MAVERICK'S POV Takang taka ang mga staff ko nang gantihan ko sila ng ngiti pagpasok ko kinabukasan. Isa kasi ito sa mga bilin ng Wifey ko. Maging mabait daw ako sa mga staff ko pero ‘wag daw sa ibang babae. Natawa na lang ako dahil doon. Pagpasok ko sa office ay tambak ang paperworks. Agad na pumasok si Alison at isa-isang sinabi ang mga appointments ko sa araw na ‘yon. Pagkalabas n'ya ay agad na inumpisahan ko ang mga nakatambak na kailangang pirmahan. Bumalik na kasi si Daddy sa Paris dahil kailangan n'ya pa raw i-monitor ang flow ng business namin doon para hindi na ulit magkaproblema. Ang Mommy ko naman ay excited na sa pag-uwi dahil gustong-gusto na raw n'yang ma-meet si Candis. Nagulat nga s'ya dahil ang alam daw n'ya ay hate na hate ko ‘yon dahil 'witch' ang tawag ko sa kanya dat

