bc

The Wild Heiress

book_age16+
5.2K
FOLLOW
41.0K
READ
arranged marriage
kickass heroine
bitch
comedy
Writing Challenge
bold
first love
virgin
like
intro-logo
Blurb

Para takasan ang obsess na ex-boyfriend niya sa Manila, napilitan si Erika na mamundok at bumalik sa probinsya.

Pero ang wild at partygoer na heredera maikakasal naman sa nerd at boring pero may mouthwatering six-pack abs na binata!

Magawa kayang i-tame ng binata ang wild na dalaga?

O

Magawang wild ng dalaga ang isang nerd na binata?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
KANINA pa mainit ang ulo ko dahil sa natanggap na tawag mula kay Daddy. Pinauuwi niya ako ng San Ignacio dahil birthday ni Lolo Damian. Napabuntong-hininga na lang ako. Mahal ko ang lolo ko pero wala akong balak umuwi ng San Ignacio. Paniguradong kukulitin lang ako ni Daddy na mag-take over na sa kompanya, na ayaw na ayaw ko naman. Hindi ko kayang manatali sa isang lugar ng mahabang panahon at iyon ang mangyayari once na pumayag akong mag-take over sa company. Ano ko bale? Bakit naman ako magpapakahirap magtrabaho kung mayroon namang mga empleyado na kayang gawin yon? At isa pa, wala akong alam sa pagma-manage. sarili ko ngang buhay di ko ma-manage ng ayos. Ni hindi ko natapos ang collage. Tinamad na akong mag-aral ng third year ako. Feeling ko kasi wala namang mangyayari sa'kin don dahil wala namang pumapasok sa utak ko sa mga itinuturo ng mga professor. Niloloko ko lang ang sarili ko kung magpapatuloy pa ko sa pag-aaral. Aminado naman ako na walang direksyon ang buhay ko ngayon. Masisi ba nila ko? Kung mas gusto kong mag-party gabi-gabi at mag-travel kung saan-saan? Sinanay nila ko sa ganitong buhay. Buhay na walang pakialam sayo ang mga magulang mo kahit anong gawin mo. Depende nalang pag nasabit ka sa gulo. Maaalala ka nilang tawagan at sermunan, tatakutin na puputalan ng credit cards at hahayaang mabuhay mag-isa. Pero wag ka! Pag naman mga kinulit ko at sinundan-sundan mabilis pa sa alas kuwatro na ibabalik sa'kin ang credit card ko, may bonus pang trip out of the country. Mawala lang ako sa paningin nila dahil of course they were busy on their own business. Puro business ang inaasikaso nila noon pa mang matuto akong magsalita at kapag maglalambing ako na mamasyal kami, sinusuhulan lang nila ako ng pera para tumigil ako sa kakakulit sa kanila. Hanggang sa itigil ko na ang pagse-self pity na walang pakialam sa'kin ang mga magulang ko at umpisahang enjoy-in ang pagiging anak ng isang banker at isang hotelier. At ngayong bente sais na ko saka nila ko maaalala na suwetuhin at pangaralan? Huli na ang lahat para doon. Kung baga sa adik lulong na ko sa mga luho na nakukuha ko at sa kalayaang taglay ko! Mayaman naman kami. Hindi bast-basta mauubos ang yaman namin lalo na at nag-iisang anak lang ako. pero ang pasensya ko sa pangungulit ni daddy kaunting-kaunti na lang! Hindi ko alam kung ano na namang trip ng daddy ko at pinag-iinitan ako. Kanina nga tinatakot niya ko na puputulin lahat ng allowance ko pag hindi ako umuwi sa birthday ni Lolo. Nakakainis! Hindi pa rin naman gano'n ka tanda ang parents ko para magretiro na, bakit ba nila ko pinipilit sa ayaw ko? Nangunot ang noo ko nang may mag-door bell. Wala akong inaasahang bisita. Tamad na tumayo ako para buksan ang pinto ng bigla iyong bumukas. Niluwa no'n si Marius; my ex boyfriend. Hindi maipinta ang mukha nito. Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. Isa pa tong gunggong na ito sakit din ng ulo! Ilang araw na kong pinepeste na makipagbalikan sa kanya, napakatigas ng bungo sinabi na ngang mag-move on na lang! "Ano na naman?" mataray kong tanong sa kanya. Pinaalala ko din sa sarili ko na palitan ang lock ng pinto. May duplicate nga pala ang lalaking ito ng condo ko. Umamo naman kaagad ang mukha nito. Iniabot sa'kin ang dalang bulaklak na di ko pinagkaabalahang abutin o tignan man lang. Dumilim na naman ang anyo nito ng mapagtantong wala akong balak abutin ang inaabot niya. "Pwede ba tayong mag-usap?" "Na naman? Pwede ba tantanan mo ko wala na kong balak makipagbalikan sayo!" Nagulat ako nang bigla ako nitong hablutin sa braso. "Hindi ako laruan na basta mo na lang itatapon Erika!" Nanlilisik ang mga mata nito, nagngangalit ang mga bagang. Sobrang higpit din nang pagkakahawak nito sa mga braso ko. Nararamdaman ko ang pagbaon ng mga kuko nito sa'kin. Napangiwi ako at pilit na itinatago ang takot na umaahon sa'kin. "Nasasaktan ako!" "Mas masakit pa d'yan ang p*******t na ginagawa mo sa'kin! Minahal kita mahal na mahal! Lahat binigay ko sayo kahit magmukha akong tangang hahabol h-habol s-sayo!" Nakaramdam naman ako ng habag dito nang mabasag ang boses nito, namasa rin ang mga mata nito. Totoo naman na lahat ibinigay nito para sa'kin. Kahit pa nga tutol ang magulang nito sa'kin. Ramdam ko rin naman na mahal na mahal ako nito. Pero yun nga ang problema ko dito. Mahal ako nito, mahal na mahal at nasasakal ako dahil don. Nape-pressure ako dahil hindi ko alam kung pano suklian ang pagmamahal na iyon. At sa tingin ko ay nararamdaman nito iyon. Kaya mas lalo itong naging possessive at obsess sa'kin. Lahat na lang pinagseselosan nito, pinagbabawalan na rin ako nitong sumama sa mga kaibigan ko. Kaya nagdesisyon akong makipag-hiwalay sa kanya one month ago. Nung una akala ko tinanggap na nito na wala na kami dahil halos isang lingo itong hindi nagparamdam pero nagkamali ako. Dahil pagkalipas ng isang lingo nag-umpisa na itong mameste, kinukulit akong makipagbalikan pero desidido na ko na hindi na makipagbalikan dito dahil kinukulong ako nito sa sarili niyang mundo at hindi ko yon gusto. No one can tamed Erika Arcega! Ako lang ang susundin ng sarili ko wala ng iba pa. Period! Huminga muna ko ng malalim para kumalma ako. Ayokong madagdagan pa ang sakit na naidulot ko sa kanya kapag nag-umpisa na namang bumuka ang bibig ko, hindi naman ako ganon kasama. Slight lang! "Marius... Listen to me, baby, please..." Malambing na umpisa ko. Marahan ko ring binawi ang kamay ko na agad din naman nitong binitawan. Hinawakan ko ang pisngi nito at para itong tuta na umamo dahil hinihimas ng amo. "It's not you baby, it's me... Ako ang may kasalanan..." Napangiwi ako at gustong sabunutan ang sarili ko. Sobrang nakakadiri at gasgas na ng palusot ko. Wala na akong maisip na idadahilan wala pa kong almusal lutang pa ko! "I'm sorry for hurting you... I don't deserved you... you... you... you..." Shit wala na akong maisip na idugtong. Nabigla naman ako ng marahas nitong hawiin ang kamay ko. Nanlilisik na naman ang mga mata nito. Galit na galit na ito. Napalunok ako. "Inuuto mo lang ako! D'yan ka magaling sa pang-uuto mo!" halos mabingi ako sa lakas ng sigaw nito sa'kin. Para itong baliw na nagpapaikot-ikot habang sabu-sabunot ang buhok. Napaatras ako ng huminto sa harap ko at duru-duruin ako. "Hindi ako papayag na basta mo na lang ako itapon Erika! Kung hindi ka mapapasakin mabuti pa patayin na lang kita!" Nahindik ako sa huling sinabi nito lalo na ng binunot nito ang baril sa likod nito at itutok sa maganda kong mukha! Shit! Im gonna die! Kung alam ko lang na ito na ang huling araw ko di sana nag-ayos muna ko ng kilay. Nakakahiya na kapag nakita ng SOCO ang bangkay ko makita nila na ang haggard kong tignan. Bakit ba kasi napakaaga naman nitong dumating halos di pa nga ako nakakahilamos. s**t makaligtas lang talaga ko sa gagong to sinusumpa ko unang-una kong pupuntahan ang clinic ng prettyworks para magpalagay ng eyebrow! Napapikit ako nang makita kong ikinasa nito ang baril. Pero nakarinig lang ako ng lagabog. Nang magdilat ako ng mata nakita ko sa harap ko si Marius na nakadapa. Duguan ang ulo at may nagkalat ng basag na vase. "O-okay ka lang girl?" bumaling ang mata ko sa nagsalita. Si Patty o Pedro sa totoong buhay. Nanlalaki ang mga mata nito at tagaktak ang pawis. Bigla akong napaiyak. Nilundag ko siya ng yakap saka ipinulupot ang mga binti ko sa bewang niya. Malaking lalaki naman ito kaya kayan-kaya niya ko. "Oh my ghadd, Patty, akala ko mamatay na ko!" humahagulgol na sabi ko dito. Pinaulanan ko to ng halik sa mukha sa sobrang tuwa. "STOP THAT YOU WITCH!" malakas na tili nito at diring-diri na tinanggal nito ang mga binti ko na nakapulupot dito pero di ako nagpatinag pagkakataon ko na to na mamolestya ang bestfriend ko. Matagal ko na itong pinagnanasahan dahil sa lahat ng bakla ito ang pinaka-bet ko dahil gwapo at hindi naman ladlad na ladlad. Kumbaga paminta ang lola niyo. "s**t ako ang papatay sayong malanding babae ka! Pinagsasamatalahan mo ako! Ghaaad!" Natatawang bumitiw ako dito at pinahid ang mga luha ko. Bumaling ang tingin ko kay Marius. "Is he d-dead?" kabadong tanong ni Patty. Lumapit ako nang dahan-dahan kay Marius. Kahit kinakabahan at naginginig nilapit ko pa rin ang kamay ko sa ilong nito para tignan kung humihinga pa. Bigla naman akong napatili ng bigla itong gumalaw at hawakan ang kamay ko. "Waaaahh let me go! Let me go!" histeryang tili ko habang hinihila ang kamay ko na hawak niya. "I-I'm g-gonna kill you..." hirap na anito. Sa sobrang takot ay ubod lakas kong hinila ang kamay saka nagmamadaling kinuha ang susi ng kotse at cellphone na nasa ibabaw ng cabinet at nagmamadaling tumakbo palabas. Kailangan kong makaalis sa lugar na to bago pa ko mapatay ng baliw na Marius na yon! "Hoy gaga, hintayin mo ko!" Napalingon ako kay Patty. Nakalimutan ko na siya sa sobrang takot ko. Malapit na ako sa elevator kaya hindi na ko huminto. Nagmamadaling hinampas ko nang hinampas ang button para magbukas ang lintik na elevator. Sakto namang nakalapit na sa'kin si Patty nang bumukas ang elevator kaya sabay na kaming pumasok do'n. "Letse ka pagkatapos ko'ng iligtas ang buhay mo iiwanan mo ako! Ingrata ka! Walang utang na loob!" Natawa ko sa gigil na gigil na itsura nito. Pulang-pula ang muka nito at nanlalaki ang butas ng ilong. "Ghaad bakla sorry na!" Malambing na sabi ko sa kanya saka ipinulupot ang kamay ko sa braso niya. Medyo nakahinga na ako ng maluwag dahil kahit papaano nakalayo na ako sa gagong Marius na yon. "So ano ng plano mo? Buhay pa pala yung boylet mo. For sure ha-huntingin ka non!" Nawala ang ngiti ko. s**t, oo nga pala baliw ang lalaking yon at hindi titigil hangg't di nakukuha ang gusto lalo na at kilala rin ang pamilya nito at maimpluwensya. Pano na yan san ako magtatago? Hindi ko naman maasahan tong bakla na to dahil kilala siya ni Marius at baka madamay pa siya pag nagkataon. Wala na kong choice mukhang kailangan ko na nga talagang umuwi ng San Ignacio. HALOS limang oras na kong nagmamaneho. Masakit na ang pwet ko at namimintig na ang paa ko. Madilim na din kaya hindi ko na masyadong makita kung nasaan na ba ako. Pagkaalis namin sa condo ko kanina dumaan lang ako sa mall para mag-withdraw at bumili ng mga damit. Hindi ko magawang bumalik sa condo para kumuha ng mga damit. Buti na lang nga at laging may nakaipit na credit card sa likod ng case ng cellphone ko. Pagkatapos mamili naghiwalay na kami ni Patty sa mall at ako naman ay nagbyahe na pauwi ng San Ignacio. Pinipilit pa nga ako ni Patty na magpa-blotter pero ayoko. Mas nanaig sa'kin na makaalis na lang ng Manila at