Prologue
Nang umagang iyon maagang nagising si Nikki, Ngunit tila inaantok pa siya kaya naman bigla ay nag inat muna sya bago tumayo. Maaga kasi siyang pinapupunta ng kanyang mama Margarita sa Mansyon nila Don Fakundo at Donya Esmeralda upang tumulong sa ilang gawain sa farm at Mansyon ng mga ito. Bata palang kasi siya ay naninilbihan na dito ang kanyang Ina kaya naman nang tumuntong na siya ng sapat na gulang ay nagprisinta siyang tumulong at sumama sa kanyang ina sa pagtatrabaho.
Maaga kasi siyang namulat sa pagbabanat ng buto dahil lumaki siyang walang amang umaaruga sa kanila ng kanyang ina. Kaya naman lumaki siyang may nakaatang na responsibilidad sa kanilang mag ina sa mura niyang edad. Pag tayo niya nag "Stretching" muna siya upang maging maganda ang daloy ng kanyang dugo at magkaroon siya ng enerhiya bago tumulong sa Farm.
Habang naglalakad siya sa di kalayuan bigla ay natanaw niya ang imahe ng kanyang kaibigan na si Patrick. Nang sipatin niya ito ay tila naman ito aligagang naglalakad papalapit sakanya at tila may hawak hawak ito dahil nakatago ang mga kamay nito sa likuran. At pagkuwa'y sabay tawag sakanyang pangalan. "Nikki!'' Sigaw sa sakanya ni Patrick. Nang aninagin niya ito ay laking Gulat niya nang may kung anong tumama sa kanya at pagkuwa'y nasapo niya ang kanyang noo.
Dali-dali ay kimumpirma niya kung ano ang ipinambato sa kanya nang kaibigan. Buti nalang at bubot lang pala ito nang manga. at nasisigurado niyang napulot nito sa mga naglalagang bunga nang mayabong puno ng manga sa kanilang pinagtatambayan
Kaya naman habang naglalakad ay hawak hawak niya ang kanyang noo na tila may namukol sa ginawang pagbato ng kaibigan. "Patrick! bwisit ka talaga, wala ka nanamang magawa sa buhay mo kaya naman pinagtitripan mo nanaman ako, Kay aga aga nananakit ka agad" Galit niyang singhal sa kaibigan.
Muli ay tinitigan niya nang masama ang kabigan na noo'y walang tigil sa kakatawa sa ginawang pagbato sa kanya. ''Bakit ba kasi hindi ka umilag ng binato kita?" Nakangising tanong sa kanya. Ngunit sa sobrang inis ni Nikki ay hindi nalang niya ito pinansin at pagkuwa'y nilagpasan niya ang kaibigan. "May araw ka din saken Patrick ' bulong niya sa sarili' habang hawak hawak ang noo'y ang kanyang noong nanakit habang binabagtas niya ang daan Papunta sa Mansyon.