CANDIS' POV Kanina pa ako hindi mapakali. Alas syete na kasi ng gabi at isa isa nang nagsisi-uwian ang mga bisitang dumalo sa kasal namin ni Mavy. "Candis! I guess, kailangan na rin namin umuwi at nagwawala na raw ang baby ko sabi ng yaya," nakangiting sabi ni Lyndsay nang lumapit sa akin. Nagpalinga linga ako at tinawag si Mavy na busy sa pakikipag-usap sa mga staff nito. Lumapit naman ito at pumalibot ang kamay sa beywang ko. Para na naman akong nakuryente dahil sa ginawa n'ya. Tsk! Ano ka ba, Candis? Relax! Napaghahalataan kang ninenerbyos sa honeymoon n'yo n'yan eh! "What is it, Wifey ko?" tanong nito. "Uuwi na raw kasi sina Lyndsay," nakita kong papalapit na rin si Lyndon at ngumiti sa amin bago kinamayan si Mavy. "Congrats again, Mav. Alagaan mo si Candis ha? And pakibilisang g