makauwi ng San Ignacio para makalayo na kay Marius, sobrang na trauma ako sa ginawa ng gago na iyon. Inihinto ko ang porsche ko sa paradahan ng tricycle at ibinaba ang bintana saka sumungaw at kinawayan ang lalaking nagtitinda sa tabi ng waiting shed. "Manong, saan na po ang lugar na to?" magalang na tanong ko. "San Ignacio neng." "San Ignacio na ho to?" Hindi ako makapaniwala na nasa San Ignacio na ako dahil sa laki na ng ipinagbago. Marami ng bagong comercial building at may mall na rin. Malaki na ang inasenso na lugar na kinalakihan ko. Halos di ko na maalala. Ilang taon na ba kong hindi nakauwi dito pito ba o walong taon? "Dayo kaba ineng? San ka ba paroon?" Napatingin uli ako sa matandang vendor. "Ah hindi po taga dito din po ako kaya lang matagal na ho kasi nu'ng huling uwi ko dito. Papunta ho ako ng Villa Arcega." "Ay ganon ba. Bali diretsuhin mo yan at pag may nakita kang barber shop lumiko na diretso na yon papuntang Villa Arcega... Ay teka mabuti pang isabay mo si Patchot doon yon malapit sa Villa nakatira para di ka maligaw sa pagliko at madilim na..." Aangal sana ko sa sinabi nito pero nakaalis na ito at nilapitan ang isang lalaking naka polo barong at slacks na pasakay ng tricycle. Sandali na nag-usap ang dalawa pagkuwan ay tumingin sa direksyon ko. Nangunot naman ang noo ng lalake na may salamin sa mata habang tatango-tango at maya-maya pa kasama na ng matandang vendor. "Ineng are si Patchot taga bungad iyan," nakangiting sabi ng matanda. Pinasadahan ko naman ng tingin yung lalaking may salamin. Muntik na akong matawa ng mamula ang mukha nito ng makitang pinagmamasdan ko ito. Mukha naman itong harmless. "Is it ok Patchot?" malambing na sabi ko dito at lalong namula ang mukha nito. Is he gay or what? Tumango ito. Binuksan ko ang pinto sa passenger seat tumalima naman ito at pumasok na. Nagpasalamat naman ako sa matandang vendor saka pinaandar na ang kotse. Ilang minuto na kaming nagbabiyahe pero hindi umiimik ang katabi ko. So anong silbi niya ni hindi man lang sabihin kung tama ba ang tinatahak naming daan parang naki ride lang ang loko. Tumikhim ako para sana mag-umpisang magsalita pero napansin ko namang napapitlag siya. "Hey, bakit parang takot na takot ka. Hindi ako nangangain ng tao no." Natatawa ako sa inaakto nito para bang babaeng Pilipina na ngayon pa lang nakatabi ng lalaki. My ghaad naman ang oa nito. Di na ko magtataka kung virgin pa to. "A-ah h-hindi naman sa gano'n." Natigilan ako kahit na bulol ang loko pang bedroom voice naman ang boses malambing at paos. "Taga bungad ka pala?" tanong ko na lang dito. Taga bungad ang tawag dun sa mga nakatira sa labas ng Villa. "O-oo." "Dun ka lumaki?" "O-oo." "Ahm... So Patchot anong real name mo?" "Juancho," nahihiyang sagot nito. "Ah." wala na kong maisip na pag uusapan namin ang damot naman kasi nitong magsalita nakaka-urat. "Ah... d'yan na lang ako sa gilid." Turo nito sa may waiting shed. "Ang sunod na waiting shed makikita mo na ang arko ng villa." Tumango na lang ako at saka inihinto ang kotse ko sa gilid ng waiting shed. "S-salamat," sabi nito bago bumababa na. Nang makababa ito ay pinaandar ko na ang kotse ko pag karating nga sa pangalawang waiting shed nakita ko agad ang malaking arko ng Villa Arcega. To be continued... A/N This story is completed on dreame

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
45.3K
bc

A Writer's Block (TAGALOG)

read
50.8K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
548.5K
bc

Stan's Obsession (Last Story of Womanizer)

read
102.8K
bc

Just A Taste (SPG)

read
930.4K
bc

Driver Sweet Lover - SPG

read
227.9K
bc

The Sexiest Man Alive (Completed)

read
63.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook