Chapter 17 In Danger

2779 Words
           Maganda ang gising ni Nikki ng masilayan niya ang imahe ng kanyang Fiance na si Jonathan na nasa tabi niya. Nagalala ang binatang ginising siya ng umagang iyon at pagkuwa'y tinanong na nito ang pakiramdam niya. Agad naman siyang nagdilat ng mata at pagkuwa'y sinagot ang mga sunod sunod na tinatanong nito sa kanya.                     Ilang beses pa itong humingi ng tawad sa naging pagtatalo nila ng gabing iyon. Ngunit hindi naman niya maamin dito ang dahilan ng pagkikita nila ni Spark, dahil inililihim parin niya dito ang kanyang pagkanta. Maya-maya pa ay niyaya na siya nitong kumain ng almusal tila naman masama parin ang pakiramdam niya simula ng magsuka at mahilo siya ng gabing iyon.                  ''Honey let's go come here and stand up''Pagpupumilit ni Jonathan sa kanya. Ngunit nilapitan naman siya ulit nito upang abutin ang mga kamay.                Tila ayaw pa kasi niyang bumangon ng mga oras na iyon at isa pa gusto niyang kumain ng mangga sa ganoong kaagang oras. Hindi naman niya masabi sa binata ang gusto niya dahil baka isipin nito na naglilihi siya. Bigla naman siya napahinto at sumandal sa headboard ng higaan.Agad naman nagalala nanaman ang binata at pagkuwa'y tinanong siya.          ''Hon what's wrong with you? are you in pain? Matagal niya bago nasagot ang mga tinatanong nito bigla kasi niya naalala kung kelan siya huling nagkaroon ng period. Tila naman binalot siya ng kaba ng mga sandaling iyon kaya bigla ay napahawak siya sa kanyang tiyan na noon ay nagaalburuto dahil tila sinisikmura siya ng ganoong kaaga. Aagad naman siya nilapitan ni Jonathan at dahan-dahan hinawakan ang kanyang likod at banayad na hinagod.           ''Do you want to take to hospital?''Pagaalala muli na tanong nito sa kanya.Agad naman siyang umiling at niyaya na niya na bumaba nalang at pumunta na sa kitchen. Nakangiti naman ang dalawang ginang  nang makita silang magkasamang bumaba.at pagkuwa'y binati sila.''Good Morning iho! Nikki''.Bati ng Mama ni Nikki.agad din naman din binati sila ng Mommy ni Jonathan.''Goodmorning sa inyong dalawa halina at umupo na kayong dalawa'' Paganyaya ng tita Esmeralda niya sa kanilang dalawa. Pagkuwa'y umupo na sila tila naman sila nasa hot seat na dalawa dahil titig na titig ang dalawang ginang sa kanilang dalawa.''Mom what?''tanong ni Jonathan sa Ina.          ''Wala iho mukang ok na kayong dalawa'' wika ng Mommy niya ngingiti-ngiti ng sandaling iyon. Agad naman nagkibit si Jonathan at nilantakan na ang mga nakahaing pagkain sa mesa tila naman walang ganang kumain si Nikki ng oras na iyon dahil hindi niya gusto ang mga nakahaing pagkain.''OH how about you iha bakit hindi ka pa kumakain? ayaw mo ba ng mga iyan? gusto mong paluto tayo ng bago kay esrelita?ang tinutukoy nito ay ang matandang katulong. ''Huwag na po tita kakain na po Ako'' sagot naman nIya sa ginang. Agad naman nakumbinsi ito at muli ay nagpatuloy ang kanyang ina at ito ng pagkukwentuhan.           Napipilitan man siyang kainin ang mga nasa lamesa ay agad naman siyang naglagay sa kanyang plato at pinilit nguyain, Ngunit nakakailang subo pa lang siya ay tila naman sinuntok ang kanyang tiyan at dali-dali ay napatayo siya at mabilis na tinungo ang lababo at doon inilibas niya ang kanyang mga nakain. Mabilis pa sa alas kwatro ay agad naman sumunod si Jonathan at nagalala nitong hinahagod ang kanyang likuran.          Napatayo naman ang dalawang ginang at mabilis din lumapit sa kinaroroonan niya at nagaalala rin.''Hey Honey! you want me to call a doctor?''nagaalalang tanong nito sa kanya ''No! no! Nathan ok lang ako siguro masama lang talaga ang tiyan ko'' sagot niya sa fiance pero may ilang namumuong hinala na sa kanyang isipan ng sandaling iyon. Dahan-dahan naman siya nitong inakay pabalik sa lamesa.''Anak sigurado ka bang okay ka lang talaga? ayaw mo bang magpatingin sa doctor?'' tanong ng kanyang mama maragarita.           At agad naman siyang umiling dahil hindi niya alam ang gagawin kapag nakumpirma ngang buntis sya. ''Pero anak kagabi ka pa ganyan tila iba na yan'' Pangungulit ng Mama niya. ''Okay lang po talaga ako Ma''sagot niya sa Ina tila naman hindi kumbinsido ang ginang sa naging sagot niya.''Hon tita marga is right i think you need to see a doctor now I am going to call now'' litanyan naman ni Jonathan tatayo na ang binata ngunit mabilis niya nahawakan ang kamay nito at pinigilan.         ''Please Nathan I am really fine promise may nakain lang siguro ako kaya please dont call a doctor'' Pagmamakaawa niya sa binata.tila naman nakuha niya sa paglalambing kaya agad din itong bumalik sa tabi niya at pagkuwa'y nilagyan siya ng ibang pagkain sa plato.       ''Ok eat this honey because your stomach is really empty! You need to gain again you energy" Pagmamatigas nitong wika sa kanya kaya wala na siyang nagawa pa kung hindi kainin ang mga inilagay nito sa plato niya. Buti nalang at nakisama ang kanyang tiyan ng sandaling iyon dahilan upang maubos niya ang iniligay nito.       Ngunit naghahanap parin siya ng hilaw na mangga tila ito talaga ang gusto lantakan ng kanyang bibig. Isa lang ang tanging naiisip niya para makain ito kapag umalis siya mamaya at tumungo sa Contract signing niya ngayong araw. Naglakad pa muna siya sa labas ng hardin pagkatapos nilang kumain ng umagahan, Maaga rin kasi nagpaalam si Jonathan dahil may aasikasuhin ito sa opisina ngayong araw. Ngunit bigla ay tumunog ang kanyang cellphone na dala mula sa kanyang bulsa.       Maya-maya pa ay nagring muli ito at dali-dali ay dinukot niya at sinagot ang tawag. Unregistered number ito kaya napakunot ang kanyang noo sino kaya ito? kaya naman sinagot na niya ito. ''Hello''tanong niya sa kabilang linya.''Hello Ms Nikki Maniego?'' tanong nito. ''Yes'' tanong niya muli.''Well Miss nikki, I would like to Inform you, that you have to signed your contract today On AMC studio company, and our Ceo  Mr.spark william will gladly to assist you today. ''Paliwanag muli ng kabilang linya. agad naman siyang natuod ng marinig ang pangalan ni Spark dahil ito mismo ang magaasist sa Magiging Contract signing niya.       Muli pa ay nagsalita ang nasa kabilang linya tila kasi nawala siya sa sarili ng marinig ang pangalan ni Spark. ''Ms Nikki are you there?'' tanong muli nito at agad naman siyang sumagot. ''Yes I-im coming''wika niya sa kabilang linya. ''Ok Ms nikki Our Ceo is expecting you to be there at 1 pm please confirm your voice yes so we will record it immediately in our list thank you and have a good day'' Paliwanag nito at nagconfirm agad si Nikki Maya-maya pa ay pinutol na ang tawag.       Nang silipin niya ang oras ay alas diyes pasado na kaya dali-dali naman siya umakyat na at tinungo ang kwarto upang makapaghanda na. Dahil medyo matagal din ang kanyang ibibiyahe dahil iba ang opisina na ng AMC studio mabilis natapos ni Nikki ang pagaayos kaya agad na siyang nagpaalam sa dalawang ginang.       At muli ay hindi nanaman siya nagpahatid sa driver dahil gusto niyang maexplore ang Italya ng nagcocomute mas malaya kasi siya makakagalaw kapag walang buntot at naghihintay sa kanya. Isa ito sa madalas na pinagtatalunan nila ng kanyang Fiance kapag aalis siya ng hindi nagpapahatid sa mga driver niya kahit nga ang pag buntot ng ilang gwardiya ay naiirita siya hindi kasi siya sanay sa ganoong set up.       Kaya naman hindi na siya kinulit pa ni Jonathan sa ganung usapin. Panay tingin si Nikki sa kanyang orasan ng sandaling iyon dahil ayaw niyang malate sa itinakdang oras ni Spark sa pagpirma ng Contrata. Alas dose pasado na ngunit hindi parin niya nararating ang AMC studio kaya naman tila siya sinisilihan sa upuan.  Hindi naman niya masita ang driver dahil tila may kung anong kaguluhan sa unahan ng traffic light kaya naging mabagal ang usad ng sasakyan.       Muli pa ay tinignan niya ang google map kung malapit na siya sa AMC studio ng matantiya niya kung nasaan na siya agad na siyang bumaba sa taxi at nagbayad pagkuwa'y patakbong tinungo ang itinuturong diresyon ng Google map. Ilang minuto din siyang nagiikot sa itinurong direksyon at sa wakas ay nasa tapat na siya ng napakalaking building na may nakalagay na AMC Studio.      Nagmamadali naman siyang pumasok sa entrance nito at iniaabot ang identification id sa recptionist at maya-maya pa ay naconfirm na nito ang pagdating niya mula sa Ceo na binangit ng receptionist. Nang iabot ang visitor's I.d dali-dali naman siyang tumakbo papasok ng elevator ngunit ng akmang pipindutin niya iyon tila isang pamilyar na likod ng lalaking nakatalikod ang kanyang namukhaan.       Tila kasi ito ang kanyang Fiance na si Jonathan. Kaya agad naman siyang nagpanic at dali-dali ay pinindot na ang floor na ppnthan. Ano kaya ang ginagawa dito ng kanyang Fiance? tanong niya sa kanyang sarili ngunit mamaya na niya ito iisipin at konti na lang at malalate na siya.       Nang bumukas ang pinto ng elevator sa floor na ppnthan niya dali-dali ay hinanap niya ang room na itinuro ng receptionist at ng makita ay nag inhale exhale muna siya upang mawala ang kaba sa dibdib. Ilang sandali pa ay kumatok na siya.       Pagkuwa'y binuksan ang pintuan tumamabad naman sa kanya ang malaking opisina na iyon na tila pwede ng maging kwarto sa laki. inilibot muna niya ang paningin sa loob niyon at inihakbang na ang paa upang hanapin ang office.       Nagtataka naman siya dahil parang walang tao dito,tila kasi ito kwarto at hindi opisina ngunit may desk siyang nakita at may computer set na nakapatong pagtatantiya ni Nikki.at napagdesisyunan na niyang magsalita.      ''Hello Is there anybody here'' wika niya muli at naglakad siya at sinipat ang kabilang kwarto ngunit wala paring tao. Nasa kalagitnaan siya ng pagtataka habang naglalakad papunta sa double sofa doon muna siya maghihintay habang walang tao. Nang makaupo na siya nakita niya ang ilang nakapatong na magazine sa side table ng sofa at pagkuwa'y kumuha ng isa at binuklat.       Tingin naman siya ng tingin sa orasan dahil labing limang minuto na ang nakakalipas at wala paring kumakausap sa kanya. Tangkang tatayo na siya ng bigla ay bumukas ang pinto ng opisina at inuluwa nito ang isang babae na nakasuot ng maigsing palda at naka sleeveless na damit at tila model sa pagtatantiya niya.       Nginitian naman niya ito nang tipid dahil hindi niya alam kung sino ito.Ngunit dire-diretso naman ito sa loob ng kwarto na kanina ay sinipat niya. Nagtataka naman siya dahil nilagpasan siya ng babae at hindi kinikibo at dumiretso ito sa loob ng kwarto na mayroong Kama at ilang kagamitan na tila condo type.Ipinilig niya ang kanyang ulo masyado na ata siyang magisip.      Maya-maya pa ay inuluwa na nito ang Ceo na si Spark.Agad naman itong tila nagalala ng makita siya.'' did I wait for you for so long?'' tanong nito sa kanya, ''No it's Okay'' wika niya dito.at agad naman itong naglakad papunta sa desk nito at agad naman siyang sumunod. Pagkuwa'y pinaupo sa waiting chair. ''So you're finally here are you excited for your contract signing?'' Pormal na tanong nito sa kanya. ''Well a liitle bit''wika niya.at maya-maya pa ay inilabas na ang ilang papeles sa folder at ipinaliwanag isa-isa ang mga isinasaad sa kontratang iyon pati ang ilang rules at regulation ng kumpanya.      Nang matapos na silang magusap tungkol dito ay agad naman iniabot sa kanya ni Spark ang ballpen. Tila naman siya nanconcious ng sandaling iyon dahil titig na titig sa kanya ang binata na tila ayaw kumurap. Dali-dali naman niyang inabot ang ballpen at yumuko pagkuwa'y pinirmahan na ang ilang papel na nakahaain.      Nang matapos na ay ibinalik na niya dito ang mga papel. ''Thank you''matipid na wika niya sa binata. Ngunit tila naman siya malulusaw sa mga titig nito ng oras na iyon. Buti nalang at lumabas ang babaeng tila kanina pa nakatingin sa kanilang dalawa habang naguusap.      Maya-maya pa ay lumapit na ito sa kanila.''Hi Babe what took you so long I'm waiting you here for about 30 minutes''Maarteng wika nito sa binata. Tila naman nagulat si Spark at tila hindi komportable sa kausap. Maya-maya pa ay naisip na ni Nikki na magpaalam upang mabigyan ng chance na magusap ang dalawa.      Tila kasi linta itong babae kung makalingkis sa binata.Nang akmang tatayo na si Nikki bigla ay hinawakan ni Spark ang kamay nito. ''Wait Nikki can I talk to you for a seconds?'' Tanong nito sa kanya ngunit tila naman matutunaw siya sa kinatatayuan dahil ang sama makatingin ng babaeng linta na hangang ngayon ay nakalingkis parin kay Spark.     ''For what? I thought that we are done?'' Pagaalangan niyang wika sa binata. Ngunit agad naman sumagot ang babaeng linta. ''Yeah she is right she is already done signing the contract can you please let her go and we have some important matter's to discuss'' Maarteng wika nito at agad ay tumayo na si Nikki at nagpaalam na. Wala naman nagawa pa si Spark at hinayaan na makalabas ng opisina si Nikki.      Nakahinga ng maluwag si Nikki at sa wakas ay nakalabas na siya ng opisina tila kasi nakaasiwa ang pagiging linta ng babae kanina kay Spark. Nang makalabas na siya ng building na iyon nagpasya naman siyang maghanap ng makakainan dahil hindi pa siya kumakain ng tanghalian. Nakakita siya ng isang maliit na restaurant at duon napagpasyahan na pumasok.      Maya -maya pa ay magiliw siyang nilapitan ng serbidora at agad iniabot ang menu card katulad parin ng dati napili niya ulit kainin ay ang toritillini pasta. Ilang minuto pa at agad na itong sinerve sa lamesa niya.unti-unti ay nilantakan na niya ito nasa kasarapan na siya ng pagkain ng mapagtanto niya na tila may lalaking nakatingin sa kanya.      