CANDIS' POV "Hoy, Bakla!" napahilamos ako sa mukha ko dahil sinabuyan ako ng tubig ni Tara. Kasalukuyan kasi kaming naglalaro sa swimming pool. "Ha? Bakit, Bakla?" tanong ko. Hindi ko kasi naintindihan `yong sinabi n'ya dahil kanina pa ko ilang na ilang. Pakiramdam ko kasi ay kanina pa may nakatingin sa akin. Nasa hindi kalayuan lang si Mavy at kumakain mag-isa. "Sabi ko, `yong bola pakiabot!" napatingin naman ako sa kaliwa ko at kinuha `yong bola tsaka hinagis sa kanya. "Kanina ka pa nawawala sa sarili, Bakla. Affected ka ba sa presence ni Fafa Mavy? Yieeeeee!" pang-aasar ni Bessy. Buti na lang at medyo madilim dito kung hindi ay kanina pa nila nakitang namumula `yong mukha ko. Asar! Naconcious kasi talaga ako kanina nang magkatinginan kami. Ang tagal n'ya kasing nakatingin sa akin

