Chapter 1

1898 Words
                Inabot ng tanghalian ang paglilinis nila Nikki sa Farm ni Don Fakundo, kasama ang mga Tauhan nito. Habang pinupunasan naman niya ang basang katawan ng kabayong si Lemery ang kabayong sakanya ipinagkatiwalang ipalaaga ni Don fakundo. ''Nikki!" tawag sakanya ng isa sa tauhan "Tara na miss ganda ipinatatawag na tayo ni Don fakundo dahil tanghalian na" Aniya nito. "Sige ho ka Roger, mauna na ho kayo susunod nalang po ako pagkatapos ko punusan si lemery.            At dali dali ay binilisan niya itong punasan dahil nararamdaman na niya ang mga  gutom na bulate sa tiyan niya at pag kuwa'y tinungo na niya ang kinaroroonan ng Mansyon. Masayang nagkukuwentuhan ang lahat habang nananghalian nang bigla ay nagsalita ang "Don at tumikhim. "Margaret, ito bang si Nikki eh papasok na sa kolehiyo sa susunod na linggo?" Tanong ng Don sa Kanyang ina. "Naku opo' Don fakundo, kaya nga po pinatutulong ko na siya dito sa farm. Dahil sa susunod na linggo eh malimit na siyang makakagawa ng mga gawain dito sa Mansyon at sa Farm" Aniya ng kanyang Mama.         Ngumisi naman ang Don at nagsalita muli  "Kung ganoon, ako na ang bahala sa kanyang tuition fee  sa kolehiyo at sa maging allowance niya pag pasok. Pakonsuwelo ko dahil sa maayos na pagaalaga niya kay Lemery." Hindi nakapagsalita ang kanyang mama dahil sa pagkakabigla nito sa sinabi ng Don sa kanila ngunit magkagayunman ay bakas sa muka ng ginang ang saya kahit hindi ito makaimik.          Mabigat na binagsak niya ang kanyang pagod na katawan sa higaan dahil sa pagod maghapon sa Farm. Habang nagmumuni muni naalala nanaman niya ang noo na binato ng kanyang bestfriend na si Patrick. Ang siraulong iyon, palagi nalang ako binubully kapag ngkikita kmi lagot siya sa akin bukas" Wika niya sa sarili habang may mumunting pilyong ngiti ang bigla ay pumasok sa kanyang isipan habang iniisip ang pagkakabato sa kanya ng kaibigan niyang si Patrick.         Kinabukasan maaga nagising si nikki upang isakatuparan ang paghihiganti sa kanyang pilyong kaibigan na si Patrick. At ng makita niya ito na tumutugtog ng gitara sa ilalim ng puno, walang ano-ano ay gumilid siya sa likod ng puno na sinasandalan ng kaibigan at pagkuwa'y ipinukol niya dito ang napulot na bato.         "Arayyyyy!!!!" Sigaw ni Patrick at pagkuwa'y bigla itong lumingon sa kinatatayuan niya. Kaya naman halos sumakit ang tiyan ni Nikki sa kakatawa sa naging reaksyon ng kaibigan. Biglang naman itong tayo at binitawan ang gitara at pagkuwa'y sinugod ang kinatatayuan niya. Ngunit mabilis pa sa alas kwatro ay agad siyang napatakbo papalayo sa binata.         Takbo dito, takbo doon ang ginawa nilang magkaibigan, hanggang sa sila ay tinamaan na ng pagod sa pinagagawa nilang harutan. Bata palang kasi sila ay magkaibigan na ang dalawang ito at naging malapit talaga sa isat'isa. kahit na palagi nilang binubully ang Isat'isa noong highschool sila iilan sa mga kaibigan ni nikki ang nagkaroon ng gusto kay Patrick.          Dahil narin sa pangangatawan nito at gandang lalaki naalala pa niya noon na palagi siyang ginagawang tulay ng kaibigan na si cindy. Upang iaabot sa binata ang liham na ginawa niya para dito ngunit ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na magkagusto sa kaibigan. Dahil naging kapatid ang turing niya dito matanda nga lang si Patrick ng dalawang taon sakanya.         Madalas pag nagkakasabay sila sa pagpasok sa eskwelahan ay madaming mga kapwa nila estudyante ang tumutukso sa kanila dahil laging binibitbit ni Patrick ang kayang bag habang sila ay naglalakad. Kaya naman hindi maiwasan ni Nikki ang mainis kapag inuulan sila ng tukso sa campus nila.         Paano ba naman kasi si Patrick ang tinuturing na Mr campus ng kanilang eskwelahan, At siya naman ang bestfriend nito na tila may pagka boyish ngunit simple lang manamit. Kahit na ang kanyang angking kagandahan ay maitutulad mo sa itsura ni Megan fox.         Madami ang nagsasabi na kahawig niya ang hollywood actress, Dahil narin siguro at foreigner ang kanyang ama. Bata palang kasi siya ay iniwanan na sila ng kanyang ama dahil narin sa hindi naman citizen dito at nakilala lang ng kanyang ina nang noo'y magtrabaho ang ginang sa manila. Doon nagkakilala ang kanyang ama at ina hanggang sa nagkaroon ng relasyon ng kaniyang mga magulang.         Hangang sa nabuo siya at naipanganak nagpabalik pabalik lamang ang kanyang ama sa maynila upang makita sila. Hangang sa kalauna'y hindi na ito bumalik sa hindi nila maisip na dahilan. Simula noon hindi na sila binalikan pa nito ni pagsulat sakanya ay hindi nito nagawa pa kaya naman lumaki siyang naging matapang para sakanila ng kanyang Ina.         Kahit minsan ay hindi siya nagkaroon ng interest sa mga lalaki. Dahil para sa kanya hanggang kaibigan lamang ang kaya niyang ibigay para sa mga ito. kahit na madami ang nagpaparamdam sa kanya ay binabalewala niya lamang ito. Dahil tuwing naalala niya ang ginawa sa kanila ng kanyang ama ay naiinis na agad siya sa mga lalaki.         Ngunit isang araw ay may nag transfer sa school nila na galing ibang bansa. Madami ang nakiusyoso sa faculty room upang kilatisin ang bagong transfer na binata. At naging bulong bulungan nga raw na sobrang gwapo nito dahil sa mala foreigner nitong itsura. At dahil narin sa maputi nitong balat at malaking pangangatawan.          Hindi na siya nakatiis noon at nakiusyoso narin siya upang alamin kung tama ang haka haka ng mga kapwa niya estudyante roon. Akmang bubuksan na niya ang pinto ng faculty room para silipin ito, ngunit bigla naman sa pagbukas nito ng pinto. Kaya naman gayun na lang ang pagkakagulat niya "Ay t**i ng kabayo!" Gulat na gulat niyang nawika sa harap nito.          Kaya naman bigla ay nagkabangaan sila ng binata sa akmang pagbukas niya ng pinto at paglabas naman nito mula sa sa faculty room. Bigla ay nagtama ang kanilang paningin at nagulat na lamang siya dahil bigla siya nitong pinaalis sa daraanan nito. "TABI!!! singhal nito sakanya. Dahil sa biglaan niyang pagkakagulat sa binata ay bigla siyang natuod at pagkuwa'y naiwan siyang tulala sa pintuan.          At hindi manlang siya tinablan ng pagkagaspang at pagiging siga nitong ugali. Ilang segundo din siyang hindi gumagalaw sa kinatatayuan niya at tumikhim bigla ang kanilang faculty president na siyang ikinagulat niya muli. "Ehemmm! Miss Maniego? Anong ginagawa mo dito sa Faculty room? May kailangan ka ba?" Tanong ng guro ngunit hindi naman siya agad nakapag isip ng isasagot dahil sa pagkabigla sa binata.        "Ah eh kasi po wala po sige po aalis na po ako" At bigla nalang siyang kumaripas ng takbo papalayo habang sapo-sapo ang kanyang dibdib sa sobrang nerbyos. Naglalakad na siya sa pasilyo ng kanilang room ng bigla ay may narinig siyang sumigaw sa pangalan niya. "Nikki!!" Sigaw ng pamilyar na boses at pagkuwa'y bigla siyang napalingon sa kinaroroonan ng boses na tumatawag sa kanya.         Napakunot bigla ang noo niya ng si Patrick lang pala ang tumatawag sakanya. "Ano na naman kaya ang kailangan ng lalaking ito?" bulong niya sa sarili at taas kilay siyang tumingin sa kaibigan at pagkuwa'y lumakad na siya papunta sa kinaroonan nito. "Bakit, anong kailangan mo?'' Tanong niya dito. Bigla naman sumulpot sa gilid ni Patrick ang isang lalaki na tila pamilyar sakanya.       Kaya naman namilog bigla ang kanyang mga mata ng makita niya itong nakangisi at tila nangaasar ang mukha sa kanya. "Ah Nikki, si Jonathan nga pala" Pakilala sa kanya ni Patrick at agad namang namula ang kanyang pisngi ng ilahad nito ang palad sa kanya. "Hi Nikki!" ngingisi ngisi itong nakatingin sakanya ngunit hindi agad siya nakipag kamay dahil naalala niya ang pagka rude nito sa kanya.        Sa halip ay tinaasan na lamang niya ito ng kilay at sinabi niya na hindi siya nakikipag shake hands sa lalaki. Agad naman itong natawa at binawi ang kamay kaya naman tila ay napahiya ng bahagya ito sa sinabi niya. Tatawa tawa naman si Patrick sa naging reaksyon niya. "Ah nga pla Jonathan, bestfriend ko nga pala itong si Nikki, kung mayroon kang kailangan dito sa school pwede mo din siyang tanungin kung ano man yon" Paliwanag ni Patrick kay Jonathan.         Kaya naman napabuntong hininga nalang si Nikki sa sinabi ng kaibigan. ''Ah sige, maiwan ko na muna kayo dito, papasok na ko sa last subject ko" Paalam niya sa mga ito at pagkuwa'y tumalikod na si Nikki sa dalawa dahil hindi siya makapag concentrate sa harapan ng bagong transfer na binata. Bigla kasing nagiba ang pakiramdam niya na para siyang kinakabahan sa pagkikita nila ng transferee na ito.         ''Nikki!" Bigla ay sigaw muli ni Patrick. "Sabay ka na sa amin ni Jonathan mamaya pauwe dating gawi!" Agad naman siyang tumango dahil wala naman siyang choice, Dahil iisa lang naman ang daraanan nila ni Patrick at hindi naman siya tatantanan nito hanggat hindi sila magsabay sa pag uwe.          Sakto alas singko na nang bigla ay tumunog na ang bell ng kanilang eskwelahan. 'Uwian na! Uwian na!'' sigaw ng kanyang mga kaklase na sabay sabay nagsipag tayuan. Kaya dali-dali narin siyang lumabas at nagpaalam sa kanilang last subject teacher. Nagmamadali siyang tumatakbo papalabas dahil ayaw sana niyang makasabay papauwe sila Patick at kaibigan nito  na si Jonathan.          At isa pa inaalala niya si Lemery ang alaga niyang kabayo sa Farm, Kapag kasi may dinadamdam siya si lemery ang kinakausap niya ito ang pinaglalabasan niya ng sama ng loob kahit na hindi naman siya nito masasagot sa idinadaing.         Pero hindi pa siya nakakalabas ng gate ng eskwelahan bigla ay hinarang siya ng kaibigan. "Ooopsss!! Saan ka pupunta?'' Wika ng kaibigan kaya naman gulat na gulat siya habang hawak hawak ni Patrick ang  kanyang bag at pagkuwa'y kinuha na nito ang nakasukbit niyang bag.           Nakangisi naman siyang napatingin dito akala niya kasi mauunahan niya itong makalabas ng gate para hindi na makasabay. Pero naghihintay na pala ito exit nang kanilang paaralan, Dahil narin at mas nauna pala itong nakatapos ng last subject. Dahil narin at 4th year highschool na ito at graduating na kaya mas mabilis natapos ang huling subject nito.          Siya naman ay 3rd year highschool palang kaya medyo mas marami pa silang tinatalakay sa klase bago mag uwian. "kakamot- kamot nalang siya ng ulo na ipinaubaya ang bag niya sa kaibigan. Bigla naman lapit sakanila si Jonathan. Nahuli itong lumabas sakanila dahil tinapos pa nito ang mga dapat ayusin sa unang araw ng kaniyang klase dito.          ''Tara na!" sabay aya ni Patrick sakanila. Habang naglalakad sila pauwi nadaanan nila ang cart ng fishball vendor kaya napagdesisyunan nilang tatlo ang tumusok tusok muna dito para may kinakain sila habang naglalakad pauwi. Tutusok na sana siya ng biglang matalsikan ng mantika ang muka ni Nikki kaya naman bigla ay napatili siya sa dahil sa hapdi ng talsik nito.           "Aray!!!! Manong naman, bakit buhay pa ung fishball na itinitinda ninyo tignan ninyo oh tumatalon talon pa?'' Wika niya sa fishball vendor. Bigla naman sinipat ni Patrick ang kanyang pisngi, At pagkuwa'y kinuha ang panyo sa bulsa nito at pinunasan ang muka niyang may konting talsik ng mantika. panay pilig  naman si Jonathan ng ulo at nakatingin lang sa kanila.           Nang matapos na silang tumusok tusok ng fishball naglakad na sila pauwi habang hawak nila at nginunguya ang biniling street food. Minsan siyang bibiniro ni Patrick at pagkuwa'y ikinukuwento nito ang mga kalokohan nilang dalawa kay Jonathan.Ngunit sa halip ay tipid naman itong sumasagot at ngumingiti sa naging asaran nila hangang sa narating na nila ang kanya kanyang tirahan.     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD