CANDIS' POV Pasulyap sulyap ako sa estrangherong lalaking 'to na nagmagandang loob na ihatid kami sa botique. Lyndon Yu? Bakit parang ngayon ko lang yata s'ya nakita? Pinsan ba talaga s'ya nina Meg at Mavy? Hmmmmm. Kung magbebase ka talaga sa looks ay halata ngang pinsan nila ito. Matangkad, maputi at makinis ang balat, at sobrang amo ng mukha n'ya na parang babae. Actually, mukha nga s'yang babae na lalong nagpagwapo sa maliit n'yang mukha. "Nagtataka ka ba kung paano ako naging pinsan ni Mav?" nakangiting tanong nito na mukhang nahulaan ang nasa isip ko. Tumawa s'ya nang nag-iwas ako ng tingin. Binalik ko ulit ang tingin sa kanya kaya naabutan ko pa ang ngiti n'ya Nakalitaw ang dimples n'ya na halos kapantay na ng cheek bone n'ya. Ang cute. "Medyo. Eh kasi naman daig pa ng Mavy na yun

