Napag desisyunan ni Nikki na pumunta muna sa bayan upang mamimili ng ilan nilang pangangailangan sa bahay. Alas kwatro pasado narin ng naisipan na niyang umuwi dahil marami pa siyang dapat asikasuhin. Namili din kasi siya ng ilang gamit para sa kanyang unang pag pasok sa kolehiyo.
Inip na inip siya kakahintay ng sasakyan, Ngunit tila wala atang may gustong magsakay ng ganoong oras dahil rush hour narin. Punuan na rin ang karamihan sa pampasaherong jeep kahit nagdadalawang isip ay agad niyang dinial ang numero ng kabigan at tinawagan si Patrick. Upang magpasundo dito agad naman nitong sinagot ang kanyang tawag.
"Ah hello Patrick! pwede ka ba ngayon? Nandito kasi ako sa bayan, hindi kasi ako makasakay pwede mo ba akong sunduin? kung hindi ka naman busy?" Tanong niya sa kaibigan at agad naman itong pumayag at wala pang labing limang minuto siyang naghihintay ay naroon na agad si Patrick sa sinabi niyang lugar.
Nang makita siya nito dali dali ay bumaba ito ng Motor at pagkuwa'y nilapitan na si Nikki. Napansin agad ng dalaga ang sasakyan ng kaibigan. Dinala pala nito ang Nmax na motor ng ama, Madalas kasi ito ang dinadala ng kaibigan kapag may pupuntahan. Kung tutuusin maganda din ang buhay ng kaibigan kung hindi nga lamang iniwanan ang mga ito ng ina at sumama sa iba. Kaya simula noon si Patrick at ang kapatid nitong babae nalang at ang ama ang magkasama sa buhay.
Swerte parin ang kaibigan niya at nakababatang nitong kapatid dahil hindi pa naghahanap ng makakasama sa buhay ang kanilang ama. Sa kanila parin kasi nakatuon ang prioridad ng nito .''Oh ano pang hihintay mo Niks!? lets ride it on!" Maangas na utos nito sakanya napataas tuloy ang kilay niya habang pasakay sa likuran ng binata.
Pag uwi ni Nikki sa kanilang bahay dali-dali siyang nagpalit ng damit upang puntahan ang alaga niyang kabayo na si Lemery. Napili niyang isuot ang leggins na hangang tuhod ang haba at longsleeve na stripe. Ito kasi palagi ang outfit niya tuwing pupuntahan niya ang alaga niyang kabayo.
Sa di kalayuan nakita niya ang Mama niya na tumatakbo papalapit sakanya at hingal na hingal na lumapit sakanya at tila may naririnig siyang kaguluhan sa may farm.Agad niyang tinanong ang inang halos hindi maipinta ang muka "Ma anong nangyare at ganyan ang itsura mo?'' Tanong niya sa ina namumutla kasi ito na tila takot na takot.
"Anak' Si Don fakundo wala na siya'' Humahagulgol na wika ng ina sa kanya. Siya naman ay parang natuod sa kinatatayuan hindi kasi siya makapaniwala na wala na ang Don. At tila ayaw mag sink in sa utak niya ang mga pangyayare. Dali dali niyang inalalayan ang kanyang ina at tinungo nila ang kinaroonan ng ingay at natagpuan nga nila ang nakahandusay na Don.
At pinagtulungan itong buhatin ng mga tauhan upang mailipat sa stretcher para kahit paano ay maisugod parin sa hospital. kahit na tila wala na nga talaga itong buhay base narin sa itsura ng Don. Para kay Nikki itinuturing niya itong parang ama. Naging napakabuti kasi nito sa kanilang mag ina, simula kasi ng hindi na sila binalikan ng ama ito ang tumulong sa kanilang makaahon sa masaklap na buhay nilang mag ina.
Binigyan din sila nito ng matutuluyan kapalit ng paninilbihan nilang magina sa Farm at sa Mansyon. Ngunit bukod doon ay binibigyan parin sila ng pera ng Don upang may pangastos parin sila sa pang araw-araw na pangangailangan. Pinikit ni Nikki ang kanyang matang tumingin sa itaas at bigla nalang bumuhos ang kaninang luha na kanyang pinipigilan.
