikado pa rin. “Pasensya po talaga kanina,” bungad niya kay Serena habang inaayos ang mga tanim sa gilid. “Wala ‘yon,” sagot ni Serena, pilit na kalmado. “Sanay naman kami sa... shocking events sa mansion.” Napangiti si Elio. “First time kong mabasa ng lemon juice sa harap ng dalawang babae.” “Technically, isa lang naman ang responsable,” sabay sulyap ni Serena kay Sabrina. “Oh, so it's a blame game now?” singit ni Sabrina, naka-cross arms. “You’re welcome, anyway. At least we know he’s not hiding weapons. Or maybe he is.” “SABRINA!” sigaw ni Serena sa isip. Pero sa bibig niya, “Tubig ka lang. Kalma.” --- Nagpatuloy sa pagtatrabaho si Elio, tila walang pakialam sa tensyon sa paligid. Pero totoo’y ramdam niya. Dalawang pares ng mata. Parehong sumusukat. Parehong interesado. Pero isa lang ang mahalaga sa kanya. Yung isa… ‘yung kanina pa niya gustong titigan, kahit hindi puwedeng aminin. --- Kinagabihan, habang nasa silid si Serena, nagpop-pop up ang notifications niya sa phone: Message from Mommy: “Remember, darling. Your wedding to Lucio secures the partnership. No distractions.” Message from Pia: “Gising ka pa ba? Nag-shirtless ulit si Kuya Elio sa laundry area. Aamin na ba tayo o magsisisi habang buhay?” Message from Sabrina: “If Elio ever needs help... tell him I volunteer. ” --- Napabagsak ng phone si Serena sa kama. “Ang buhay ko ay isang teleserye, at ang bidang lalaki ay houseboy na may abs at mysterious aura.” “Sino’ng sumulat ng script na ‘to?” Tumayo siya. Lumapit sa bintana. At sa ibaba, sa likod-bahay, nakita niya si Elio—nakaupo sa bench, nakatalikod, nakatingala sa buwan. Tahimik. Mag-isa. Parang may hinahanap... o gustong kalimutan. --- “Hindi ka basta houseboy, Elio.” “At hindi lang ako basta anak-mayaman.” “Kapag tayo ang nagkasama, parang may bagyong paparating.” --- Kinabukasan, maaga pa lang ay nasa veranda na si Serena, may hawak na tasa ng kape at bagong bili niyang notebook. Plano niya sanang magsulat ng poetry, para i-express ang lahat ng nararamdaman niya. Unfortunately, wala siyang naisulat kundi: “BAKIT MAY V-LINE SA BAHAY NAMIN?” “Ilang araw bago ako mabaliw?” “At bakit lagi siyang pawisan??” Sabay guhit ng anim na abs sa gilid ng page. Galit-galit pa. --- Habang sinusubukan niyang magpaka-deep, may huminto sa tapat ng veranda. Si Elio. Naka-puting t-shirt ulit. Hapìt. Bakat ang katawan. Pero hindi iyon ang pinaka-nakakagulo. Kasi... May hawak siyang tray. May isang tasa ng kape. At isang perpektong ngiti. “Para sa’yo,” aniya. Napakunot-noo si Serena. “Kape? Hindi ako nag-oorder.” “Alam ko. Pero nakita kong nagsusulat ka. Akala ko baka kailangan mo ng isa pa. Pang-inspire.” “Wow. Mind reader?” “Hindi po. Observant lang.” Sabay kindat. KINDAT. Tumingin si Serena sa tray. Then sa mata ni Elio. Then balik sa tray. “…May sugar ba ‘to?” “Dalawa. Katulad ng gusto mo kahapon.” Napasinghap siya. “You remember that?” “Elio remembers everything, Ma’am.” At hindi lang niya sinabi ‘yon na casual lang. ’Yung pagkakasabi niya... parang sinabing “aalagaan kita.” --- Maya-maya, BOOM—lumabas si Sabrina mula sa gilid, suot ang sports bra at leggings. Pawisan. Pawisan din ang confidence. “Hey, Elio!” tawag nito, sabay lapit. “Tamang-tama, nag-workout ako. I need hydration. Pwede bang ikaw?” Nagkatinginan sina Serena at Elio. Sabay sabing, “Lemonade?” Sabay silang natawa. Si Sabrina? Tumigil. Tapos ngumiti nang pilit. “You two are getting... close ha.” “Lemonade trauma lang,” sabi ni Serena, sabay lagok ng bagong kape. Si Elio, parang hindi apektado. Pero kung papansinin mo, mas matagal siyang tumingin kay Serena. --- Pumasok na si Sabrina, halatang na-off. Si Elio, nanatiling nakatayo. “Ma’am…” “Call me Serena,” sabi niya, hindi makatingin. “Okay... Serena.” Napatingin siya. “Kape lang ‘yan. Pero kung gusto mong magkwento, bukas ang tenga ko. Houseboy nga lang ako. Pero marunong makinig.” BOOM. Heart: delikado na ‘to. “Thanks,” sagot ni Serena. “Pero kung marunong kang makinig... marunong ka rin bang tumigil?” “Depende." mahinang sagot ni Elio." At habang na tahimik sila ay biglang...... SPLASH! Biglang may tumalsik na tubig sa fountain. Parehong napatingin sila. Walang tao. Pero ramdam ni Serena… may nanonood. --- Sa loob ng mansion, may isang lalaking naka-itim na coat, hawak ang tablet. May live feed ng hardin. At ng bawat galaw ni Elio. “Buhay nga siya,” bulong ng lalaki. “At nandito na naman siya. Sa likod ng alon.” ---

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
324.2K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
104.6K
bc

The Forgotten Wife

read
43.7K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
49.5K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
48.5K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
31.2K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
22.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook