4:00 o'clock yun ang oras na hindi ko malilimutan. Ito ang oras na kung saan tumigil ang mundo ko sa isang babaeng nagngangalang Nikki Maniego ang babaeng bumihag ng puso ko. Bumilang ako Isa,dalawa,tatlo ngunit ang pang apat ang nagustuhan ko. Hindi ko na patatagalin pa ako si Patrick Martines ang lalaking nagmamahal sa nangangalang Nikki Maniego.
Ang babaeng iniibig ko ng lubos para sa akin wala siyang katulad. Hindi ko magawang lumingon sa mga nagagandahang babae diyan dahil para sa akin siya ang pinaka magandang babaeng nakilala ko. Kahit magmukang kambing siya parin ang aking lalambingin.
Tila kay raming tula ang aking naisulat ng siya ay nagdaan at nag hi sa akin.Kung ako ay kanyang tatanungin kung ako ba ay may pagtingin, ito ay aking sasagutin ikaw binibini ang aking minamahal. Ilan ito sa mga linyang nasasambit ko kapag kasama ang aking kaibigan na si Nikki.
Tandang tanda ko pa ng mga panahong iyon. Isang umaga ng makita kong paparating na siya ay agad kong pinulot ang isang pirasong bubot ng manga at nagtago sa likod ng puno agad ko itong ibinato sa kanya tila hindi mapatid ang pagtawa ng mga oras na iyon para sa akin ang pangaasar sa dalaga ang pinakamabuting gawin upang siya ay malapit sa akin.
Halos walang araw na hindi ko siya inaasar upang makuha ang attention nito. Maging sa ekwela ay parati ko siyang binabatayan ganoon na nga ata ako kabaliw sa kaibigan kong si Nikki. Ngunit nagiba ito simula ng ipakilala ko sa kanya ang aking kaibigan na si Jonathan simula noon pinilit kong itago ang sakit na nadarama tuwing magkikita kami nang minsan ngang naglalakad kami pauwi biglang may nagpatutugtog ng kanta.
''If you leave me now ng chicago. Napangiti ako dahil akma sa akin ang kantang iyon hanggang sa hindi ko na namamalayan ang aking sarili na nakikinig sa kantang ito. Paulit-ulit ko iyon pinatutugtog sa aming mp3 player noong minsan nga ay nahuli ako ng Daddy at tinanong kung bakit paulit-ulit ko iyon pinatutugtog. Hindi ko na lang iyon sinagot.
If you leave me now you'll take away the biggest part of me
No baby please don't go
And if you leave me now you'll take away the very heart of me
No baby please don't go, no I just want you to stay.
A love like ours is love that's hard to find
How could we let it slip away?
We've come too far to leave it all behind
How could we end it all this way?
When tomorrow comes and we both regret
The things we said today
A love like ours is love that's hard to find
How could we let it slip away?
We've come too far to leave it all behind
How could we end it all this way?
When tomorrow…
ILan yan sa mga linyang paulit-ulit sumasagi sa aking isip kahit ang totoo naririndi narin ako sa mga lyrics ng kantang ito. lalo na at pag makikita kong magkasama sila ni Jonathan, nararamdaman kong masaya siyang kasama ito kay'sa sa aking na matagal na niyang kaibigan. Na halos lahat ay alam ko tungkol sa kanyang buhay.
Masakit sa akin kapag hindi ko siya nakakasabay sa paguwi galing paaralan ngunit ayaw ko naman siyang pilitin sa bagay na ayaw niya ganoon ko siya pahalagahan. Noong minsa nga ay nahuli ko siyang tinataguan ako ngunit huli na para taguan niya pa ko,
Dahil nahablot ko na ang bag na dala niya.Iyon ang araw na tila kay saya ng aking pakiramdam dahil nakasabay ko siya ulit sa paglalakad at syempre hindi nawawala ang harutan kapag kaming dalawa ay magkasama. Hindi ko alam kung kailan pa nagsimula ang ganoong pakiramdam.
Madalas kapag kaming dalawa ay hindi busy parati ko siyang sinusundo sa kanilang bahay at niyayang maglibang sa ilalim ng mayabong na puno ng mangga. At doon paminsa'y pumipitas ng bunga at aming nilalantakan habang ako ay tumutugtog ng guitara at siya naman ang aking bokalista. Hindi ninyo naitatanong pero maganda ang tinig ng kaibigan kong ito.
Isa iyon sa qualities na nagpapadagdag ng aking paghanga sa kanya.Tila dinadala ako kung saang alapaap kapag nagsimula na siyang sa paborito niyang kantang ''In my life medley" na version ni aiza seguerra. Para sa akin isa yun sa memories namin ni Nikki na hindi ko makakalimutan magiba man ang aming landas na dalawa.Isa siya special na babae dito sa puso ko habang buhay.
Minulat ko ang aking mga mata mula sa mga alaalang iyon at sumikbo ang aking puso ng mapagtantong namimiss ko na nga siya. Mula sa apat na sulok ng kwartong kinatatayuan ko tila hibang na nagbabakasali ang aking puso na muli ay magkita kami at magkasama.
Ngunit paano? Gayung may iba nang nagmamay-ari ng puso niya tila huli na ata ang lahat sa amin ito na ba ang pagsuko ko? sa wakas ay nakahanap ng lakas ang aking paa at dali-dali ay tinungo ang bahay ni Nikki upang sa huli ay makapagpaalam ako at masabi ang aking nararamdaman. Naka ilang katok ako kanilang pintuan at wala pang ilang minuto ay agad naman niya akong pinagbuksan.
Muli ay nasilayan ko nanaman ang kanyang mga ngiti at mukang kay amo na tila angel na bumaba sa lupa upa.''Niks pwede ba kita makausap?tanong ko sa kanya.''Sure Pat! ano ba yun? bakit parang bihis na bihis ka may lakad ka ba ngayon?''.
Ngunit bigla ay nayakap ko siya ng mahigpit na tila wala ng bukas bakas sa muka niya ang pagkabigla ng sandaling iyon.''Pa-pat! may problema ba?'' tanong niya sa akin habang ang aking katawan ay gusto lamang siyang mayakap bago lumipad papuntang italya. at pagkuwa'y tinapik niya ang aking likod kaya ay daha-dahan ko siyang pinakawalan.
''Niks aa-alis na ako pupunta na ako sa italy''Malungkot kong sagot sa kanya.''Aa-alis ka na? Pe-pero bakit ang bilis naman? ano ang gagawin mo duon? kelan ang balik mo?'' Sunod-sunod na tanong niya sa akin ngunit tila may pumipiga sa aking dibidib na hindi alam ang isasagot at pagkuwa'y bumuntong hininga muna ako.''Niks pagbalik ko at single ka parin hindi na kita pakakawalan pa promise yan''Mabilis kong tugon sa kanya.''Ikaw talaga puro ka biro'' wika niya ngunit mabilis ko agad ipinagtapat ang nararamdaman ko sa kanya. ''Niks makinig ka dati palang mahal na kita higit pa sa isang kaibigan hindi ko alam kung kelan ko naramdaman ito pero mahal kita Nikki maniego!"gulat na gulat si Nikki ng mga sandaling iyon at tila natuod sa kinatatayuan.
''Patrick!".Hindi na ako nagtagal pa at dali-dali ay hinalikan siya sa noo at nagpaalam na.Nang iwan ko siya ay tulala siyang nakatingin sa akin at hindi gumagalaw sa kinatatayuan. Tila kung anong kirot ang naramdaman ko ng mga oras na iyon kung ito na ba ang huli naming pagkikita. Paano kung pagbalik ko ay si Jonathan parin ang nilalaman ng puso niya agad kong naipilig ang aking ulo at sumakay na sasakyan.
Habang nasa eroplano ni hindi ko magawang matulog dahil panay tingin ko sa aking social media account. at panay check ng messenger na baka sakaling may message si Nikki ngunit bigo ko lamang akong naghihintay sapagka't ilang araw na itong hindi nagbubukas ng kanyang social media base sa status ng kanyang profile.
Nang makalapag na ako sa airport ng Italya ay agad naman ako sinalubong na aking Mommy Denise at mabilis na niyakap. ''Finally iho you are here teka bakit hindi mo isinama yung kaibigan mo akala ko ba ay isasama mo din siya para sa Scholarship?''Nagtatakang wika ng kanyang mama ngunit malungkot lamang niya itong nginitian.
''Hindi bali anak if you will change your mind ,I have a another Slot of scholorship kung magbabago ang isip mo pwede ko itong ipadala sa university nyo para sila ang magbigay sa kaibigan mo.''Tumango na lang ako at hinayaan ko nalang na makauwi kami sa kanyang tinutuluyan.
Lumipas ang ilang buwan mas lalo ko ata siyang namiss kaya nagdesisyon na ako at kinausap ang aking Mommy isang umaga habang kmi ay kumakain ng almusal. ''Mo-mom,you told me na meron ka pang slot for scholarship?'' tanong niya sa Ina.''Yes my Son! Why? ipapadala ko na ba sa University niya?'' tanong nito sa kanya at agad -agad sumagot siya.
''Yes Mommy! as soon as posible?" demand niya sa Ina at agad agad din ng araw na yun ay inayos din agad ng Mommy niya. Ang Scholarship invitation para sa dalagang kaibigan. Dalawang araw simula ng maipadala ng Mommy niya ang scholarship letter ay agad nakumpirma ng Univesity na pumayag na ang kaibigan.
Isa iyon sa araw na ganado na siyang pumasok sa Eskwelahan masaya siya at sa wakas ay malapit ng makasama ang kaibigan. At lumipas ang ilang buwan pa ay napagalaman niya mula sa kanyang Mommy na naririto na si Nikki sa bansa at tumuloy na di umano ang dalaga sa Free accomation Dorm na kasama sa scholarship na inofer sa dalaga.
Kaya ng dumating mula sa Eskwela ay dali-dali niyang hiningi ang numero nito sa kanyang Mommy at agad tinawagan. Simula ng mga araw na iyon na nakausap na niya ang dalaga ay hininga na niya dito ang address na tinuluyan nito at madalas na niya itong puntahan at tulungan sa ilang assignment nito at project kapag dinadalaw niya sa Dorm.
Ngunit tila kay ilap sa kanila ng tadhana dahil hindi parin niya nakukuha ang puso ng kaibigan sa iba parin ito nakatingin. At higit sa lahat Engage na pla ito sa dating kaibigan niya na si Jonathan. Gumuho ang mundo niya ng isang araw nagtapat ito sa kanya na bago nagpasiya ang dalaga na pumunta dito sa Italya at tangapin ang scholarship ay na Engage na pala ito kay Jonathan. tila sinaksak ang mga puso niya ng mga oras na iyon ngunit masakit man ay tinangap na lang niya ito.
Ngunit wala parin nagbago sa pakikitungo niya dito siya parin ang bestfriend niya na lihim paring minamahal. Naging mas overprotected pa rin siya dito dahil ayaw niya paring mapahamak ang minamahal na kaibigan kahit na ilang beses na nitong nasaktan ang damdamin ng palihim.
''She is, My Still the one"" bulong ni patrick sa sarili ng isang trahedya ang naganap di umano sa dalaga. Naiinis parin siya sa dating kaibigan na si Jonathan simula kasi ng sumunod din ito kay Nikki, hindi na nito hinayaan na tumira ang dalaga sa dorm inuwi na nito si Nikki sa Mansyon na pagmamay-ari ng magulang nito.
OO may Mansyon sila dito sa bansang ito ganoon kayaman ang mga magulang nito kumpara sa kanila. May maganda mang trabaho ang kanyang Mommy ngunit hindi parin matutumbasan nito ang mga yaman ng Villafuego ngunit maluwag naman ang pamumuhay nilang magina sa bansang ito ng italya. Nabibili naman niya halos lahat ng gustuhin niya ngunit may limitation. dahil hindi naman siya maluhong tao.
Ngunit isang araw nawindang siya dahil sa pagkawala ng minamahal na kaibigan. Agad ipinaalam sa kanya ni Jonathan ang mga pangyayari at nakiusap sa kanya na tulungan umano na hanapin ang Fiance nito at hindi siya nagdalawang isip pa.
Ginawa niya ito para sa kaibigan hindi parin siya papayag na may mangyaring masama dito ngunit tila litong-lito na sila ni Jonathan kakahanap sa dalaga. Ngunit hindi parin ito natatagpuan lumipas ang araw, Mga linggo,buwan at hindi parin nila ito natatagpuan. Nasaksihan niya ang dating kaibigan na si Jonathan ang naging paguho ng mundo nito simula ng hindi na nila mahanap ang Fiance nito.
Halos araw-araw itong naglalasing at minsan pa'y inaway nito ang kaibigan ni Nikki na si Luke.Dahil kinulit din sila nito ng mga panahong hindi na pumapasok sa Eskwelahan si Nikki. Naging magulo ang takbo ng buhay ng tipaklong na ito.Gayunpaman inalala parin niya ito kahit na matagal na nilang pinutol ang pagkakaibigan nilang dalaw.
Hanggang sa minsan ng dinalaw niya si Jonathan upang kamustahin narin pati ang paghahanap nito kay Nikki nagulat nalang siya at nakipagayos na sa kanya ang dating kaibigan gusto nito na maging mag kaibigan parin sila kahit na matagal na nilang tinapos iyon. Hindi naman siya masamang tao para hindian ito lalo pat kailangan ito ng karama'y sa paghahanap sa Fiance nito at lihim naman niyang minamahal na kaibigang si Nikki.
Nagkasundo silang dalawa at muli ay nagsimula muli ang pagkakaibigan at di nagtagal napagtanto na lang niya na mas karapat dapat talaga ito sa kaibigan niyang si Nikki kaysa sa kanya unti unti ay natangap niya ito kahit na nawawalan na sila ng pagasang makita pa ang dalaga.