Napukaw naman ang atensyon nilang mag ina nang makita ang paparating na na matandang katulong papunta sa kanilang kinaroronang mag ina. '' Mam Margarita! sigaw ng katulong sumagot naman ang kanyang Mama. "Ano ho iyon manang lolit? tanong ng kanyang ina, "Mam'Margarita si Donya esmeralda tumatawag ho, Gusto ka daw ho makausap, nasa linya siya ngayon" Wika ng katulong.
At agad naman tumakbo ang mama niya papasok sa Mansyon ng Don upang makausap ang kabiyak nitong si DOnya Esmeralda. "Donya Esmeralda? Tanong ng ginang sa kabilang linya. Narinig nalang ng ginang na panay iyak ng Donya at tila hindi makapagsalita ng maayos.
"Ma-margarita' kayo na muna ang bahala sa aking asawa habang wala pa ako uuwi narin ako pagkatapos ng mga inaasikaso ko dito, Sa ngayon sa iyo ko muna ipinagkakatiwala ang burol ng asawa ko Mahirap man tangapin na ngunit kailangan" wika ng Donya habang umiiyak. "Sige ho Donya Esmeralda makakaasa ho kayo na aasikasuhin namin ang magiging burol ni Don fakundo" Wika ng ginang sa donya.
"Tawagan mo agad ako kung ano ang magiging problema, Alam mo naman siguro margarita na hinahanap ko parin ang nagiisa naming anak dito sa Italy. Pero may lead na ako kung nasaan siya" Paliwanag ni Donya Esmeralda sa kabilang linya. Pag katapos noon ay nagpaalam na ang Donya at pagkuwa'y ibinaba na ang telepono.
Sa Chapel ibinurol ang mga labi ni Don fakundo. Dahil binilinan ang mama ni Nikki na huwag sa Mansyon iburol ang Don. Dahil ayaw ni Donya Esmeralda na maging magulo ang kanilang bahay at dumugin ng mga kamag anak at ng iba pang gustong makiramay sa Don. Ilang araw din muna lumiban sa klase si Nikki upang matulungan ang kanyang mama sa pagasikaso ng burol ng Don tutal naman at kakasimula palang ng klase niya sa kolehiyo.
Mula sa kinatatayuan niya narinig niya ang mga bulong bulungan sa burol ng Don usap usapan kasi na bakit hindi pa umuuwi si Donya Esmeralda gayung wala na ang Don. "Nako pacita hinaan mo nga ang boses mo'' bulong ng isa sa chismosang palaka. " Eh,ano? totoo naman baka nga may kabit si Donya Esmeralda kaya hindi umuuwi yun dito db?" Bulong muli ng isang chismosa. At agad namang tumikhim si Nikki upang para sila ay manahimik para matigil ang kanilang pinaguusapan sa mga sandaling iyon.
"Ehem!!" Baka ho pede ninyo igalang ang burol ni Don fakundo?" pagtataray ni Nikki sa mga chismosang palaka. Agad naman siyang tinarayan ng isa sa mga chismosa "Naku Nikki huwag ka ngang umasta diyan na para kang anak ni Don fakundo" Singhal ng matandang chismosa. Sa sobrang inis tinalikuran nalang ni nikki ang mga matatandang chismosa at baka kasi makalimutan niyang gumalang sa mga palakang yon.
Madaming kilalang politiko at mayayamang businessman ang nagpunta at nagpadala ng mga bulaklak sa burol ni Don fakundo. Madami din ang nakisimpatya at nangutya ngunit hindi kaila sa mga ito na mayroon itong anak na lalaki. Naging usap usapan din ng mga palakang chismosa ang tungkol sa binatang anak ng Don.
Lumipas ang mga araw ngunit tila aalog alog ang Farm at Mansyon dahil wala umano dito ang Don at ang Donya. Tanging sa kaniyang ina lamang ito hinabilin ni Donya Esmeralda at nasisigurado din niya maging kung nabubuhay din si Don Fakundo, Sa ina rin niya ito ipagkakatiwala. Ganoon kasi kalaki ang tiwala ng Magasawang Don at Donya sa kanila dahil nasaksihan umano ng mga ito ang tiyaga,responsable at kabutihan ng magina sa kapwa.
Huling araw na ng don sa chapel ng dumating si Donya Esmeralda. Umiiyak itong dumating sa burol ng kanyang asawa. At hindi nito kinakausap ang sino man na lumapit at makisimpatya dito at tanging silang magina lamang ang nakakausap nito. Kaya naman ang mga chismosang palaka ay dinig na dinig ni Nikki na nagsisibulungan na parang bubuyog sa pag pagdating ng Donya.
Paminsan pang naririnig ni Nikki ang mga haka-haka na baka nga meron itong kalaguyo sa ibang bansa kaya nito lang ito dumating. Ngunit sa isip isip ni Nikki ni hindi nila alam ang buong katotohanan kaya matagal namalagi si Donya Esmeralda sa Italy upang umano ay asikasuhin ang kanilang property at ang anak nito umanong binata na matagal ng nawawala. At ayaw magpakita sakanila na tanging sila lamang magina ang nakakaalam ng dahilan ng pagalis at huling pagdating nito sa burol ng Don.
Eto na ang araw na kung saan ililibing na ang ama ng binata mula sa malayo tanaw na tanaw nito ang karamihan ng tao na naroon sa huling hantungan ng ama nitong si Don fakundo. Kita ng binata ang pagmimisa ng pari at pagwisik ng holy water sa ataul ng Ama. Habang ito ay ibinababa na sa hukay dinig na dinig niya ang paghiyaw at pagiyak ng Ina niya na si Donya Esmeralda.
Habang unti unting ibinababa sa hukay ang ataul ng kanyang ama. Ito ang araw na alam niyang pagsisihan niya habang buhay dahil hindi manlang niya nagawang makausap at makipag ayos umano sa kanyang ama bago ito pumanaw.
Walang araw na hindi siya pumupunta sa burol nito sa chapel ngunit hindi siya nagpapakita sa mga nakakakilala sakanya lalo na sa dalaga at sa Ina nito. Parati siyang nakasuot ng itim na hoody jacket at nakashades ang kanyang mga mata upang makapag disguise siya at walang makakita sakanya.
Hindi mawala sa isip ni Jonathan ang huling paguusap nila ng Don bago siya tuluyang maglayas sa bahay nila sa Italy. Gusto kasi umano ng Don na sa mura niyang edad ay ipagkasundo ito sa isang babaeng ni minsan ay hindi pa niya nakikilala. Ayaw niya kasi na ang mga magulang niya ang magdesisyon para sa kanyang buhay pagibig dahil kung siya ang papipiliin mas gusto nalang niya tumandang binata kesa ibigay ang buhay niya sa ibang tao.
Hinintay talaga ni Jonathan na makaalis ang mga tao sa puntod ng kanyang ama maging ang kanyang ina. Ayaw niya kasing makipagtalo dito lalo na ngayon na baka magkasakit pa ang kanyang ina sa galit sakanya. Pati kasi ito ay galit na galit noong huli silang nagkita at nagusap kaya simula noon nagdesisyon siya para sa kanyang sarili.
At pinanindigan niya na mamumuhay siya magisa at hindi na magpapakita sa kanyang mga magulang habang buhay. Naging rebelde siyang anak at inisip lamang ang pang sarili napilitan din kasi siyang kuhanin ang ilang milyong nakadeposito sa kanyang account ngunit walang pahintulot ng kanyang mga magulang.
Nagtago siya ng matagal na panahon sa mura niyang edad at piniling mamuhay magisa. Nanghihinang lumapit siya sa puntod ng kanyang ama wala siyang mabigkas na salita upang sabihin dito tanging pagiyak at pagluhod lamang sa puntod nito ang nagawa niya. Hangang sa biglang bumuhos ang ulan ay hindi siya natitinag sa pagiyak tanging buhos lamang ng ulan ang naging karamay nya sa mga oras na iyon.
Nang makaramdam siya ng panlalamig kahit naghihina kakaiyak ay dahan dahan siyang tumayo at unti unting humakbang papalayo mula sa puntod ng Ama. At doon ipinangako niya sa sarili na susundin na niya ang pakiusap ng kanyang Ama na kahit manlang ito ay makapagpagaan ng kalungkutan niya at ng kanyang Ina.