Bigla naman siya hindi naging komportable at agad ay tinapos ang pagkain at nagbayad na sa counter ng restaurant. Mabilis niya tinungo ang sakayan ngunit tila mailap ang sasakyan sa lugar maya-maya pa ay nakita niyang tila malapit na sa kinaroroonan niya ang isang lalaki. Wala siyang maisip ng sandaling iyon kung hindi kunin ang kanyang telepono.dali-dali ay tinawagan niya si Jonathan.      Nakailang tawag din siya dito ngunit hindi parin sinasagot kaya napagpasyahan na niyang lumipat ng ibang lugar dali-dali ay binilisan niya ang paglalakad at tila kabayo naman sa bilis ang kanyang hingal ng sandaling iyon. Nang makakita siya ng eskinitang makipot ay agad siyang nagtago dito at unti-unti ay sinisilip ang kinaroroonan ng lalaking nagmamatiyag sa kanya.       Muli ay tinawagan niya ang Fiance.Ngunit kagaya kanina hindi parin nito sinasagot ang tawag niya. ''Pick up the phone Nathan please'' Mahinang bulong niya sa sarili. Nakita niya kasi ang lalaking aligagang naghahanap sa kanya.       Maya-maya pa ay mabilis siyang tumakbo sa kabilang kalsada dahil nakakita siya ng taxi. Tila nakikipag marathon siya ng oras na iyon sa bilis ng kanyang pagtakbo dahil natatakot siya at baka maabutan siya ng lalaking humahabol.      Walang patid sa pagtahip ang kanyang dibdib sa takot.Nang marating na niya ang kabilang kalsada ay agad niyang pinara ang taxing dumaan ngunit tila mapait sa kanya ang sandali dahil hindi ito huminto. Napahawak nalang siya sa ulo ng lagpasan siya ng taxi driver muli pa ay tinawagan niya si Jonathan. Nakatatlong ring ito at sa wakas ay sinagot. ''Nathan please help me tulungan mo ako''Takot na takot na pagmamakaawa niya sa Fiance Agad naman naghisterical sa kabilang linya ang binata at pasigaw na nagwika,     ''What the hell honey Where are you?'' Malakas na wika nito sa kabilang linya. ''Hindi ko alam kung nasaan ako please find me may lalaking humahabol sa akin hindi ko alam kung bakit please Nathan! Help me please. ''Paliwanag niya kay Jonathan.      ''Ok calm down honey tell me exactly where you are, Do you see anything sign?Road name? Botique? What ever signage you saw?'' Tarantang tanong ng binata at ng makita niya ang isang pangalan ng botique ay agad niyang sinabi sa binata. Ngunit mabilis nanaman siyang tumakbo dahil nakita niyang papalapit sa kanya ang lalaking humahabol.       Naiiyak na si Nikki sa takot at kabang nadarama ng mga oras na iyon. Bigla ay sumakit ang kanyang tiyan dahilan para bumagal ang kanyang pagtakbo kaya ay napahawak siya sa kanyang tiyan at ng makakita ng maliit na eskinita ay muli siyang pumasok at nagtago. Hindi niya alam ng mga sandaling iyon kung ano ang mararamdaman dahil nagsabay ang kirot ng kanyang puson at ang kanyang takot.       Muli ay nakita niyang tumutunog ang kanyang telepono at mabilis itong sinagot. ''He-hello''Nanginginig niyang tanong sa kabilang linya. ''Hello Nikki this is Spark I forget to discuss you something''Hindi alam ni Nikki ang isasagot ng sandaling iyon kay Spark dahil nasa gitna siya ng panganib. ''S-spark not now please! someone is following and chasing me'' Naiiyak niyang tugon sa binata at agad naman din itong naghisterical kagaya ni Jonathan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD