6 MONTHS LATER.. CANDIS' POV Naiinis na nilagay ko ang phone ko sa side table sa tabi ng kama ko at padabog na dumapa doon. "Kainis! Kainis! Kainis! Sa lahat ng makakalimutan n'ya, monthsary pa namin!" nagngingitngit na sabi ko habang pinapadyak padyak pa ang mga paa. Pangalawang araw na kasing wala si Mavy dahil may business trip daw ito sa Paris. Naiintindihan ko naman ‘yon dahil part ‘yon ng trabaho n'ya. Pero ang hindi ko maintindihan ay yung mula kaninang umaga ay hindi manlang s'ya nakaalang tumawag or magtext manlang para batiin o kamustahin ako. Hindi kaya nakakilala na ‘yon ng magandang babae doon kaya nakalimutan n'ya ‘yong Monthsary namin? "Ugh!" inis na pinaghahampas ko ang unan. Tatlong oras na lang ay matatapos na ang araw na ito pero ni Ha ni Ho wala. Imposible namang

